Chapter Eighteen

173 3 0
                                    

"Ang ta-tanga nyo naman! akala ko ba magagaling kayo!?". galit kong hiyaw sa mga lalaking kausap ko, tumawag ang mga ito sa akin na hindi daw nila nagawa ang pinagagawa ko, kaya pumunta ako sa tagpuan namin para kausapin ang mga ito.

Nakita kong mga duguan ang mga muka nito, at hindi na halos makalad ang isa nitong kasama na mukang nabug-bog ng husto.

"Boss, hindi nyo naman po nasabi sa amin, na magaling pala sa martial arts ang mga iyon eh, ehdi sana nakapag dala man lang kami ng gamit para hindi kami naisahan". mahabang sagot ng isang lalaki..

sa sobrang inis ko ay nilapitan ko ito at sinampal sa muka dahilan para bumiling ang muka nito.

"Stupid!! Magdadahilan kapa! di ba ayon ang sinabi ko sa inyo magdala kayo ng gamit kung kinakailangan! sayang lang ang binabayad ko sa inyo.! mga walang kwenta!." galit kong hiyaw sa mga ito, halos lumabas na ang litid ko sa galit, hindi ako makapaniwala na pati magagaling na gangster ay napatumba ng grupo ni Mark, at ang isa ay muntik pang mapuruhan..

"Boss Marjorie, eh kung yung babae nalang kaya ang trabahuhin namin, mas madali pa yon." narinig kong sabat ng isang lalaki.

Lumingon ako dito at tinignan, napa-isip din ako kung sa kanila ko ipapagawa ang trabaho doon sa malanding babae na yon..

"Huwag na! sa iba ko nalang ipapagawa! baka pumalpak na naman kayo eh!." galit kong sagot sa sinabi nito..

"At ito pa ang tatandaan nyo ha?! kahit anong mangyari walang pwedeng maka-alam na ako ang nag-utos sa inyo na bugbugin ang grupo ni Mark, hindi nila pwedeng malaman! nagka-kaintindihan ba tayo!?". galit kong sabi sa mga ito.

agad naman itong nagsitangu-an.

"Maka-kalayas na kayo!." galit na taboy ko sa mga ito.. agad naman itong nagsi-alisan..

" aarrrghhhh!!! shit!! bakit ba palagi nalang akong talo?!." galit kong sabi sa sarili ko ng mapag-isa.

"Hindi pwede! hindi ako papayag na matalo lang ng isang Daisy Evangelista!! ng dahil sa kanya nagkanda-letche letche ang buhay ko! simula ng dumating sya napeste na ang buhay ko! kailangan maka-isip agad ako ng paraan para makaganti man lang sa kanila.!" galit kong sabi sa sarili, nagpupusyaw ang kalooban ko sa galit, kung akala nila ay natanggap ko na ang pagkatalo ko hindi ako makakapayag, dahil pagsisihan nilang binangga nila si Marjorie Buenafe.

"ako lang ang dapat ang pwedeng may mag-ari kay Marky Antonio, hindi ako makakapayag na mapupunta lang siya sa isang hampas lupa! Matagal kong pinlano ito, na mapunta sa akin si Mark uli hindi pwede!." galit ko uling sabi sa sarili ko.. sisiguraduhin kong magbabayad ka Daisy evangelista! ng dahil sayo ay pinlano ni Daddy na ipadala ako sa states, pero sisiguraduhin ko muna na magiging impyerno ang buhay mo bago ako mawala sa pilipinas..

****

Mag-isa lang ako dito sa bahay at namamahinga, dahil 2 days leave ako kaya stay muna ako sa bahay. wala naman si mama dahil pumasok na ito sa trabaho..

naisip kong na mimiss kona si Missy, kagabi ay naka-usap ko ito sa cellphone sinabi nya sakin na nagcutting classes daw sila Mark, nalaman nya dahil doon sa kuya Jerry, tinanong ko ito kung bakit nagcutting classes sila Mark, hindi naman daw nya alam ang dahilan.

naka-upo lang ako sa sofa at naka-tanga mag-isa, ayaw ko naman manood ng tv, malapit nang mag-lunch pero hindi parin ako tumatayo sa kinau-upuan, wala naman kasi akong ganang kumain, hindi ko alam kung bakit hindi ko nararamdaman ang gutom, kagabi nga ay konti lang akong kumain, ayoko ko sana kaya lang baka naman magtaka si mama kung bakit, kaya napilitan na din akong kumain kahit ayaw ko.

sobrang nalulungkot ako sa lahat ng nangyari, ng dahil doon ay kailangan kong umiwas sa taong natutunan ko nang pahalagahan, hindi ko naman alam kung bakit ganon ang nararamdaman ko pagdating sa kanya. noong una ay ayoko ko pang aminin sa sarili ko na nahulog na ako sa kanya, pero ngayon ay inaamin kona na may mapag-tingin din ako dito. kaya naman hindi sya mabura-bura sa isipan ko pati sa panaginip ay sya din ang napapaniginipan ko..

THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon