Chapter Thirteen

157 4 0
                                    

4 Pm na nung lumabas kami ni Missy mula sa room namin, mayroon daw game by group ang magaganap kaya lumabas na kami upang puntahan yon..

Tanaw kasi ang dagat mula sa room namin kaya nagdere-deretso lang kami ng lakad ni Missy naka-ipon na kasi ang ibang students para makinig sa coordinator namin, para sa palaro nakita kong naka bukod ng line ang mga 4th year at 3rd year,

girls and boys din ang linya kaya nagline na kami ni Missy nung makita ko ang section namin sa bandang gitna kami nalinya ni Missy dahil katamtaman lang ang laki namin..

habang nakalinya kami binilang ko kung ilang babae kami mga nasa twenty kami at twenty five naman ang boys..

lumingon ako sa bandang kaliwa ko nagulat ako ng makita kung anong line ang nasa tabi ko, edi ano pa? edi linya nina Mark

at worst katapat ko pa sya, hindi nya ako napansing nakatingin dahil nakatingin ito sa coordiantor namin..

inis kong inalis ang tingin ko at binaling sa coordinator namin na nagsasalita sa harap...

hindi parin mawala sa isipan ko yung nakita kong ganap kanina, kitang-kita ng dalawang mata ko na may katabi syang babae hindi lang basta babae ang ganda pa nga eh dahil backless ang suot na damit nito seksing-seksi ang suot hindi ko alam na kasama nya pala yung girlfriend nya dito.

Nagtataka lang ako kung bakit kasama nya samantalang hindi ko naman nakita kanina yung babae nayon sa lunch, iniisip ko baka 4th year college nadin yun, hindi ko kasi nakita yung muka dahil nakatalikod ito ng makita ko,. lumabas kasi ako kanina dahil tumawag si mama sakin kaya minabuti kong lumabas ng room dahil natutulog si Missy ayoko namang magising yung tao dahil sa kaingayan ko.

paglabas ko ng kwarto hindi ko inaasahang makita yon halatang sweet na sweet sila eh, hindi ko alam kung anong nafeel ko ng oras nayon pero pakiramdam ko tinusok ng paulit-ulit yung puso ko hindi kona nga nakausap ng maayos si mama eh, sobrang nadistract talaga ako sa nakita ko kaya bago pa ako makakita ng kung ano pa pumasok nalang uli ako sa room..

Para tuloy pinagsisihan kong sumama sa tour na to, oh baka masyado lang akong nag-assume? oo siguro nga nag-assume lang ako? sino ba naman ako? isang newbie girl lang naman ako? in-short I'm just nobody, tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ako angre-react ng ganon? samantalang wala naman akong karapatan eh, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganon nalang ang epekto nya sakin, kaya nung nakita ko syang maykausap na ibang babae parang pakiramdam ko yumanig yung mundo ko.

pero siguro masyado lang akong nag-expect siguro masyado lang akong umasa, kaya ngayon hindi na ako mage-expect, no expectation no dissapointment, siguro kung may nararamdaman ako para sa kanya, siguro kailangan ko nang kalimutan at pigilin yon dahil alam ko namang walang kapupuntahan ito eh kundi ang masakatan lang ako ng hindi sinasadya....

"Okay, guys! the meeting is done! you can go back to you're room because tomorrow we will go to the forest to step our next adventure!." narinig kong sabi ng coordinator namin, medyo hindi ko napakinggan yung ibang sinabi ng coordinator dahil malalim ang iniisip ko..

Isa-isa namang nagbalikan ang ibang students sa mga rooms nila, ang iba naman ay nagpunta sa dagat at jetskie yung iba naman naglakad-lakad sa tabing dagat... may mga nagde-date pa nga eh... mga magkaholding-hands pa wala namang poreber haha, joke ang bitter ko eh no...

"Ahmm...Daisy gusto mo bang mag-swimming?". nakangiting tanong ni Missy sakin, pero salit na sumagot, iling lang ang tinugon ko sa tanong nito..

"Why? hindi ka naman masa-sunburn dahil wala ng araw ngayon,tsaka ngayon masarap mag-swimming oh, tignan mo sila tara na." pagpipilit uli ni Missy pero hindi parin ko tumugon tanging iling lang ang isinagot ko uli dito.

THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon