Chapter Thirty

121 1 0
                                    

"Aray!." Daing ko nang mahulog ako sa kama. May ilang beses na ba ako nahuhulog sa kama na ito, bakit kasi ang liit-liit ng space eh. ang sarap-sarap ng panaginip ko tapos bigla akong nahulog.

Inis na tumayo na ako mula sa sahig, hawak hawak ko pa ang balakang ko dahin masakit ang paghulog ko. tumingin naman ako sa wall clock kung anong oras na. nakitang 6am palang kaya lalo akong nainis dahil sobrang aga pa pala. wala naman akong balak pumasok eh..

At dahil nakaramdam ako ng kalam ng sikmura pinili ko nalang lumabas ng kwarto para makapag- luto ng hot noodles..pakiramdam ko kais ay sinisikmura ako pero kumain naman ako ng maayos kagabi..

hindi ko na inintindi ang itsura ko alam kong muka akong bruha dahil gulo-gulo pa ang buhok ko. at naka-pantulog pa ako, pero dahil maaga pa at wala naman akong planong pumasok ngayon kaya kakain nalang ako ng noodles at magko-coffee.

Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ko, ganon nalang ang gulat ko ng makita kung sino ang nasa sala at magka-usap pa ito na mukang nagkakatuwaan pa. agad namang napatingin si Mark sa akin, dahil nakapaharap ito ng upo at si mama naman ay nakapa-talikod, pero ganon din si mama lumingon nadin ito sa akin.

Pakiramdam ko ay tinulos na ako sa kinatata-yuan ko, jusko colored! anong ginagaw ni Mark dito? bakit ang aga-aga nya? peor bigla kong napansin na naka-uniform ito, at ang gwapo-gwapo nito.

"Oh anak gising ka na pala, andito si Mark susuduin ka daw nya para sabay na kayong pumasok sa school." sabi ni mama at naka-ngiti pa itong hanggang tenga.

"Sandali lang at iayos ko na ang breakfast mo, sige Mark maiwan ko muna kayo." biglang sabi ni mama at nagpunta na ito sa kusina para maghain ng breakfast.

Samantalang ako ay naiwang naka-tayo doon pakiramdam ko ay napako na ang mga paa ko doon kaya hindi na ako makalakad hindi ko alam kung anong gagawin ko, bakit ba kasi may pa sundo-sundo pang nalalaman itong mokong na to.

"Good morning! Mukang hindi ka pa get-over sa tulog mo ah." naka-ngiting sabi nito.

bigla ko namang na-alala naka pantulog nga lang pala ako.at muka nga pala akong bruha dahil hindi pa ako nakakapag suklay. eh jusko alam ko bang pupunta ng ganito kaaga ang lalaki nato dito. ehdi kung alam ko lang nag make-up na lang ako habang natutulog para pag-gising ko maayos na agad yung itsura ko..

"S-sandali--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla itong magsalita.

"Saan ka pupunta? don't tell me matutulog ka uli? we're late Daisy, gumayak kana." biglang sabi nito ng akmang papasok uli ako sa kwarto ko.

"Nandito sa kwarto ko yung mga uniform ko kaya dito ako papasok. maghintay ka dyan." pataray kong sabi dito at mabilis na akong pumasok sa kwarto.

Isinandal ko sa pintuan ang likuran ko. grabe pakiramdam ko biglang nanglambot yung mga tuhod ko ng makita kong kausap ni mama si Mark, ano kayang pinag-usapan ng dalawa nayon, tino-too na nga ni mama ang sinabi nitong pumapayag na syang ligawan ako ni Mark.

bago ako kumilos ay huminga muna ako ng malalim tsaka nag-umpisang na akong pumasok sa banyo upang maligo na.

"Bilisan mo Daisy yung prince charming mo naghihintay na." mahinang bulong ko sa sarili ko habang naliligo sa banyo.

Nang makatapos na akong magbihis ay lumabas na ako sa kwarto ko.

nakita ko naman si Mark na naka-padikwatro ito ng upo habang naka-tingin ito sa cellphone nya.

"Hoy! yung upo mo! wala ka sa bahay nyo baka makita ka ni mama." bigal kong untag dito,.

nagulat naman ito ng bigla ako nitogn marinig magsalita. agad nitong inayos ang upo nito.

THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon