Chapter Three

233 4 0
                                    


" Haist! Salamat naka-uwi na rin grabe sobrang init sa labas."

But she still can't get over about what happened earlier.

"Oh, andyan kana pala anak, kamusta yung lakad mo?" Bungad ni mama sakin ng matanaw nito ako sa sala.

"Ayos, naman po ma, pwede na daw po akong pumasok bukas." sabay abot ng unifrom kay mama, sya na ang bahalang maglaba at mamlansta napagod ako eh, takbuhin mo ba naman yung kahabaan ng hallway ng campus nayon.

"Ah,ganun ba akala ko by monday na ang pasok mo? Friday bukas ah, bakit hindi nalang nila ginawang monday.?" Takang tanong nito.

"Yon nga rin po expected ko, sabi po kase kailangan malaman kona yung room ko para hindi na ako maghahanap sa monday, okay lang naman po yon, mag-ready nalang po ako para bukas, kailangan matulog ng maaga kase po 7:00 AM pa po yung pasok bukas." tamad na sagot ko kay mama. binuksan ko muna yung tv para manood.

Samantala pumunta naman si mama sa kusina pa ipaghain ako ng lunch.

Habang hinintay ko yung tanghalian ko.naisip kong bigla yung dalawang lalaki kanina lalo na yung kumausap sakin. Kahit sinong babae magka-kagusto sa ganong itsura tingin palang pamatay na.

Sana makita ko sya bukas. Ay ano bang sabi ng isip ko? sana makita ko sya bukas? No! ano bayan. wag kang ma-fall sa paasa, arggh! pinilig ko yung ulo ko para hindi kona maisip.
biglang dumating si mama, nakita nya tuloy yung papilig-pilig effect ko. tss patay.

"Anak, bakit mo pinipilig yang ulo mo? masakit ba yung ulo mo?" mabuti nalang ganon yung tanong ni mama. At hindi inisip na nababaliw nako.

"Medyo nahilo lang po ako sa taxi kanina matapang po yung gamit na air freshener eh." pagde-deny kong sagot dito. Tila na-convince ko naman ito at naniwala naman agad.

"Nako, ganon ba. Mabuti pa siguro ay kumain kana, baka dala lang ng gutom yan." Aniya, at nilapag sa mesa ang lunch ko.

I just nodded, at dinampot na yung kutsara. Sa totoo lang naubusan ako ng power dahil sa pagtakbo ko kanina.

"Anak, pagkayari mong kumain dyan, magbihis kana at magpahinga para bukas, kumpleto naman yung gamit mo for school di ba?' tanong sakin ni mama habang kumakain ako.

"Ahh. opo sige po." sakto patapos narin akong kumain, bilis ko no? konti lang din kase ako kumain.

"Ah, mama tapos na akong kumain." kinuha ko na yung pinagkainan ko at dinala sa kusina.

Pagpasok ko sa kwarto ko kumuha muna ko ng pantulog para palitan yung damit ko kanina ko pa ito suot eh. magtake nalang muna ako ng shower tas matulog ako pagkayari..

Bago ako matulog niready ko muna yung mga gamit ko sa school inayos ko muna yung laman ng bag ko, nilabas ko lahat ng notebook's ko para narin yung ibang item na meron ako.
Hindi sinasadya habang pinapag-pag ko yung bag ko may nahulog sa sahig na isang Papel na nakatiklop. pinulot ko at lulukutin ko sana para itapon pero nacurious ako nung makita ko yung nakasulat. I thought papel lang yun pero Isang love letter pa. isang Old love letter. binasa ko yung nakasulat.

Dear: Daisy

Happy 18th Birthday sayo, I'm sorry kung hindi na ako naka-attend sa party mo,alam kong ito ang pinakamahalagang birthday mo, gumawa nalang ako ng sulat para i-greet ka, Sana matupad mo na yung mga pangarap mo, sana maging masaya ka araw-araw lagi kang magiingat ha? Kahit ganyan ka mahal kita. Magpapa-alam narin ako sayo dahil last day ko na dito sa pilipinas mag-mimigrate na kami sa US sana magkita pa tayo someday.. ingat nalang palagi hinding-hindi kita makakalimutan. :)

Lawrence A.

Napabuntong hininga nalang ako matapos kong basahin yung sulat ni Lawrence kailan lang nya sulat yun dahil kailan lang din ako nagbirthday, hindi ko akalaing naitago ko pa yun, actually hindi ko naman talaga kakilala si Lawrence pinakilala lang sakin ng kaibigan kong si Eunice tapos ayun medyo naging close narin kami, pero di ko alam na crush pala ako ni Lawrence kaya nakipag kaibigan sya sakin. ako mismo nakarinig nun.

[Flashback....]

"Eunice maraming salamat ha? dahil pinakilala mo ko kay Daisy alam mo ang bait nya pala akala ko hindi ko makakausap yung crush ko eh.thanks ah" nakangiting sabi ni Lawrence, nasa bahay nina Eunice si Lawrence.

"ahh...ehh.., anong sabi mo? Crush mo si Daisy?" parang nagulat na tanong ni Eunice kay Lawrence.

Malayo palang ako natanaw ko na sina Lawrence at Eunice na magka-usap. tatawagin ko sana sila kahit nasa malayo ako, eh lumapit nalang ako, pero nung papalapit na ako, narinig kong nagsalita Si Lawrence, narinig ko kung ano yung sinabi ni Lawrence na Crush nya ako, medyo kumubli ako para hindi nila ako mapansin, mabuti pang pakinggan ko muna yung pinaguusapan nila. medyo nagulat ako sa reaction ni Eunice dahil parang nagulat sya sa narinig nya.

"Oo, Eunice wag ka sana magagalit na nagkagusto ako sa kaibigan mo ha? hindi ko naman sya sasaktan eh." sagot naman ni Lawrence.

Nakita kong lumunok muna ng dalawang beses si Eunice bago sumagot kay Lawrence.

"Ahh... Oo...,Oo naman! bakit naman ako magagalit hehe.okay lang sakin. Ewan ko lang kay Daisy."

"Mabuti naman.., kaya nga ako nandito para magpatulong sayo.." sabi naman ni Lawrence.

"Bakit? saan ka magpapatulong?" tanong ni Eunice.

"Dun kay Daisy, tulungan mo ko sa kanya, nahihiya kase ako eh., atleast kung tutulungan mo ko magkakaroon ako ng lakas ng loob."

"Ang ibig mo bang sabihin irereto kita kay Daisy?" kunot noongg tanong ni Eunice. parang nayayamot na yung itsura nya.

"Mismo! oo please ireto mo naman ako sa kaibigan mo." parang nagmamakaawang sabi ni Lawrence.

'' ah.. sige... irereto kita, " maikling sabi ni Eunice.

ramdam ko na parang ang bigat ng loob ni Eunice nung sinabi nya yung mga words nayun..

Bago pa ko nila makita umuwi na ko ng bahay, kumaripas na ko ng takbo.. nung nasa bahay nako pumasok agad ako sa kwarto ko pakiramdam ko kakapusin ako ng hininga sa hingal.. medyo nanlulumo ako sa nalaman ko hindi ako masaya dahil may pakiramdam ako na dito magtatapos ang pagkakaibigan namin ni Eunice.

kailangan ko silang iwasan pareho ayokong dahil lang sa isang lalaki ang magiging dahilan anng pag-aaway namin, kaya simula nun nagbussy-bussyhan ako para hindi nila ako makasama sa lakad.

masakit sakin na iwasan ko ang kaibigan ko ng dahil lang sa ganung dahilan.. pero kailngan alam kong matagal nang gusto ni Eunice si Lawrence at ayokong ako ang magustuhan ni Lawrence dahil para sakin pang kay Eunice lang sya. kaya mabuti pang iwasan ko nalang silang dalawa.

[End Of Flashback]

Malungkot na napabuga ako ng hangin ng maalala ang masakit at mapait na nakaraan tungkol sa kaibigan.

A/N: don't forget the vote and comment! Mwah!

THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon