Nagising ako sa sunod-sunod na katok na nagmumula sa kwarto ko, inis na kinuha ko ang unan ko at tinakip iyon sa tenga ko, inaantok pa ako kaya hindi ako halos makatayo sa kama ko. pero hindi parin tumitigil sa kakatok ito..
Kung ang mga maid naman namin ay hindi ito. Kakatok ng ganon dahil alam nilang ayokong na-aabala sa tulog at pwede silang mawalan ng trabaho kung gagawin nila iyon, inis na umalis ako sa kama ko at lumapit sa pinto para tignan kung sino ang makulit na katok ng katok sa pintuan ko.
Madilim ang muka ko ng buksan ko ang pintuan, kaya naman pala hindi na tatakot na mawalan ng trabaho dahil si mommy pala ang kumakatok..
"Son! why you took so long? kanina pa ako katok ng katok dito ngayon mo lang ako pinagbuksan." medyo mataas na tonong sabi nito.
Napakamot nalang ako ng ulo dito.,
"Natutulog ako mommy can't you see it's too early." payamot na sagot ko dito.
"You should wake up early Marky, ayusin mo ang sarili mo at bumaba na,naghihintay ang daddy mo sa dinning room." biglang sabi nito, at tinalikuran na ako nito..
inis naman na sinara ko ang pintuan, I know na andyan na si daddy, dumating ito kagabi, pero hindi ko ito hinarap dahil ayokong makita ito, pero wala akong magagawa kundi ang sumunod nalang, tatlong araw lang naman ang itatagal ni daddy dito eh,..
Natapos na akong mag-shower ay bumaba na ako para pumunta na sa dinning room, nang makarating na ako sa dinning nandoon nga si Daddy at mommy, medyo nagulat naman ako ng makita ko ang magaling kong kuya. anong meron dito? family reunion? himala at ngayon lang kami magsasabay-sabay sa hapag kainan..
awtomatiko namang napatingin sakin ang mga ito ng makita akong nan doon na, agad naman akong naupo, hindi ko na pinag-abalahang tingnan ang mga ito, kumuha nalang ako ng pagkain at sinimulan ng kumain..
Narinig ko namang tumikhim si daddy,pero hindi ko parin pinag-tuunan ng pansin ito, at pinatuloy lang ang pagkain.
"Son, How are you?." biglang sabi ni daddy..
hindi ko parin ito pinansin at nagkunwaring hindi ito narinig.
"Marky you're dad talking to you." bigla namang sabi ni mommy. napatingon naman ako dito.at napatingin din ako kay dad,.
"I'm okay." maikling sagot ko naman dito. at tinuon na sa pagkain ang pansin ko.
"I know you still mad at me, dahil hindi ako dumating ng araw na kailangan mo but I want you to unders--." pinutol ko na ang sasabihin nito.
"I understand. " malamig na sagot ko dito, at tumayo na ako para umakyat nasa taas.
Narinig kong tinawag ako ni mommy pero hindi ko na ito nilingon..
Dahil ayokong mag-stay sa bahay, minabuti ko nang pumunta nalang sa head quarters kung saan sinabi ko sa mga pulis na naka-usap ko kahapon na titingnan ko ang sasakyan ko.
agad-agad naman akong nagpalit ng damit at da-daling lumabas sa kwarto ko..
Pagpunta ko sa garage namin nakita ko ang bagong Range rover evoque ko. napa-kunot naman ang ulo ko, may taste pala pagdating sa pagpili ng sasakyan si mommy, dati kasi ay basta nalang nito ako binili ng ford ranger kahit hindi iyon ang gusto ko,wala narin akong nagawa kundi gamitin iyon,.
Lumapit naman ako sa sasakyan ko ng makita ako ang bagong driver na kinuha ni mommy para ipag-drive ako, nagulat pa ito ng makita ako..
"Good Morning po sir." biglang bati nito sa akin..
"Where's the key?." tanong ko naman dito kung nasaan ang susi ng bago kong sasakyan.
"ah...sir bilin po kasi ni ma'am na ako daw po ang magda-drive para sa inyo,hindi ko daw po pwedeng ibigay sa inyo ang susi." mahabang paliwanag nito..
BINABASA MO ANG
THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)
أدب المراهقينShe's just a simple girl but her life was starting to ruin like a hell, when she met, Mark Antonio A.K.A "Mr.Yabang" at isama pa ang mga barkada nitong manang-mana sa pinuno nila. But what if a simple girl, gets fall inlove? What should happen to "M...