Chapter Twenty-four

112 1 0
                                    

Naka labas na kami ng resto at pinagbuksan na ako ni Mark ng pintuan ng sasakyan nito, agad naman akong sumakay dito at ganon din naman ito, pero bago nito pa-andarin ang sasakyan ay may kinuha itong isang maliit na box na ka lagay lang sa harap nito, kanina ko parin ito napapansin pero hindi ko na ito pinag-abalang tanungin pa.

Hawak nito ang red box at humarap ito sa akin.

"Daisy I forgot to give you this nung gabing mag-date tayo, so ngayon ko na ibibigay before tayo bumalik sa school." biglang sabi nito sa akin at binuksan nito ang box, nang buksan nito sa harap ko ang maliit na kahong iyon ay nakita ko kung ano ang laman nito, awtomatikong nanlaki ang mata ko ng mapagtantong isang magandang-magandang bracelet ang nakalagay doon, sa tingin ko ay isa itong jewelry bracelet dahil naka-palibot dito ang maliit na diamond na lalong nagpaganda dito, may pendant din ito, lalo akong nagulat ng mapansing pangalan ko ang naka-ukit sa mga letrang pendant nito..

Napatingin ako kay Mark, hindi ko akalaing bibigyan ako nito ng ganitong kamahal na bracelet, Oo mahilig akong magsuot ng bracelet pero yung bracelet na sinusuot ko before ay nawala sa tour kaya wala na akong bracelet, hindi gaanong mahal iyon pero mahalaga iyon sa akin dahil bigay pa iyon ng papa ko noong nabubuhay pa ito.

Agad nitong kinuha ang kamay ko at nilagay doon ang bracelet na binigay nito. hindi naman ako nakapiyok sa ginawa nito, aminado ako na ngayon lang ako naka-suot ng ganong kamahal na bracelet pero nahihiya parin akong tanggapin iyon dahil alam kong mahal iyon, ayokong isipin nito na materyal na bagay lang kailangan ko dito.

"Mark maraming salamat dito, pero hindi ko ito matatanggap." bigla ko namang sabi dito, napakunot naman ang noo nitong napatingin sa akin.

"Why Daisy? hindi mo ba nagustuhan?." takang tanong nito sa akin, pero umiling lang ako dito, hindi naman sa nagustuhan sobrang ganda nito kahit sinong babae ay naghahangad na magkaroon ng ganitong klaseng bracelet pero iba parin talaga kapag sarili mong pera nangaling at ikaw ang bumili, ayokong tanggapin dahil alam ko ngang mahal ito, nakakahiya naman.

"Hindi sa ganon Mark,actually sobrang ganda nga ng bigay mo na ito, pero mahal ito Mark dapat ay hindi ka nalang nag-abala na ibili ako ng ganitong kamahal na bracelet pwede naman sakin yung kahit simple nalang." mahabang paliwanag ko dito.

Kinuha nito ang kamay ko at pinisil-pisil iyon. bago ito magsalita.

"I know na mahal iyan, But I don't care about the price. it's really for you Daisy wag mo nang tanggihan please.?" sabi nito na parang nagmamaka-awa pa sakin.

"Hindi mo naman kailangan pang mag-please sakin Mark, nahihiya lang kasi ako kaya ayaw kong kunin ito." sagot ko naman dito..

"Wag ka na mahiya okay? pina-gawa ko talaga yan para sayo." sabi nito sa akin, at sinimulan na nitong i-start ang makina ng sasakyan.

"Thank you dito ha, iingatan ko ito." nakangiti kong sabi dito. habang hinahawakan ang bracelet na bigay nito.

"pwede bang ako nalang ang ingatan mo?." narinig kong sabi nito, agad naman akong napalingon dito.

"Ano?." maikling tanong ko dito, ng marinig kong may sinabi ito,.

"wala sabi ko ang ganda mo kaya lang bingi." papilosopong sagot naman nito sa tanong ko.

"Hmmp.. hindi yon yung una mong sinabi, ano yun?." painis na tanong ko uli dito.

"Nevermind Daisy." sagot naman nito. napa-pout nalang ako sa sagot nito.hindi na kona uli ito tinanong pa at tumahimik nalang.

Napansin kong panay ang tapak ni Mark sa preno nito para hindi parin bumabagal ang takbo namin. inisip ko na baka hindi lang ito magpe-preno.,

Pero nakita kong may nauunang kotse sa amin at mukang walang balak na bagalan ni Mark ang takbo namin kaya napahiyaw nalang ako dito.

THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon