Chapter Thirtynine

133 2 0
                                    

*ONE WEEK LATER*

"Missy saan ba tayo pupunta?." takang tanong ko dito, hila-hila ako nito, nasa mall kami ngayon, sinabi kasi nito may pupuntahan daw kami pero hindi naman nito sinasabi kung saan kami pupunta, panay lang ang lakad namin sumusunod lang ako kay Missy kung saan ito pumupunta.

Bigla itong huminto sa isang shop, sa tingin ko ay bilihan ito ng mga clothes, bigla kong naa-lala na sa makalawa na nga pala ang prom night namin, pero wala parin akong dress na nabibili, at hindi ko pa na sasabi kay mama ang tungkol dito, napag-isip-isip ko na din na a-attend ako ng Js prom hindi ko alam pero parang may humihikayat sa akin na umattend sa ganong event, kahit na na-phobia na ako sa ganon. naisip ko naman na kasama ko naman si Missy at hahanapin ko nalang siguro si Eunice don, naka-chat ko kasi ito sa facebook kagabi sinabi nito na magkita nalang kami sa prom dahil sasali din ito.

Mabilis na hinila ako ni Missy papasok sa shop na iyon, wala naman na akong ibang nagawa kundi ang sumunod nalang, naisip ko din na bumili nalang din ng dress, pero hindi dito, dahil alam kong mahal ang mga dress na tinitinda dito alam ko namang pang-rich kid lang ito eh..

"Missy dito ka ba bibili ng dress for prom?." biglang tanong ko dito habang abala ito sa pag-pili ng mga dress na naka-sabit doon.

"Ahmm...yep, dito nalang tayo mamili, magaganda naman yung mga dress eh, pwede tayong mamili." sagot nito habang abala parin sa pag-titingin ng mga damit.

"Ah....eh, nako Missy,No thanks nalang wala akong budget para bumili dito ang mahal dito eh." sagot ko naman dito. napa-lingon ito sa akin.

"ikaw naman parang hindi kana, nasanay sa akin, syempre treat kita." sagot naman nito.

Napa-ngiti nalang ako dito, kahit kailan ko samahan si Missy kung anong binibili nito binibili nya din sa akin, masyadong mapag-bigay eh. minsan nga tinatangihan ko nalang ang ibang binibigay nito.

---

Natapos ang pamimili namin ni Missy ng su-suotin para sa prom night. isnag dress lang ang binili ko dahil ako ang nanghihinayang sa price eh, si Missy kasi basta nalang kinuha kung ano ang gusto wala nang paki-alam kung magkano. minsan nga pinipigil ko ito sa kaka-dampot nalang ng kung anong bagay na wala namang kabuluhan, masyado lang kasing maaksaya, magastos lang. alam kong hindi ko naman pera iyon, pero sa hirap ng buhay ngayon, dapat tipid-tipid din. alam ko rin mayaman si Missy at hindi naman nauubos ang laman ng credit nito, pero hindi na ba yon mauubos? haayss wala akong masabi, iba talaga kapag rich kid eh.

Nilagay ko nalang muna sa cabinet ko ang dress na binili sa akin ni Missy. alam kong kailangan pa ng high heel ko sandals pero hindi ko na iyon, sinabi kay Missy. meron naman akong high heel dito na binigay nito noon sa akin, kaya lang hindi naman combination sa dress na nabili ko dahil color white ang dress tapos color violet ang sandals na meron ako.

Akmang lalabas na ako ng kwarto ng biglang nag-ring ang cellphone ko. agad ko namang kinuha iyon mula sa bag ko. nakita kong si Mark ang tumatawag sa akin. bigla kong naisip na ngayon lang ito nag-paramdam sa akin. magka-usap kami nong isang araw pero makalipas ang dalawang araw ay hindi na ito nag-text or tumawag sa akin, naisip ko naman baka bussy lang ito. at naiintindihan ko naman iyon, dali-dali ko nang sinagot ang tawag nito.

"Hello?." bungad ko dito.

"Hello? Daisy." Sagot nito mula sa kabilang linya.

"I'm sorry kung ngayon lang ako nakatawag, I'm just being busy this past few days." paliwanag na sabi nito. mula sa kabilang line.

"Okay lang, I understand." matipid na sagot ko dito.

THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon