Chapter Thirty-six

81 0 0
                                    

Halos paliparin ko na ang sasakyan ko makarating lang sa kinaroroonan ni Daisy, sisiguraduhin kong pag-sisihan ng mga taong gumawa nito kay Daisy.

Napansin kong medyo liblib ang lugar na iyon. hindi gaanong matao at malayo ito sa mga bahayan.

Ng makita ko na ang abandonang builiding, pinatay ko ang ilaw ng head lights ng sasakyan ko. malayo pa iyon pero pinarking ko sa isang gilid na hindi mapapansin ang sasakyan ko..

Mataas ang building na iyon sa tingin ko ay 4th floor ito. at may nakita akong ilaw sa isang maliit na bintana na nasa 3rd floor iyon. malakas ang kutob ko na doon nila nilagay si Daisy..

Hindi na ako, nag-aksaya ng oras at bumaba na ako. ililigtas ko si Daisy kahit buhay ko pa ang maging kapalit gagawin ko. mailigtas lang ito.

Sinuksok ko sa likuran ng pantalon ko ang baril na dala ko. Bago ako pumunta dito ay umuwi muna ako sa bahay upang kunin ang baril ni daddy na nakalagay sa volt nito, hindi nito pinaa-alam na meron itong baril, nakita ko ang baril na iyon sa kwarto ni daddy, hindi ko iyong sinasadyang makita ng nakapatong ito sa ibabaw ng volt. kaya simula noon ay nalaman kong may baril pala ito.

At ngayon ay kailangan ko ng baril para meron akong gamit para mailigtas ko si Daisy. silencer ang baril na ito kaya hindi ito maririnig kapag pinutok mo..

Nagmamadali akong bumaba sa sasakyan ko upang puntahan na si Daisy. pero bago ko gawin iyon ay pinag-aralan ko muna ang kabuuan ng abandonadong building. humanap ako ng lugar na pwede kong pasukan ng hindi na mapapansin ng mga taong naka-bantay doon.

May nakita akong isang pintuan na pwedeng pasukan, ng hindi mamalayan, mabilis akong lumakad papunta doon. may nakita akong malaking gate na mukang doon nagda-daan ang mga sasakyang puma-pasok doon.

Dali-dali akong pumasok sa lugar na iyon, alam kong masyadong delikado dahil mag-isa lang ako pero desidido ako na iligtas si Daisy. nang maka-pasok na ako sa loob ng abandonadong building.

Mabilis akong nakapasok sa 1st floor ng building hinanap ko ang hagdan na paakyat sa 3rd floor madilim ang paligid hindi ko iyon makita dahil wala namang ilaw doon, pero mas makaka-buti ito para hindi ako makita ng mga taong naroon, agad ko namang naaninag ang hagdan paakyat sa 2nd floor. dahan-dahan kong binunot ang baril kong dala at tinutok iyon sa isang bagay na narinig kong kumaluskos, buong akala ko ay tao ito, yun pala ay isa lang itong daga.

Hindi ko na iyon pinansin, mabilis akong nakarating sa 3rd floor, habang lumalakad ako at iniisa-isa ko ang mga kwarto nagbabakasakali ako na baka doon nila nilagay si Daisy. pero napahinto nalang ako ng may marinig akong tawanan ng mga lalaki. pinakinggan kong mabuti iyon kung saan nangga-galing ang tawanan na iyon, nakumpirma kong nasa bandang dulo iyon, napansin ko namang may ilaw din doon, dahan-dahan pero mabilis akong lumapit doon.

ng makarating ako sa pintuan ay dahan-dahan kong sinilip ang ulo ko dahil naka-awang ng konti ang pintuan na iyon. ganon nalang ang gulat ko ng makita kong naka-gapos si Daisy wala itong magawa dahil naka-tali ito. pakiramdam ko ay umakyat sa ulo ko ang dugo ko.

Buong pwersa kong sinipa ang pintuan na iyon dahilan para mapa-tingin ang mga ito sa akin. at ganon din si Daisy para din itong nagkaroon ng buhay ng makita ako nito..

"Itaas nyo ang mga kamay nyo kung gusto nyo pang mabuhay! walang kikilos ng masama kung ayaw nyong malagutan ng hininga!." galit pero madiin kong sabi sa mga ito. para naman itong nasindak sa sinabi ko. tatlong lalaki lang ang nandoon. kaya hindi ako mahihirapan na kalabanin ang mga ito.

Agad nitong itinaas ang mga kamay nito. pero ngumisi ang isang lalaki sa akin. galit ko itong tinutukan ng baril.

"anong nakakatawa?!." tanong ko dito. napansin kong naka-tingin ito sa likuran ko, ramdam ko din na may tao sa likuran ko kaya nilingon ko ito.

THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon