Chapter Nineteen

122 2 0
                                    

Nakarating na ako ng bahay at dali-dali kong pinarking ang ford ko sa garage at bumaba na dito.

Napansin kong may mga naka-parking din na kotse sa tapat ng bahay namin, nagtaka naman ako kung kaynino ang mga iyon, dahil ngayon ko lamang ito nakita. dali-dali akong bumaba sa sasakyan ko at pumasok na sa bahay. hindi nga ako nagkamali dahil may mga ibang tao doon,.

Napansin kong nasa living room ang mga ito, mula sa labas ay rinig ko ang mga tawanan nito, agad naman itong nagsilingunan ng pumasok ako, nakita ko naman na mga bisita pala ito ni Kuya Marco, napansin ko din na may mga babae din itong kasama na hanggang tenga ang ngiti ng makita ako.. tinapunan ko lang ito ng mga tingin at umakyat na sa hagdanan para pumunta sa kwarto ko..

"Is that you're younger brother Marco?." narinig kong tanong ng babae mula sa baba habang pa-paakyat ako.

Narinig ko namang pinakilala ako ni Kuya sa mga ito, pero hindi ko na ito pinag-aksayahan ng panahon dahil napagod ako sa game at gusto ko munang matulog..

Pabagsak kong isinara ang pintuan at inihagis ko naman ang dala kong bag sa kama.. inis na na upo ako dito at tinanggal ang suot kong sapatos, dapat ay hindi ganito ang dapat kong maramdaman dahil nanalo kami sa game kanina, pero salit na ganon ang maramdaman ko ay inis, dahil sa nangyari kanina.

"Sht! hindi ko alam na nandito na sya akala ko ay tuluyan na itong nag-migrate sa US." bulong kong sabi sa sarili ko nang maisip ko ang nangyari kanina.

Papasok na sana ako sa shower room ng biglang nag-ring ang cellphone ko.

dali-dali naman akong lumapit sa bag ko at kinuha ang cellphone ko doon..

Kunot noo naman akong napatingin sa screen ng cellphone ko ng makita kung sino ang tumatawag..

"Dude nasa bahay ka na ba?." biglang bungad sakin ni Jerry sa phone..

"Oo, bakit ba?". inip kong tanong dito.

"Gusto ko lang tanungin kung ano ang pinag-usapan nyo ni Daisy." sabi nito mula sa kabilang linya.. napakunot naman ang noo ko ng marinig ang sinabi nito. kailan pa naging chismoso si Jerry? kelan pa sya naging interesado sa ganon?

Bumuntong hininga muna ako bago ako sumagot sa sinabi nito, wala namang magandang dinulot ang pag-uusap namin ni Daisy dahil mukang nagalit sa akin ito..

"Tinanong lang ako ni Daisy kung bakit ko sinabi kay Lawrence na layuan nya si Daisy." paliwanag ko dito.

"Nagalit ba sayo si Daisy? bakit mo ba kasi ginawa iyon?." tanong nito mula sa kabilang linya.

"Sa tingin ko nainis sya pero okay lang sa akin na magalit sya, basta mailayo ko lang sya kay Lawrence." paliwanag ko uli dito.

"I heard na last month pa daw nandito si Lawrence sa Pilipinas at sa ibang school nya talagang piniling mag-transfer." sabi ni Jerry mula sa kabilang linya.

Bigla naman akong napaisip sa sinabi nito, wala talaga akong kaalam alam na andito na sa pilipinas ang lalaki na iyon.

"That's good na sa ibang school nalang sya mag-transfer, tsaka kahit gustuhin pa nyang bumalik sa St.Rain Academy ay hindi na sya matatanggap dahil nga doon sa nangyari samin." sagot ko naman sa sinabi nito.

"Akala ko nga ay tapos na ang tensyon na naganap sa inyo, hindi pa pala dahil parehas nyong kilala si Daisy." bigla namang sabi nito, napa-isip naman ako, bakit ba palagi ko nalang karibal yaang lalaki nayan.?

"That was I expect too, pero hindi ko sya hahayaang agawin sa akin si Daisy, kung noon ay nanalo sya, ngayon ay sisiguraduhin kong sa kangkungan sya pupulutin dahil akin lang si Daisy." may diing sagot ko dito, iniisip ko palang na maaagaw nya si Daisy sa akin ay nagtatagis na ang bagang ko. Hindi ako makakapayag na agawin nya nalang ang lahat ng taong pinahahalagahan ko at taong mahalaga sa akin.

"I know Dude, don't worry andito lang kami nina Josh at Jay para tulungan ka." sabi nito mula sa kabilang linya, nakaramdam naman ako ng tuwa dahil kahit kailan talaga ay hindi ako iniiwan ng mga kaibigan kong ito, kahit saan o kahit anong mangyari sa amin ay magkakasama parin kami. that's why I love my life too because I have a true friends like this..

"Thank you dude." maikling sagot ko naman dito..

"Para ka namang babae dude, wala iyon of course we will help you because you are my friends ang besides, hindi rin kami makakapayag na maagaw sayo ang love of you're life, haha." pabirong sabi nito sa akin,.

"Anyway dude, nabanggit mo kanina na, may tampuhan kayo ni Daisy, do you have an any idea how can you fix it?". biglang sabi naman nito tungkol doon sa galit sa akin ni Daisy, actually hindi naman ako galit sa kanya, at never akong magagalit sa kanya, ito lang naman ang galit sa akin, pero wala pa akong naiisip na paraan para suyuin ito..

"Yes dude, but I don't have any idea to fix that." sagot ko naman dito. naisip ko naman na padalan nalang ito ng flowers or teddy bear kaya lang ay baka lalo lang itong magalit sa akin.

"Kahit kailan talaga hindi ka maa-asahan sa ganyan dude, dahil kaibigan mo naman ako, may naisip akong paraan para mawala yung galit sayo ni Daisy." natatawang sabi nito mula sa kabilang linya, sa totoo lang ay wala talaga akong alam sa ganyan, noong araw kasi na naging kami ni Marjorie ay hindi ko naman ito niligawan dahil ito lang ang kusang lumapit sa akin at nagtapat ng nararamdaman at dahil may pagtingin din ako dati dito ay tinanggap ko narin ang nararamdaman nito sa akin. kaya lumalabas na si Marjorie ang nangligaw sa akin, pangit mang tingnan dahil sya ang nag-first move, pero iniisip ko nalang kasi na hindi na mahalaga kung sino ang nauna basta yun na yon.

"So what?". tanong ko dito.

"Why don't you try to date her, yayain mo syang lumabas, at kapag pumayag ay doon ka mag-sorry, I'm sure Daisy will forgive you." paliwanag nito. agad naman akong napa-isip, bakit nga hindi ko subukan? baka sakaling ume-ffect.

"Well, you have a great idea, but how she will going with me if she's mad at me?." litong tanong ko dito, alam kong maganda ang naisip na ideya ni Jerry pero naisip ko din na baka hindi sumama si Daisy kung susunduin ko ito sa bahay nila dahil nga galit sa akin ito.

"Well, anong ginagawa ni Missy dito? her friend I'm sure that she will going out kapag si Missy ang nagyaya sa kanya." paliwanag nito. bigla ko namang naisip si Missy, close friend nga pala ni Missy kaya I'm sure na sasama ito kay Missy..

"Oo nga no., basta talaga sa ganyan maaasahan ka dude." natatawang sabi ko dito.. sigurado ako na magiging maayos na ang plano ko na masuyo si Daisy.

"I know that Dude, so what are you waiting for? kilos na dude! and I will talk to Missy about this. Just text me if saan ang location para doon ma-aaya ni Missy, okay?" Anito.

Jerry has a great idea. And I'm going to do that thing. Just for her.

THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon