Chapter Twelve

204 5 0
                                    

"Uy? Daisy? wake up!.".. gising ni Missy sakin.

"b-bakit.?". medyo utal kong tanong, pano ba naman kase antok na antok pa ako.

"We're finally here." masayang sabi ni Missy sakin, pero hindi parin ako tumitinag dahil inaantok pa talaga ako.

"Mrs. Rachel Alread text me, hinahanap na tayo. Tayo nalang daw ang kulang sa group." sabi ni Missy sakin habang hinihila ako patayo."

Luminga-linga naman ako napansin kong nakahinto na nga yung van na sinasakyan namin, tinignan ko yung mga katabi ko pero wala na, si Missy at ako nalang ang nasa loob.

"Nasaan na sila Mark?". tanong ko habang inaayos ang mga gamit ko. nakita ko naman na biglang sumilay sa labi ang nakaka-lokong ngiti ni Missy sakin.

"oh, bakit anong nakakatawa sa tanong ko?". nagtataka kong tanong kay Missy dahil naka-ngisi parin sakin..

"Ahmm..wala.. kanina pa sila nauna dun.." sabi ni Missy na hindi parin mapalis ang ngiti.

Kunot-noo naman akong nakatingin dito.

"Bakit ba naka-ngiti ka dyan? kanina lang inis na inis kang gisingin ako ngayon nakangiti kana." takang tanong ko uli kay Missy.

"Ahm..Wala nga, halika na, we're late!". Aniya, habang naunang naglakad sakin.

Napaisip naman ako kung bakit naka-ngiti si Missy sakin.

Bakit kaya nong tinanong ko sila Mark biglang ngumisi si Missy? may nangyari kaya?. Oh sadyang nababaliw lang si Missy.

Lumabas kami mula sa isang Parking lot. bigla kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin.

Nakita kong pumasok si Missy sa isang kwarto lalakad na sana ako ng nabasa ko kung anong beach resort ang pinuntahan namin.

"WELCOME TO BRINTANYA BEACH RESORT." Basa ko sa isang kalaturang naka-paskil sa bandang gilid..

Nilinga-linga ko ang aking paningin isang white sand beach pala ang pinuntahan namin sobrang ganda first time kong napunta sa lugar na to.

Napansin kong wala na si Missy sa paningin ko, kinabahan ako dahil hindi ko alam kung saan yung room namin dito.

Sinimulan ko ng maglakad, nilinga-linga ko yung tingin ko nagbakasakaling makita ko si Missy pero hindi eh..

Habang bussy ang mata ko sa paghahanap sa nawawalang Missy, hindi ko namalayang bumangga ako sa isang tao..

"Bakit kasi kahilig mong mapa-late?". iritang sabi nito..medyo nagulat naman ako dahil hindi ko ine-expect na makikita ko na naman sya. Ay oo nga pala kasama nga pala namin sya.

"Sorry naman." maikling sabi ko habang hinid makatingin sa kanya ng diretso.. napansin ko namang nagpalit ito ng T-shirt na blue na may nakasulat na "Senior Of St.RA.". nakafold pa yung dulo ng t-shirt nito na lalong nagpabakat sa muscle nito..

"Let's go." maikling sabi nito at nauna nang naglakad sakin, habang nauunang maglakad ito pinagmamasdan ko naman ang likuran nito, kahit naka-talikod halatang gwapo..

Napansin ko namang tinitignan sya ng ibang kabataang babae na halatang napapa-charming pa sa kanya..pero hindi naman alintana ni Mark yon diretso lang ang tingin nito..

Malayo palang kami natanaw ko na yung other students na tipon-tipon, napansin kong lahat sila naka T-shirt, yung 4th year naka blue t-shirt at yung 3rd year naman naka-pink na t-shirt. medyo nahiya ako dahil ako nalang ata ang hindi naka T-shirt..kaya lang saan ako kukuha ng T-shirt?.

Sinalubong naman kami ni Missy na may malaking ngiti,teka ganito din yung ngiti nya sakin kanina ah..

"Nakasalubong ko sya don pinasunod kona sakin hindi nya alam kung saan pupunta eh." sabi ni Mark kay Missy at lumakad na ito papunta kila Jay hindi na ito nag-abalang tumingin sakin..

THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon