Last Chapter

189 5 0
                                    

*FOUR YEARS AGO*

"Mama, kinakabahan po ako." Aniya habang ramdam ang kaba at pagka-excite.

Hindi ko akalaing sa paglipas ng panahon ay tatagal kami ni Mark ng ganito at sa kasalan mauuwi. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na mamaya na ang kasal ko.

Samantala emosyonal naman na nakamasid si mama. Habang nanood sa pag-aayos ko.

"Natural lang iyan, anak, ganyan din ako bago ikasal sa papa mo." sagot naman ni mama habang nanood sa amin.

Sa dami ng panahong lumpias ay marami na kaming naging pagsubok, doon din nasubok kung gaano katatag ang relasyon namin.

Nakita ko kung gaano ako ka-mahal ni Mark dahil nagawa nitong ipaglaban ako sa mga magulang nito, noong una ay hindi pa sang-ayon ang daddy ni Mark sa aming relasyon pero sa malaunan ay tinanggap narin ako ng mga ito. Bilang kaligayahan ng anak nila. Dahil nakita nila kung paano ko mahalin ang anak nila.

Hindi rin nawala sa amin ang tampuhan at hindi pagka-kaintindihan. Pero lahat iyon ay nalampasan namin. totoo ang kasabihang kapag mahal mo ipaglalaban mo, kapag mahal mo hindi mo iiwan kahit na ano pang-mangyari.

Kapag mahal mo hindi ka agad susuko na kahit minsan ay may pagkaka-taon na nakakapanghina ng loob. lahat iyon ay titiisin mo para lang sa taong mahal mo. aaminin kong si Mark ang unang lalaking minahal ko at sya din ang una at huling lalaking mamahalin ko hanggat sa huling hininga ng buhay ko. apat na taon na ang nakalipas at ngayon ay parehas na kaming matured ni Mark.

naunang grumaduate ito sa akin, pero hindi iyon hadlang sa relasyon namin, tinanggap nadin nito ang offer ng daddy nya na sya ang mag-handle ng company nila. at ngayon ay isa na syang CEO President ng ANTONIO'S EMPIRE GROUP incorporatin, at samantalang ako ay pinag-patuloy ko ang kursong Bachelor of secondary major in English at nagtuturo na ako ngayon sa isang public High school.

Pero nahinto iyon dahil nagpro-pose si Mark sa akin.

Huminto na ang sasakyan sa tapat ng church na pagdada-usan ng kasal namin. abot-abot ang kaba ko pero dahan-dahan na akong lumabas sa sasakyan ng pagbuksan ako ng driver. inangat ko ang puting gown na suot ko baka kasi matisod ako sa haba niyon. kasama ko si mama, dahil sya ang maghahatid sa akin sa altar. naramdaman kong tinulungan ako ni mama na buhatin ang dulo ng gown ko. at unti-unti na akong umakyat sa hagdan papasok sa church.

Ng makarating na ako sa tapat ng pintuan ng church ay kusa itong bumukas unti-unti at doon ko nakita ang mga taong naghihintay doon.

Napaka-ganda ng ayos ng wedding namin kulay pink ang theme ng kasal namin dahil si Missy ang pumili niyon. naramdaman ko namang iginaya ni mama ang braso nito upang kapitan ko iyon papunta sa altar. Dahan-dahan na kaming naglakad papunta doon at bigla ko namang narinig ang magandang tugtog na sumasabay sa akin habang naglalakad ako papalapit sa future husband ko.

Naramdaman ko nalang na unti-unting lumalabas ang luha na nagmumula sa mga mata ko. hindi ko maipaliwanag ang emosyong nararamdaman ko habang nagalalakad sa red carpet na ito papunta sa buhay ko. isipin ko palang na magiging magkasama na kami lifetime ay talagang hindi na ako makapaniwala.

Naka-titig lang ako kay Mark mula sa malayo, naka-tayo ito na naghihintay na lumapit ako, kitang-kita ko sa muka nito ang saya at pagka-excited, nakita ko din na umiiyak din ito. naka-tingin ito sa akin na parang hindi ito makapaniwala. nasa gilid nito sina Jerry Josh Jay na naka-tingin din sa akin halata din sa mga muka nito ang saya. nakita ko naman si Missy na katabi nito si Jonathan na mukang escort nito. andoon din si Eunice na katabi din nito. at andoon din ang mga sides relative ni Mark. katabi ni Mark ang Daddy at mommy nito.

Nang-makalapit na ako dito ay mabiliis akong inalalayan ni Mark..

Lumingon naman ako kay mama, halata sa muka nito ang saya at lungkot. dahil ganon-ganon lang ay ikakasal na ako at iiwan ko na din ito.

Tumango at ngumitii lang ito sa akin.

"Take care of my Daughter Mark." bigla pang pahabol ni mama dito. agad namang lumingon si Mark dito at magalang na sumagot ito.

"You're so beautiful." mahinang bulong nito sa akin. napa-ngiti naman ako sa sinabi nito.

---

"You are now husband and wife, Husband you may kiss the bride!." sabi ni father ng matappos ang mahabang speech.

Unti-unti namang bumaling si Mark sa akin at ganon din ako, dahan-dahang inangat nito ang belo na nakaharang sa muka ko. at dahan-dahan din nitong nilapit ang muka nito sa akin.

"Woooo!!!." hiyawan nina Jay Josh at Jerry, sabay din nagpalak-pakan ang mga taong naroon. ng mtapos na ang kiss scene namin ni Mark. naka-ngiti naman kaming bumaling sa mga iyon, naramdaman ko namang hinapit ako ni Mark sa beywang.

Isa-isa namang naglabasan ang mga photographer upang kuhanan kami ng picture. mabilis ding lumapit ang mga magulang nina Mark sa amin , at nag-congratulate ito sa amin. ganon din si mama na bakas ang muka nito na umiyak. masayang-masayang ang mga taong naka-saksi sa kasal namin ni Mark, pero syempre mas masaya kami. dahil ang matagal na naming pangarap ay natupad na.

Kung buhay lang si papa at nakikita nito na nahanap ko na ang taong makakasama ko habang-buhay siguradong magiging masaya din ito, dahil ang mga fairytale na kini-kwento nito sa akin ay natupad na sa buhay ko at nahanap ko na ang prince charming ko.

Hindi lahat ng bagay ay puro lungkot, hindi ko akalaing sa dami ng pagsubok at lungkot na nangyari sa buhay ko ay meron palang Happy EVER AFTER.

[THE END]

🎉 Tapos mo nang basahin ang THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED) 🎉
THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon