Chapter Sixteen

153 2 0
                                    

Pagkagaling namin sa hiking site bumiyahe na kami pabalik sa resort para kunin yung ibang gamit na naiwan namin, diretso balik narin kami sa manila, at dahil nga sa nangyari nagkaroon ng usap-usapan, ngayon nagulo pa yung tahimik kong buhay ng dahil sa kasamaan ni Marjorie, hindi ko akalaing may magtatangka sa buhay ko ng dahil sa isang lalaki.

Ganon ba talaga kapag nagmamahal kailangan sumugal? ganon ba talaga kapag nagmamahal? kailangan pumatay ka ng tao para lang sa taong mahal mo? bakit hindi kaya tanggapin nalang natin na hindi nila talaga tayo mahal? bakit hindi mo nalang tanggapin na hanggang doon nalang kayo? bakit hindi mo.

Subukang mag-let go? bakit hindi mo subukang mag-move-on? alam kong hindi ganon kadaling mag move-on lalo na kung mahal mo pa sya, pero tanggapin nalang natin na, siguro hindi sya yung taong para sayo, at siguro hindi sya ang deserves mo.

"Daisy.. Okay ka na ba?.'' narinig kong tanong nya sakin, nakasakay na kami sa van nina Missy pabalik ng metro manila, sinabi sakin ni Missy na ihahatid nalang nila ako sa bahay.

"Hindi ko alam.." mahinang sagot ko sa kanya, habang nakatanaw sa bintana, hindi ko na sya pinag-aabalahang tignan, dahil hanggang ngayon pakiramdam ko nanlalambot parin ako sa nangyari, ni hindi nila ako maka-usap ng matino dahil tulala lang ako sa isang sulok.

"I'm really sorry Daisy.." narinig ko sabi nya, ramdam ko na parang nagsisi sya, pero wala sya dapat pag-sisihan, dahil may mga tao lang talagang hindi marunong tumanggap ng pagkatalo.

"You don't need to apologies.." Sagot ko sa kanya habang nakatingin parin sa bintana..

"I need to apologies to you, because it's all my fault, kundi dahil sa akin, hindi mangyayari sa iyo ang lahat ng ito." sincere na sabi nya.

Lumingon ako sa kanya, at tinignan sya.

"don't blame yourself Mark, may mga tao talagang hindi kayang tumanggap ng pagkatalo, at may mga tao talagang masasama." sabi ko sa kanya habang diretsong nakatingin sa kanya. Nakayuko naman ang ulo nito na hindi makatingin sa akin, bakas sa muka nito ang pagsisi at pag-alala..

"I won't let her do this again to you." sabi nito at diretsong tumingin sa mata ko. habang magkalapit kami at nakatingin sa isa't-isa, hindi ko alam kung bakit parang iba ang pakiramdam ko, bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi ko na rin matangal ang tingin sa mga mata nya na parang na-magnet na.. at hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya,.

Pero tinanong ko sya.

"Naging girlfriend mo ba si Marjorie?". medyo kinakabahan kong tanong sa kanya, alam kong masyadong personal ang tanong ko pero siguro may karapatan akong malaman kung bakit ganon nalang ang galit sakin ni Marjorie..

Bumontong hininga muna ito bago sumagot sa tanong ko..

" Yes, naging kami ni Marjorie one year ago na ang nakakalipas, isang taon ang inabot ng relationship namin, pero noong niligawan ko sya ay hindi sya ganon, hindi ko na kilala ang Marjorie'ng nakikita ko ngayon, malaki ang pinagbago nya simula ng makipag hiwalay ako sa kanya." mahabang sabi nito tungkol sa nakaraan nila ni Marjorie.. naisip ko naman na kaya pala hindi agad nakamove-on si Marjorie ay dahil inabot ng isang taong ang relasyon nito..

"B-bakit mo sya hiniwalayan?''. tanong sa kanya..

"Iniwan ko sya dahil simula ng maging kami, naging selosa si Marjorie, halos lahat ng babaeng makikita nyang kausap ko ay pinagseselosan nya kahit pati ang mga kaibigan ko pinagseselosan din nya, she was too possesive, halos masakal na ako sa ginagawa nya, Oo kapag mahal mo ang isang tao hindi ka dapat magalit kahit na nagseselos sya dahil ito ang tanda ng totoong pagmamahal, isang taon kong pinagtiyagaan ang ugali ni Marjorie pinilit ko syang intindihin, pero isang araw nabalitaan ko nalang na may ibang boyfriend si Marjorie, si Lawrence Arizona ang dating sikat na Varsity player sa St. Rain Academy, matagal na silang may-relasyon pero naghiwalay din sila dahil nagpunta ng U.S si Lawrence para doon ipagpatuloy ang pag-aaral nya, hindi alam ni Marjorie na may alam na ako na, niloloko lang nya ako, I split with her after 1 year, hindi ko maatim na niloko ako ng isang babaeng lubusan kong minahal.." mahabang kwento nito sa nakaraan nya.. halata sa muka nito ang depressed habang sinasabi ang nakaraan nya..

THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon