Chapter Fifteen

192 6 0
                                    

It's sunday morning. Pang-tatlong araw na ng tour namin. Maaga palang gumising na ako para makapag-ready na sa hiking. Bawal kasing ma-late masungit kasi yung tour coordinator namin.

Minabuti ko munang lumabas ng kwarto para maglakad-lakad ng konti masyado pa kasing maaga tsaka tulog pa si Missy ayoko ko munang abalahin. Naka-ready narin yung mga gamit na dadalin namin sa hiking mamaya.

Paglabas ko ng kwarto may mga tao narin sa labas at naglalakad sa gilid ng dagat, natanaw ko yung magandang sunrise medyo maaga pa nga pala.. may nakita pa akong pinipicturan yung sunrise ang ganda kase perfect view.

Habang nakatanaw ako sa sunrise narinig kong nag-ring yung cellphone ko sa loob agad naman akong pumasok upang tingnan kung sino yung tumatawag..

"Mama calling...."

"Hello anak? kamusta ka na dyan?". Sabi ni mama mula sa kabilang linya.

Napangiti naman ako dahil tumawag si mama.. na-miss ko tuloy si mama. nong unang pag-uusap namin hindi kami ganong nakapag-usap ng maayos dahil nalowbat yung cellphone ko.

"Mama.. kamusta din po? okay lang po ako dito." masiglang tugon ko dito.

"Nako anak ko, kahapon pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot, nag-eenjoy ka ba dyan anak?"aniya na may bahid na pag-alala sa tono.

"Opo ma masaya naman po. Pasensya na po ma kung hindi ko nasagot yung tawag nyo, ngayon ko lang po na-check yung phone ko eh." sagot ko naman kay mama mula sa kabilang line..

Medyo naging mahaba ang usapan namin ni mama. Nakaramdam naman ako ng konting tuwa dahil naisipan akong tawagan nito.

"Good Morning!?" Bati ni Missy sakin galing sa banyo hinihintay ko itong matapos dahil maliligo narin ako.

"Good morning din!". nakangiti kong bati din dito.

"Daisy anong oras kana natulog kagabi?". biglang tanong nito, agad naman akong napalingon dito. Bigla kong naisip kung anong oras na ako natulog kagabi... oo nga pala late narin akong natulog dahil, nalibang ako sa pakikipag-usap kay Mark kaya hindi ko na namalayan yung oras.

"Mga 11 pm na, ayaw kasi akong dalawin ng antok eh." sagot ko dito.. tumango-tango lang ito na tila ba may hinihintay pang ibang explaination.

"lumabas kaba kagabi?, para kasing naka-open yung door kagabi eh.tsaka wala ka sa bed mo." takang sabi nito.

"Oo.. nagpahangin lang ako sa labas kagabi dahil hindi nga ako makatulog eh.." sagot ko naman dito..,

"Ahmm are you with someone else? para kasing narinig kong may kausap ka kagabi before ka pumasok dito.". tanong uli nito. Naisip ko naman yung ganap kagabi, akala ko tulog na si Missy non.

"Ah..oo si Mark kausap ko kagabi." sabi ko naman, nakita ko namang nanlaki yung mata ni Missy at tinignan akong mabuti.

kumonot naman ang noo kung bakit parang shocked sya sa sinabi ko. Wala naman kaming ginawang masama ni Mark eh, tsaka isa pa hindi ko alam na gising padin si Mark non. lumabas lang talaga ako para magpa-antok hindi ko ine-expect yon na magkaka-usap kami.

"Omg! talaga si Mark yon? bakit magkasama kayo.?". shocked na tanong nito sakin,.

"Haha! ang O.A mo naman Missy eh, lumabas lang ako kagabi para magpa-antok, pero hindi ko alam na gising si Mark non, ayon nag-kwentuhan kami ng konti ayon lang wala nang iba." natatawang paliwanag ko dito.

"Haha.. okay akala ko naman kung anong ginawa nyo.." natatawang sabi din nito.. grabe naman mag-isip si Missy ang green minded.

Natapos na kaming gumayak ni Missy at pinasya na naming lumabas dala-dala ang aming mga gamit para sa hiking..

THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon