Kabanata 15

432 12 0
                                    

Shara's POV

Umubo-ubo ko kasama ang paglabas ng tubig sa bibig ko. nagulat ako dahil Hindi pa ko lubos na nakakaupo ng biglang may yumakap sakin. Teka... sya ba ang nagligtas sakin?

"Shara"

Dubdub dubdub

That voice. Ngayon lang ulit.... Ngayon lang ulit nya tinawag ang pangalan ko.

"D--damien"

"Im sorry, patawarin mo ko Shara kung nakalimutan kita." nagsusumamo ang boses nya. Napaawang ang bibig ko. Tumulo ang luha sa mga mata ko, totoo ba to? Naalala na nya ko?

"Shara" tinawag nya ulit ako sa pangalan ko. Sobra kong namiss to. Humiwalay ako ng yakap sa kanya. Tumingin ako sa kanya, wala namang nagbago sya pa rin yung Drake na nang-aaway sakin pero naalala na talaga nya ko.

Hinawakan nya ang pisngi ko.

"Hindi naman talaga kita nakalimutan eh, tinanggi ka man ng isipan ko. Maniwala ka sakin Shara, kilalang kilala ka ng puso ko." nakatingin lang ako sa kanya, hindi ako makapaniwala na nangyayari to ngayon. Naalala na nya ko!

"Sorry hindi agad kita naalala... sorry kung..." nadistract ako dahil sa tatlong student na nagtatakbuhan. Tapos ay narinig ko ang tili ni Sandra at Alex kaya lumingon ako. Tumatakbo palapit si Sabina kasama si Darius.

Anong nangyayari?  Humarap ako kay Drake pero bago pa sya makapagsalita nasa harap na namin sila Sabina. Nagtataka pa silang nakatingin sakin, maya-maya tumingin sila kay Drake at parang nag-uusap ang mga isip nila.

"Babalikan kita" yun lang at umalis na sila sa harap ko.

Naalala na ko ni Damien-- ni Drake. Masaya ko pero bakit nagkakagulo ang paligid? Tumayo ako at nakita kong mabilis na lumapit sakin si Alex, sinunggaban nya ko kaya nahiga kami sa buhanginan.

"Alex?!" pano nyang nagawa yun? At ang itsura nya... nakakatakot. Pula ang mga mata nya at may pangil na handa akong kagatin. I gasp dahil lumapit sya sakin, tinulak ko sya sa noo pero sobrang lakas nya talaga.

"Aahhh! Alex ako to!" pero parang wala syang naririnig, may kahoy akong nakita sa tabi ko dinampot ko yun at pinukpok sa ulo nya pero lalo lang syang nagalit.

"Alex wag!" umiiyak na ko. Bakit ka naging bampira? Nakalapat na ang pangil nya sa leeg ko nang kumalma sya. Mabilis akong lumayo sa kanya. Nanlilisik ang mga mata nyang nakatingin sakin at parang pinipigilan ang sarili nyang sunggaban ako.

"Sinong... may gawa..." hahawakan ko sana sya pero lumayo sya. Nagulat ako dahil biglang sumulpot si Antoinette sa tabi ko kasama si Aliesther.

"Ano bang nangyayari!" sigaw ko. Sinama ni Aliesther si Alex sa kung saan. Humarap ako kay Shara.

"Ano bang nangyayari? Bakit bigla na lang ako naalala ni Drake? Bakit nagkakagulo? At anong ginawa nyo sa kaibigan ko!"

"Ano? Naalala kana ni Drake?" nagulat sya sa sinabi ko. Tumango ako.

"Hindi kaba masaya? MAtagal mong hinintay to diba?" nakangiti nyang sabi.

"Pano kong matutuwa kung isa ng bampira si Alex? At kamuntik nya pa kong patayin kanina!" nagbago ang reaksyon nya.

Napahilamos na lang ako sa muka ko. Giniginaw na ko sa lamig dahil kanina pa ko basa tapos... aist!

"Students! Lumapit kayo dito sa site!" sigaw ng prof. Natigilan ako, tumingin ako kay Antoinette. Nag peace sign sya sakin.

Naglapitan naman ang ibang students, half of them were left. Just like that? Oh Gosh! Hindi ko alam kung saan napunta yung mga napatay nila. At kung paanong naging normal ang lahat na parang walang nangyari, hindi ko alam. Pero hindi na rin ako magtataka kung pano nangyari yun.

BN Book2: SHADOW CREATURESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon