"Her condition is stable now, kaya Mrs. Evangelista pwede na kayong maka-uwi." nakangiting sabi ng doktor kay mama habang kausap nito.
Dalawang araw din ang tinagal ko sa ospital na iyon, at masaya ako dahil maayos na yung kalagayan ko, pwede ko na rin makita si Mark. gusto kong malaman kung ano na ang lagay nito, kaya lang ay hindi naman na bumalik si Missy may pasok pa kasi kaya hindi na ito naka-punta.pero promise naman sakin ni mama na kapag maayos na yung lagay ko ay pwede ko na daw puntahan si Mark.
"Sige po, doc, thank you so much po." sagot naman ni mama dito at lumabas narin ang doctor dahil mag-ra-round padaw ito..
Naka-ngiti namang bumaling si mama sa akin, agad namang may pumasok na babaeng nurse.
"Good morning ma'am, tatanggalin ko na po yung dextrose na naka-kabit kay Ms.Daisy evangelista, order po ni Doc dahil lalabas na daw po kayo." bungad nito ng makapasok na. agad namang sumang-ayon si mama dito at pinatanggal na yung suwerong naka kabit sa akin..
Sa wakas ay natangal na din ng nurse ang dextrose sa kamay ko, medyo namaga iyon, pero hindi ko na iyon pinansin ang mahalaga makakalabas na ako at makikita kona si Mark.
"Ma? ngayon na po ba tayo lalabas?." tanong ko dito. na inaayos narin ang mga gamit na dadalin na namin pauwi.
"Oo anak.." maikling sagot naman nito, habang abala sa paglagay ng mga gamit sa bag.
"Pwede na po ba nating daanan muna si Mark? gusto ko po muna syang makita bago umuwi." bigla ko naman sabi dito, napatingon naman ito sa akin at mukang nagdalawang isip muna bago sumagot.
"sige anak pero..sandali lang ha? kailangan mo pang magpahinga sa bahay." sabi naman nito. agad naman akong umalis sa hosiptal bed na hinihigan ko at kinuha na yung damit ko para magpalit.
Sumakay na kami ni mama sa elevator nasa 4th floor pala ang room na ino-okupa nito, at ang room ko naman ay sa 3rd floor. excited na akong makita ito dahil dalawang araw ang nagdaan bago ko ito makita. gusto kong malaman at makita ang kondisyon nito. pero sana ay maayos na ang kalagayan nito..
Nang makarating na kami sa 4th floor, tinanong namin sa nurse kung saang room naka-room si Mark Antonio, sinabi naman nito na room 407 daw agad-agad naman akong naglakad upang hanapin ang room 407..
papalapit na kami ni mama doon ng mapansin kong may dalawang lalaking naka-pang amerikano ang suot nito, na nakatayo doon sa magkabilang gilid ng pintuan. may mga radio phone din itong hawak, matatangkad ito na malalaki ang mga katawan, muka itong mga body guard. pero hindi ko na iyon pinansin dali-dali na akong lumapit sa pintuan akmang bubuksan ko iyon. ng bigla akong pigilin ng mga ito.
"sorry ma'am bilin po ni Mrs. Antonio na bawal pong magpapasok ng hindi kakilala sa loob." biglang sabi nito sa akin na naka-harang ang braso nito sa pintuan dahilan para mapa-atras ako.
"I am Mrs. Evangelista I am the personal secretary of mrs. Antonio pwede nyo na bang papasukin ang anak ko? oh kailangan pa nating tumawag kay Mrs, Antonio?." biglang sabi ni mama mula sa likuran ko. nagulat ako sa sinabi nito awtomatikong napalingon ako kay mama, hawak nito ang I.D na katunayan ay Personal Secretary sya ng mama ni Mark. bakit hindi ko alam na kilala pala ni mama si Mark? ba't hindi ko alam na sa kompanya pala nina Mark nagtatrabaho si mama? tsaka bakit kailangan pa nya akong palayuin kung kilala naman pala nya ang mga Antonio? meron bang hindi sinasabi sa akin si mama?.. pero natapos ang magulong mga tanong sa isipan ko ng pagbuksan na ako ng pintuan ng bodygurad na nakatayo dito.
agad akong napatingin sa loob at nakita si Mark na nakahiga doon, andon din si Jerry pero hindi nito kasama sina Josh at Jay wala din si Missy. tanging ito lang ang kasama ni Mark. halatang nag-uusap pa ang mga ito ng mapatingin silang dalawa sa akin. nagulat naman si Jerry ng makita ako nito. pero si Mark ay walang reaksyong, seryoso lang ang muka nito na nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)
Teen FictionShe's just a simple girl but her life was starting to ruin like a hell, when she met, Mark Antonio A.K.A "Mr.Yabang" at isama pa ang mga barkada nitong manang-mana sa pinuno nila. But what if a simple girl, gets fall inlove? What should happen to "M...