Chapter Twenty-eight

112 1 0
                                    

Habang kausap ko si Lawrence ay biglang huminto sa gilid namin ang isang sasakyan halata itong mukang bago dahil kumikintab pa sa ganda ang iyon.

Agad naman kaming napatingin doon, inisip ko na baka sa kapit-bahay lang namin iyon, dahil hindi ko naman kilala ang sasakyan na iyon, pero aminado ako na maganda at mukang mahal ang sasakyan na ito. ngayon lang ako nakakita ng ganitong sasakyang ganito kaganda.. na range rover evoque ang tatak niyon at kulay itim ito.

Pero mas nagulat ako ng biglang bumaba ang sakay niyon mula sa driver seat.. napa-awang ang labi ko ng makita ito, naka Black t-shirt ito at naka maong pants lang at isang simpleng vans na shoes lang ang suot nito.pero aminado ako na hindi parin kumukupas ang kagwapuhan nito, salit ay lalo pa itong naging gwapo sa paningin ko, pero nang tumingin ako sa muka nito ay madilim ang anyo nito at naka-tingin ito ng masama kay Lawrence..

Bigla naman akong kinabahan, hindi kaya bumalik na ang ala-ala nito kaya kilala na nito si Lawrence at kung bakit andito na ito sa amin..

Lumapit ito sa amin at biglang sinaklot ang kuwelyo ni Lawrence, nakita ko sa mata nito ang matinding galit dito.

"Di ba sinabi ko sayo na layuan mo si Daisy?!." gigil na sabi nito habang mahigpit na hawak nito ang kuwelyo ni Lawrence.

Hindi naman ako naka-kibo sa ginawa nito tama nga ako nakaka-alala na nga ito.dahil kilala na ako nito. pero hindi parin ako nakakilos sa kinatatayuan ko hindi ko alam kung panong awata ng gagawin ko sa mga ito.

"Can you please take your hands off me?! nilulukot mo ang polo ko eh." pagalit naman na sabi nito.

Agad namang tinulak ni Mark ito ng malakas dahilan para mapaatras ito..

"Ano bang problema mo ha?! wala naman akong ginagawang masama kay Daisy ah?! binibisita ko lang sya dito!." galit na bulyaw nito kay Mark.

Nakita ko namang nagtagis ang bagang nito.akmang lalapit na ito kay Lawrence ng pigilan ko ito.

"M-mark tama na please." bigla kong pigil dito, agad namang napalingon sa akin ito.

"Lawrence pwede bang umuwi ka nalang muna." bigla kong baling dito.

"Bakit ako ang aalis? ako ang nauna dito eh, dapat sya ang umalis!." galit namang sagot ni Lawrence habang naka-tingin kay Mark.

"Get the hell out of here! kung ayaw mong samain ka sakin!." galit namang sabi ni Mark dito. pero hindi ito kumilos dahil hawak ko ang braso nito..

"Lawrence please...?" pagmama-kaawang tawag dito. tumingin naman si Lawrence sa akin.

"Okay aalis na ako, hindi dahil sa sinabi mo! kundi dahil sinabi ni Daisy! magtutuos din tayo." gigil na sabi nito kay Mark at mabilis na itong sumakay sa sasakyan nito..

Nawala na sa paningin namin ang sasakyan ni Lawrence.at bumaling na ako kay Mark.

seryoso ang muka nitong naka-tingin sa akin.

"Anong ginawa ng magaling na lalaki na yon dito?." seryosong tanong nito sa akin, naramdaman ko namang parang galit ito.

"Wala.. nagulat nga din ako ng makita ko sya dito eh,." sagot ko naman dito.

"sigurado ka?." tanong uli nito sa akin.

nagsalubong naman ang dalawang kilay ko ng marinig ang tanong nito, pinagdududahan ba ako nito..

"Oo..hindi naman ako nagsisinungaling eh, dumating lang sya dyan, at wala akong alam don hindi ko alam na pupunta sya dito, kung ayaw mong maniwala at magdududa ka pa dyan, edi wag." inis na sagot ko dito..akmang tatalikuran ko na ito upang pumasok na sa loob ng bakuran,ng bigla akong pigilin nito, nainis kasi ako dito..bakit galit agad sya? hindi pa sya maniniwala? palagay nya sakin sinungaling? kainis..

THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon