Pero napalitan ng pagta-taka ang paghanga ko sa ganda lugar, bigla kong naisip na bakit merong ganito dito? bakit parang ako lang ang tao? hindi kaya naligaw lang kami ni Missy sa isang date? oh kaya isa lang itong set-up? hindi kaya sinet-up lang ako ni Missy? kung ganon bakit nya gagawin iyon? tsaka kay nino nya ako ipapa-date?
At dahil sunod-sunod ang lito sa isipan ko sinubukan ko uling ilinga ang paningin ko tumingin ako sa likuran ko,ganon nalang ang gulat ko ng makita kung sino ang taong nakatayo doon at seryosong nakatitig lang sa akin.
Napa-awang uli ang labi ko dahil hindi ko lang lubos maisip na totoo nga na sinet-up lang ako ni Missy sa isang Date pero sa lahat ng set-up ito lang ang pinaka-magugustuhan ko. sino ba naman ang tatangi sa ganitong kagandang date at ang taong gustong-gusto mo pa ang makaka-date mo.
Naka black suit ito, na parang a-attend sa Js prom, pero aminin ko man dahil ito na ang pinaka-gwapong nilalang na nakita ko sa buong buhay ko.
Dahan-dahang lumapit ito sa akin, dahilan para nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ng mga oras na iyon, pero ang tanging alam ko lang ay hindi ko mapigilan ang kilig ko. Sino ba naman ang hindi kikiligin dito yung makita mong nag-effort ang taong gusto mo. Niyuko ko nalang ang ulo ko para matago ang kilig na nararamdaman pakiramdam ko kasi ay parang tomatoe na ang muka ko dahil sa pula nito.
Naramdaman kong nakalapit na ito sa akin, ang tanging nakikita ko lang ay ang suot na sapatos nito dahil nakatuon sa baba ang tingin ko..
Hindi ko parin inaangat ang tingin ko ng bigla itong magsalita.
"You look so beautiful tonight." mahinang sambit nito, naramdaman ko namang hinawakan nito ang baba ko at inangat ang tingin ko papunta sa kanya..
"Bakit ba naka-yuko ka?" kunot-noong tanong nito. agad ko namang tinanggal ang pagka-hawak nito sa baba ko.
"W-wala.." medyo nautal kong sabi, nainis naman ako baka nahalata nito na kinkabahan ako.
"kinakabahan kaba?." tanong uli nito, see? sabi na nga eh mahahalata nya eh.
"H-hindi ah.." pautal ko na namang sagot dito,lalo na naman akong nainis sa kinikilos ng sarili ko bakit ba hindi ako makapag-salita ng diretso?..kainis naman..
Nakita kong ngumit ito sa akin,na lalo nagpa-gwapo dito. kapag naka-ngit itong tao na ito, mukang angel pero kapag poker face parang papatay ng tao sa tingin palang. he had a killer eyes and a killer smile kahit ano pang gawing make face nito ay bagay.
"You don't need to be nervous Daisy. Just make yourself comfortable with me." seryosong sabi nito, dahil sa sinabi nyang iyon ay lalong nag-unahan sa bilis ang tibok ng puso ko, parang napapahiya na nga ako eh, baka marinig nya yung lakas ng heartbeat ko dahil sa lakas ng kabog nito..
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot dito dahil pakiramdam ko kapag nagsalita ako ay ma-bulol na naman ako. agad ako nitong hinawakan sa kamay at hinila nito papunta doon sa table na nakita ko kanina, walang duda dahil ang table pala na iyon ay para sa amin pala.
Nang makalapit na kami sa table ay huminto kami at pumihit paharap ito sa akin, napatingin naman ako dito..
Tumingin ito sa pinanggalingan naming pwesto kanina, sinundan ko naman ng tingin ang tinignan nito, nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang mga naktayo doon..
Nakatayo doon si Missy,Jerry,Josh at Jay na apwang mga naka-ngiti sa akin, pero mas lalo kong napansin ang mga hawak nito na isang malaking Tarpaulin na may naka-sulat na "I'M SORRY DAISY FORGIVE ME." agad akong napa-lingon kay Mark, nakita ko sa mga mata nito na parang humihingi ito ng tawad sa akin pero, taka ko lang syang tinignan dahil hindi ko alam kung bakit sya humihingi ng tawad sa akin, wala naman akong naisip na maling nagawa nito sa akin, kaya takang-taka parin ako.
BINABASA MO ANG
THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)
Teen FictionShe's just a simple girl but her life was starting to ruin like a hell, when she met, Mark Antonio A.K.A "Mr.Yabang" at isama pa ang mga barkada nitong manang-mana sa pinuno nila. But what if a simple girl, gets fall inlove? What should happen to "M...