In-off ko na yung tv dahil wala naman akong mapanood ng maayos puro drama lang ang palabas, in-off ko na kase dramatic din naman ang buhay ko pati ba naman sa palabas?
Kaya nag-decide nalang ako pumasok sa kwarto at kinuha ko yung bag ko at nilabas doon ang new book na binili ko kanina doon sa book store, bumili lang naman ako ng isang published book na galing sa wattpad hindi naman kasi ako mahilig magbasa sa online kaya nag-spend nalang ng pera para bumili ng book atleast hindi pa mananakit ang mata ko dahil sa screen brightnest pero wattpad readers din talaga ako mahilig din ako sa romance story tsaka teen fiction pero ayokong basahin yung mga may drama naiiyak lang ako eh, dapat kahit man lang sa libro ay masaya ang kwento..
Binabasa ko palang ang harap ng book na binili ko ng biglang nag-ring yung cellphone ko.
Taka naman akong napatingin doon ng makitang si Missy ang tumatawag..
"Bakit kaya?." tanong ko sa sarili ko bago sagutin ang tawag nito. naisip ko na baka may kailangan si Missy kaya tumawag ito.
"Hello Missy?". bungad kong sabi ng sagutin ko ang tawag nito.
"Daisy? Hello? free ka ba tonight?." biglang bungad din sa akin nito, napa-isip naman ako kung bakit tinatanong nyang free ako tonight, well actually free naman talaga ako tonight bored nga ako eh,wala namang masyadong homeworks ang pinagawa ng prof namin kaya after ko gawin yung assignment ko ay nga-nga na uli, naisip ko namang basahin yung book na binili ko kaya lang tumawag naman si Missy..
"Ahmm..Oo eh, wala naman akong masyadong gagawin dahil natapos ko narin yung assignment natin." paliwanag ko dito mula sa kabilang linya.
"Good! dahil gusto ko sanang magpasama sayo mamaya mamimili lang ako ng mga new clothes marami kasing sale ngayon sa mall pwede ka ba?." sabi nito mula sa kabilang linya, napa-isip naman ako kung sasamahan ko ito last time kasi na sumama ako dito ay pinabayaan ako nito pero kung sa mall lang naman kami pupunta ay kaya ko namang umuwi mag-isa.
"Ganon ba, mga anong oras ka naman mag-papasama?." tanong ko dito.
"ahm..naisip ko kasing mga 5pm na nanghapon but don't worry after natin mag-shopping uuwi nadin tayo." sagot naman nito sa tanong ko..
"Missy mga anong oras ba tayo uuwi? bawal kasi akong magpa-gabi eh alam mo naman mga 8pm narin ang uwi ni mama." tanong ko uli dito, pero alam ko namang papayagan ako ni mama dahil sa mall lang naman, siguro ay mag-text nalang ako dito bago ako umalis para alam nya kung saan ako pupunta.
"Well, before mag 8pm uuwi narin tayo. sige na pleeaseee?." narinig kong pamimilit ni Missy, medyo nakulitan narin ako kaya pumayag narin ako sa gusto nito.. tsaka isa pa, wala naman akong gagawin dito sa bahay eh, siguro next time ko nalang babasahin yung book na binili ko hindi naman mawawala iyon eh.
"sige na nga, matitiis ba kita? hehe." pabirong sabi ko dito, narinig ko namang parang tumili si Missy ewan ko kung dahil sa pumayag ako na sumama dito oh may binabasa din ito sa wattpad.
"grabe ka makatili ah? nakakita ka ba ng yummy dyan? haha." pabirong tanong ko dito, haha ewan ko nalang kung anong yummy ang iisipin nito haha.
"Haha! ikaw talaga, ahmm.. masaya lang ako dahil pumayag ka." sagot nito sa tanong ko.
"wew? ba't parang kinikilig ka?." tanong ko dito na parang hindi convince sa dahilan nito.
"ikaw talaga, wala nga, I'm just happy lang hehe." sagot naman nito.
"ahm, okay kita nalang tayo sa mall?". tanong ko dito.
"ah..hindi susunduin nalang kita dyan saktong 5pm okay?." sagot nito,
BINABASA MO ANG
THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)
Teen FictionShe's just a simple girl but her life was starting to ruin like a hell, when she met, Mark Antonio A.K.A "Mr.Yabang" at isama pa ang mga barkada nitong manang-mana sa pinuno nila. But what if a simple girl, gets fall inlove? What should happen to "M...