"Daisy!! Daisy!! Bangon na! tanghali kana" Hiyaw ni mama mula sa labas ng kwarto ko, medyo nayamot pa ako kase inaantok pa ako eh, Nilinga ko yung alarm clock ko kung anong oras na.
"What!! 70:30 na!? Bulaslas ko sa sarili ko nung nakita ko kung anong oras na. Late na ako ng 30 minutes! nagmamadali na akong tumayo mula sa bed ko at binuksan yung pintuan kanina pa kase katok ng katok si mama.
"Daisy! ano ka ba?! akala ko ba 7:00 AM ang pasok mo? mag aalas otso na anak! yan ang hirap sayo eh! kung kailan, kailangang gumising ng maaga tsaka ka naman mala-late ng gising." Sunod sunod na sermon ni mama.
Hindi ko na alintana ang pagsesermon ni mama mula sa pinto. Nakapameywang ito at tila ba galit at inis dahil late na ako ng ilang minuto.
''Billisan mo dyan Babae ka! First Day mo late ka? akala ko pa naman prepared kana, Oh andito na yung uniform mo pinlansta ko na, susuotin mo nalang, pagkayari mo dyan kumain kana nasa kusina yung breakfast mo."
Haays ang aga talaga..sermon na almusal ko, bakit ba kasi napasarap yung tulog ko.
wala na si mama sa kwarto siguro andun sa kusina, nakita ko yung uniform nakahanger nakasabit sa Cabinet ko, dali dali ko nang kinuha at sinuot. Wow infairness ang ganda ng uniform.
Ngayon ko lang kasi nakita hindi ko naman kase tinignan kahapon eh. medyo maiksi yung palda above the knee tsaka long sleeve yung pang itaas na kulay white na may black tie perfect for girly.
lumabas na ako pagkayari. pumunta na ako sa kusina para kumain ng breakfast nandito nga si mama naghahanda ng breakfast namin.
Bigla namang napahinto si mama sa paghahain ng breakfast ng makita ako nito. She just gave me an amazed look.
"Anak?.....Ikaw ba yan?..." naka nga-ngang tanong ni mama, grabe OA mo mama ha.
"Oo naman ma bakit?pangit po ba?... hindi po ba bagay sakin yung Uniform?..." nagwo-worring tanong ko kay mama.. eh kase yung reaction nya eh parang hindi bagay sakin..
"ANAK! hindi!... bagay na bagay sayo! hindi kita anak nakilala akala ko kung sinong model dyan." nakangiting sabi ni mama, with matching hug pa sakin.
Hindi ko talaga maintindihan minsan si mama eh, kanina ang init-init ng ulo, ang aga-aga pinaulanan na ako ng sermon, tapos ngayon naman ang ganda ganda ko daw, duh pang mental na to. haha joke!
"Ma, naman bola naman po kayo eh..," medyo pabebeng sabi ko,..
biglang kumunot yung noo ni mama.
"Anak naman.., lolokohin pa ba kita? syempre hindi alam ko naman na manang-mana ka sakin eh. matalino na maganda pa, kaya nga nagkagusto sakin yung papa mo eh." Tila ba proud na proud na sabi nito.
Pagkayari kong kumain, tumayo na ako, kailangan ko nang pumasok, pinagpag-pag ko ng konti yung uniform ko baka nadumihan e.
"Ma, pasok na po ako." palaam ko kay mama, sabay kuha ng bag sa sofa.
****
Sakto naman na paglabas ko may dadaang taxi. Pinara kona at huminto naman. Dali-dali na akong sumakay dito.
"Manong, sa St.Rain Academy po." sabi ko sa driver. agad namang pinaandar ni manong yung sasakyan.
Medyo papalapit na kami sa campus ng biglang may nag over-take na sasakyan. Nagulat din si manong muntik na kaming mabangga!
Hindi na namin nahabol yung sasakyan dahil mabilis ang takbo nito."Pasaway na Driver yun ah. biglang nag over take." narinig kong sabi ni Manong driver.
"Ah. ma'am ayos lang po ba kayo diyan?" tanong ni manong driver, mukang nagworry si manong sakin ah..,
BINABASA MO ANG
THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)
Teen FictionShe's just a simple girl but her life was starting to ruin like a hell, when she met, Mark Antonio A.K.A "Mr.Yabang" at isama pa ang mga barkada nitong manang-mana sa pinuno nila. But what if a simple girl, gets fall inlove? What should happen to "M...