Chapter Thirty-eight

123 2 0
                                    

Gusto kong bantayan si Mark sa ospital pero sinabi ni mama na kailangan ko ding mag-pahinga. pina-check up ako ni mama para masiguro ang kalagayan ko dahil sa nangyari, laking pasalamat ni mama dahil wala namang masamang epekto sa akin ang nangyari, kaya mabilis akong makaka-recover, si Mark nalang ang tanging kailangang mag-pagaling.

Nasa loob ako ng kwarto ko at nagpapahinga ng biglang mag-ring ang cellphone ko, agad ko namang kinuha iyon sa mesa, nakita kong si Missy ang tumatawag sa akin, dali-dali ko naman itong sinagot.

"Hello? Missy?." bungad kong sabi ng sagutin ang tawag nito.

"Hello Daisy, what are you doing now?." biglang tanong nito sa akin.

"Nasa bahay ako nagpa-pahinga." sagot ko naman dito, habang nakahiga at naka-titig sa kisame ng kwarto ko.

"Good, you really need to rest talaga, ahmm Daisy there something I want to ask you." sabi nito,. nag-taka naman ako kung ano ang itatanong nito.

"Ah...ano ba iyon?." tanong ko naman dito.

"I heard kasi na si Mark yung childhood friend mo, wala ka kasing nabanggit before sa akin eh, I'm just curious lang naman." biglang sabi nito.

Bigla ko namang naisip na narinig nga pala ni Missy at Jay ang tungkol doon ng tanungin ako ng mommy ni Mark kanina doon sa ospital.

Nagsimula na akong i-kwento dito ang buong nangyari kung bakit ako nakid-nap ng hindi ko na mamalayan, at kung paano ko nalaman na si Mark at Maki ay iisa, sinabi ko din dito na ngayon ko lang din nalaman na si Mark at Maki ay iisa dahil hindi naman agad sinabi sa akin ni Mark, at I-kinuwento ko din dito ang nakaraan ko na kasama si Maki noon sa probinsya, litong-lito ito dahil hindi nya akalaing laking mahirap pala si Mark, pero naipaliwanag ko na dito na lola ni Mark ang nag-alaga dito.

Ngayon ay malinaw na sa kanilang lahat pati din sina Jerry Josh at Jay ay wala din palang alam dito, siguro ay hindi talaga pina-alam ni Mark ang tungkol dito, pero para sa akin ay maayos na ang lahat..

Natapos na din ang pag-uusap naming iyon, ng maipaliwanag ko ang lahat dito, na-ikwento din nito sa akin na, naka-usap nya si Jonathan kahapon ng umaga, halatang masaya ito dahil kinaka-usap na sya ni Jonathan, natuwa naman ako dahil pinakinggan nito ang sinabi ko sa kanya.

Bigla ko namang naa-lala si Mark, madaling araw na pero hindi parin ako dina-dalaw ng antok, hindi ko akalaing sa buong araw ay ganon ang mangyayari.

Buong akala ko ay katapusan na ng buhay ko.pero laking pasalamat ko dahil naka-ligtas ako at ngayon ay nahuli na ang taong gumagawa ng masama.

At dahil biglang pumasok sa isipan ko si Marjorie naisipan kong mag-research tungkol dito, dahil hindi ko pa ito lubos na kilala. gusto kong malaman kung taga-saan ito at kung may mga kapatid ba ito.

Mabilis kong kinuha yung cellphone ko na naka-patong sa sa table. wala kaming internet connection pero may pocket wifi akong gamit, binigay sa akin ito ni Mark ito nong una ay ayaw ko pang tanggapin iyon dahil hindi ko naman ito magagamit pero sinabi nito na makaka-tulong iyon kapag may mga research at assignment ako. kaya wala narin akong ibang nagawa kundi kunin ito.

Mabilis kong si-nearch ang full name ni Marjorie at mabilis namang lumabas ang facebook account nito, nakilala ko ang profile nito dahil nakita kona ito sa personal. agad kong binuksan ang timeline nito. ganon nalang ang gulat ko ng makitang maraming tag photo sa fb acc nito, at marami din nag-post sa wall nito, hindi ko akalaing kalat na pala ang balita at alam narin ng studyante.

Na nakulong si Marjorie dahil sa ginawa nito. binuksan ko ang profile picture nito nakita kong maraming comments ang profile pictures nito agad kong binasa isa-isa ang mga comment doon, nakita kong halos puro bad comment ang nandoon kumbaga ba sa famous ay puro basher. at nakita kong nagre-reply din ito sa masasamang comment ng mga friends nito. nakikipag-away ito sa social media halos mapuno ng mura ang mga comment nito.

THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon