Magnus' POV
Habang namamasyal ako sa plasang ito ay may namukaan ako. Pinagmasdan ko lang sya hanggang sa mabilis syang lumapit sa akin na parang isang kidlat.
Isang kauri ko. Ibig sabihin ay marami na rin ang nagkalat na bampira dito sa mundo ng mga tao. Magaling si Drake.
"Haring Magnus" sabi nito sabay yuko.
"Ikinagagalak ko kayong makita dito sa mundo ng mga tao. Ako nga po pala si Seth" sabi nya ng mag-angat ng tingin.
"Isa kaba sa mga naidala ni Drake dito galing sa Infernus?"
"hindi po kamahalan, katunayan nyan ay sinadya kong sundan kayo. Pumuslit ako habang nag-oorasyon kayo upang makarating dito. Patawarin nyo ko"
Kung kay Luther nya sinabi to ay baka pinaslang na sya agad. Ngunit alam kong may dahilan kung bakit nya nagawa yun. Nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay ang mga susunod nyang sasabihin.
"gusto ko lang po ipaalam sa inyo na sa mga susunod na araw ay babaligtad si Prinsipe Drake, hindi na nya ipagpapatuloy ang kanyang misyon dahil sa isang mortal na kanyang iniibig"
"At bakit naman ako maniniwala sayo?"
Sinamahan nya ko sa paaralan na pinapasukan ni Drake at doon nakita ko sya sa isang hardin na may kasamang babae. Masaya ang dalawa, paano natatagalan ni Prinsipe Drake ang dumikit sa isang naghahalimuyak na dugo ng tao?
Ikinwento ni Seth ang nangyari nung mga panahon na nagkakagulo sa Infernus dahil kay Vladimir at kailangan ni Drake magtago sa isang panaginip.
Ngunit duda pa rin ako kung totoo nga ba ang sinasabi nya. Kilala ko si Prinsipe Drake, hindi nya kami pwedeng biguin.
Drake's POV
"Ititigil ko na ang misyon ko"
Tumingin sila lahat sakin pero hindi na sila nagulat sa sinabi ko. Pero alam kong sasalungatin nila ang desisyon ko.
"Drake, alam mong hindi mo pwedeng takasan ang misyon mo" - Darius
"Papatayin ka ng Apat Na Hari, kung papatayin ka nila. Mawawalan ng saysay ang pag-ibig na pinaglalaban mo Drake" - Sabina
"Sino ba ang nagsabi sayo na hahayaan kong patayin nila ko? Hindi nila ko kayang patayin" tumingin ako sa espada na nakasabit sa dingding.
Kahit sila pa ang pinakamataas na bampira, AKO pa rin ang pinakamalakas sa lahat.
"Kung hinayaan mo sana kaming gawing Natum si Shara, hindi mo na kailangan talikuran ang misyon mo" - Kozani. Tumingin ako sa kanya
"Hindi mo talaga maintindihan? Kahit pa maging kauri natin si Shara, hindi na magbabago ang pasya ko" umiwas sya ng tingin.
Mabilis na umalis si Sabina sa living room at isa-isa na silang nagsunuran hanggang sa mag-isa na lang akong matira.
--
Nandito ako sa tapat ng lumang simbahan. Ito yung simbahan na pinagtaguan ko noon ng pumasok ako sa panaginip ni Shara. HUminga ako ng malalim at tuluyang pumasok.
Nakita ko si Haring Luther sa pinaka unahan ng mga mahahabang upuan. Nakaharap sya sa altar habang hawak ang wine glass na may lamang dugo.
"Anong kailangan mo't napadalaw ka mahal na prinsipe" sabi nya sa ganung posisyon.
Nakarinig ako ng tili ng isang babae na nanggagaling sa taas kaya tumingala ako. Nakita ko sa isang kwarto doon si Haring Creighton, at matapos nyang gamitin ang katawan ng babae ay sinsip nya ang dugo nito.
Maya-maya pa ay isa-isa na silang nagpuntahan sa altar na parang isang kidlat. Si Magnus ay nanggaling sa likod ng simbahan, Si Ash at Creighton ay parehas galing sa taas at si Luther naman ay tumayo sa pagkakaupo at humarap sakin.
Alam kong hindi nila ikakatuwa ang sasabihin ko at handa ako sa kung ano man ang mangyayari.
"Mahal na Prinsipe Drake?" tawag pansin sakin ni Ash.
"Nais ko sanang bumalik na lang kayo sa mundo ng Infernus"
Tumaas ang gilid ng labi ni Haring Luther.
"Hindi ko na itutuloy ang aking misyon" pagkasabi ko nun ay natigilan sila.
"Alam mong hindi mo pwedeng gawin yan" mahinahong sabi ni Haring Creighton pero alam kong galit na sila at nagtitimpi lang.
"At bakit naman hindi?" sagot ko sa kanila.
Sa mga oras na to, alam kong wala na ko sa panig nila.
"hindi mo pwedeng gawin yan." mahinahon na sabi ni Haring Luther ngunit ramdam ko ang tensyon.
Tumingin sya sa mga mata ko at binibigay nya sa akin ang kanyang enerhiya upang makaramdam ng sakit ng ulo ngunit hinaharang ko ito. Nakipagtitigan ako sa kanya, nahihirapan akong kalabanin ang lakas nya ngunit sa bandang huli ay nagtagumpay ako. Bumalik sa kanya ang enerhiyang pinakawala nya at napakapit sya sa ulo nya't napaluhod.
In a thunder like, Ash wring my neck at binalandra nya ko sa pader na nasa likuran ko mga labing limang hakbang pa. Naramdaman kong bumaon ang likod ko ng bahagya sa pader at naglaglagan ang mga pitak nun.
"Wala kang galang!" sabi nya at sinikmuraan ako, mas lalo akong lumubog sa semento na yun. Tinadyakan ko sya kaya tumalsik sya sa mga upuan at nawasak yun.
Lalapit sana si Haring Creighton para kalabanin din ako pero itinaas ni haring Luther ang kanang kamay nya para patigilin ito.
"Pag-usapan natin to ng maayos Prinsipe" sabi nya.
"Patawarin nyo ko Apat Na Hari pero hindi na magbabago ang pasya ko"
Mabilis na lumapit sakin si Haring Luther
"Alam mong hindi ako ganun kabait kapag nawalan ako ng pasensya Prinsipe, iisa lang ang dahilan kung bakit ka nabubuhay. At hindi mo dapat kami biguin."
Kung kaya ko lang sana sila gamitan ng aking panghipnotismo ay ginawa ko na. Ang kaso ay hindi naman sila tinatablan ng kapangyarihan kong yun.
"Napag-isip ko na hindi tayo ang nararapat sa mundo na to kundi ang mga tao lang. Meron naman tayong Infernus at bakit hindi tayo makuntento dun?" pagkasabi ko nun ay nagtiim bagang sya at binigyan ako ng isang sampal.
Hindi ako lumaban, dahil alam kong kasalanan ko at kahit paano ay nirerespeto ko sila dahil sila ang nagpalaki sakin. Pero hindi na mababago ang pasya ko.
Tumalikod na ko para umalis.
"Dahil sa mortal na yun? Tama ba?" biglang sabi ni Haring Magnus, kaya natigilan ako. Ang tatlong hari ay napatingin sa kanya.
Paano nyang nalaman? Hindi pwede! Papatayin nila si Shara.
"Sinong mortal?" - Haring Luther