Kabanata 26

335 8 1
                                    

Luther's POV

"Hindi ako makakapayag!!" pagkasabi ko nun ay nagputukan ang mga ilaw dito sa lumang simbahan. Sa sobrang galit ko ay lumalabas ang aking enerhiya.

Nandito na ulit kaming apat sa mundo ng mga tao. At hindi ako makakapayag na hindi namin masasakop ang mundong ito! Ang itim na anghel na yun ang dahilan! Kaya dapat syang mamatay!

"Maghunos dili ka, Haring Luther. Ang aking muka baka mapasukan ng bubog" sabi ni Creighton na hinaplos pa ang kanyang pisngi, tumawa naman si Ash kaya tinignan ko sila ng masama pero hindi sila nagpatinag.

"Wala ba kayong magawa sa buhay nyo?" nanlilisik ang mata na tanong ko sa kanila. Nag-kibit balikat lang silang dalawa. Lalo nila kong iniinis!

"Bakit hindi nyo manmanan ang Prinsipe? Para sa ganun ay alam natin ang mga kahibangan nya" utos ko sa kanila.

Tumawa sila ng malakas at nawala sa paningin ko. Mga hibang talaga!

Tumingin ako kay Magnus na ngayon ay sarap na sarap sinisipsip ang dugo ng isang matandang babae at nang tuuyang maubos ang dugo ng babae ay basta na lang binitawan. May sarili talagang mundo ang Haring to. Tsk!

"Kamahalan" pagbati ni Seth na ngayon ay nasa harapan ko. Nakayuko sya at magkadaop ang dalawang palad. Sinama namin sya dito sa mundo ng mga tao dahil may mahalaga syang gagampanan at ngayon nya pa lang iyon malalaman.

"Patayin mo ang mga fallen angels na sagabal sa pagsakop ng mundong ito" pagkasabi ko nun ay nag-angat sya ng tingin.

"Masusunod Haring Luther" sabi nya na may ngisi sa labi at yumuko ulit sa harapan ko. Nagkatinginan kami ni Magnus.

Hindi ako makakapayag na hindi namin pamunuan ang mundong ito.

Lumapit si Magnus, at sabay-sabay kaming lumabas sa simbahan para puntahan si Ash at Creighton. Tapos na nilang guhitan ang lupa ng bilog at sa loob nun ay may mga simbolo ng aming kapangyarihan.

"Pumasok ka sa loob" sabi ni Magnus. Mabilis namang sumunod si Seth. Sumunod si Creighton at kinagat nya ang pulsuhan ni Seth. Sumunod si Ash at ang kabilang pulsuhan naman ang kinagat. Sumunod si Magnus, at ako ang panghuli.

pumalibot kami sa labas ng bilog at naghawak ng kamay. Si Semyaza ang nagturo ng ritwal na ito. Hindi ganun kalakas ang kapangyarihan namin sa mundo ng mga tao kumpara sa Prinsipe at itong ritwal ang paraan para ibahagi ang kaunting lakas kay Seth, isa syang sandata para samin.

"Pro viribus nos… Nos .. ad immortalem…. Give him the power I beg of you. Mula sa Apat Na Hari, luther, magnus, ash, creighton. binabahagi namin ang kapangyarihan sayo Seth"

Ruax POV

 

"Kamuntik ko na syang mapatay" sabi ko sa kanila. Nandito kami ngayon sa sala at nakabukas ang tv pero wala namang nanonood. Tumingin sila sakin.

BN Book2: SHADOW CREATURESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon