Chapter Nine

169 5 0
                                    


"Daisy anong oras na? bakit ngayon ka lang?." mahinahon na tanong ni mama sa akin, habang nakatayo sa pinto. kinakabahan naman akong lumapit sa pinto at pumasok sa loob.

"Ma, I'm sorry po." mahinang sagot ko kay mama na nakatayo parin sa pintuan habang ako naman ay naupo sa sofa..

"Sino yung naghatid sayo.?" Tanong sakin ni mama at naupo sa tapat ko..

Nakayuko yung ulo ko dahil hindi ako makatingin kay mama ng diretso.

"Si Mark po ma." maikling sagot ko, alam kong magagalit si mama dahil hindi naman nya kilala si Mark, siguradong nag-isip na ng kung ano si mama.

"Boyfriend mo ba yun anak? bakit naglilihim kana sa akin.?" narinig kong sabi ni mama sakin, napatingin ako kay mama dahil nagulat ako sa tinuran nya..

"Mama, hindi ko po boyfriend yun, hinatid nya lang po ako dahil wala na po akong masakyang taxi." paliwanag na sabi ko kay mama..

"Nanliligaw?". tanong uli ni mama na parang hindi pa satisfied sa sinabi ko..

"Mama hindi po nanliligaw sakin yun, tsaka yun manliligaw mukang wala nga sa tipo ko ang gusto nun eh." natatawang turan ko kay mama.." grabe talagang pinag-isipan ako ni mama ng ganun.

"Kung hindi mo yon boyfriend o manliligaw bakit ka hinatid?". seryosong tanong uli ni mama sakin..para akong nasa talk show eh daming tanong ni mama.

"Hindi nga po talaga, nagmagandang loob lang yung tao sa akin na ihatid ako."

"Mabuti nga, hinatid ako ng mokong na yun,kung hindi baka bukas pa ako naka-uwi.' pabulong na sabi ko..

"Daisy, sa ngayon hindi ako magagalit sayo dahil safe ka namang naka-uwi, pero sa susunod magagalit na ako kapag late kanang umuwi." litanya ni mama,

mabuti nalang hindi ako pinagalitan ininterview lang ako.

tumayo na si mama mukang papasok na sa kwarto para matulog.

"Anak, magpahinga na ako, maaga pa ang pasok ko bukas." sabi ni mama habang naghikab pa..

"Goodnight po." pahabol na sabi ko kay mama..

Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga agad sa kama,

Hindi ko alam kung nag-enjoy ako sa party o hindi,

Pero may isang bagay na hindi mawala-wala sa isipan ko..

"Ano kayang nakain nun,bakit kaya nya ako hinatid?.infairness may tinatago palang kabutihan yun akala ko yabang lang." Sabi ko sarili ko habang iniisip yung nangyari kanina..

Hindi parin ako makapaniwala na nangyari yun.

Kinurot-kurot ko yung pisnge ko kung nanaginip lang ako pero hindi.

"Aray naman." daing ko nung nasaktan ako sa kurot ko, hindi nga ako nanaginip..

Nasa gitna ako nang pagdeday-dreaming ng bigla kong naalala yung phone ko tumayo ako at kinuha sa pouch para mai-charge, naalala ko lowbat nga pala..

Pag-open ko nang cellphone ko meron agad akong 2 messages.

Dali-dali kong binuksan yon at tinignan kung sino yung nag-text.

"I'm sorry Daisy, nasa bahay kana ba? I hope you'll safe, I'm sorry again if hindi na kita napahatid, nalasing ako eh.-- Missy." text ni Missy, kanina talaga nung naglalakad akong mag-isa nakaramdam ako ng inis sa kanya, pero kundi rin dahil sa ginawa nya hindi ko makikita yung nakatagong ugali ni Mark..

Hindi na akong nagabalang replyan si Missy dahil natuon ang pansin ko isang text message...

"Goodnight and take a rest.- stalker".

THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon