"Shit! shit!" galit na galit kong pinag-susuntok ang manibela ko. galit na galit ako sa sarili ko. tama si Daisy dapat sa umpisa palang ay sinabi ko na dito ang totoo. bakit ba kasi naduwag akong sabihin dito na ako si Maki? hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit.
Ngayon ay ramdam ko na galit si Daisy sa akin. hindi ko alam ngayon kung paano ko ito susuyuin dahil ayaw na nito na kausapin ako. kitang-kita ko sa mga mata nito na sobra itong nasaktan.
wala akong ibang pwedeng sisihin ngayon kundi ang sarili ko lang. sasabihin ko naman sa kanya pero. humahanap lang ako ng magandang panahon at oras. hindi ko akalaing sa ganitong paraan pa nya malalaman ang totoo..
Pero bigla kong naisip na dapat ay hindi ko hayaan itong mangyari. mahal ko si Daisy. ayoko ko nang mawala pa sya sakin. gagawin ko ang lahat maniwala lang ito sa akin na wala akong ibang intensyon dito kaya hindi ko sinabi agad dito ang katotohanan..
kailangan ko paring patunayan sa kanya iyon, mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa bahay nina Daisy. hindi ako papayag na hindi ko ito makaka-usap.
Sising-sisi ako ng mga oras na ito, bakit ba kasi hindi ko nasabi agad kay Daisy?.
Nakarating na ako sa bahay nina Daisy at mabilis kong pinarking ang sasakyan ko sa gilid at agad-agad akong bumaba sa sasakyan ko, napansin kong parang walang tao sa bahay nina Daisy, pero inisip ko na baka sinarado lang ni Daisy ang bahay nila. mabilis akong lumapit sa gate para tignan kung nakabukas ito pero, naka-lock iyon.
"Daisy!!?." sigaw ko sa bahay nina Daisy, umaasa akong pag-bubuksan nito, pero wala pa ding lumalabas na tao mula sa loob ng bahay nila, pero alam ko namang hindi ako pagbubuksan ni Daisy dahil galit ito sa akin, pero kailangan kong maka-usapa ito, kailangan kong mapatunayan dito na wala akong ibang masamang intensyon dito, kailangan nyang marinig ang mga paliwanag ko.
"Daisy?! please talk to me?!!" sunod ko uling sabi ng wala paring taong lumalabas doon, hindi ako maniniwalang wala si Daisy dito. wala naman siyang pwedeng puntahang iba eh.
sunod-sunod na tinawag ko ang pangalan nito at patuloy ko paring kinakatok ang gate nito pero wala parin.
"Ah...Sir wala hong tao dyan." biglang sabi ng isang matandang babae na kapit-bahay nina Daisy. napalingon naman ako dito, na mukang nakuha ko din ang atensyon nito dahil sigaw ako ng sigaw sa bahay nina Daisy..
"Wala ho ba kayong nakitang umuwi dito?." magalang kong tanong dito.
"Wala eh..kanina pang umaga umalis ang mga tao dyan, si Daisy ay pumasok sa school at si Mareng Isabelle naman ay nasa trabaho pa." mahabang paliwanag nito. muka namang totoo ang sinasabi nito dahil muka ngang walang tao sa bahay nina Daisy, kung ganon saan nagpunta si Daisy?.
"ganon ho ba, salamat nalang ho." sagot ko nalang dito at pumasok na din ito sa loob ng bahay.
parang nang-lalata akong sumakay na sa sasakyan ko, hindi ko alam kung saan hahanapin si Daisy.
Kinuha ko yung Cellphone ko at sinubukan itong tawagan pero naka-off ang cellphone nito. ilang beses ko nadin itong tinawagan pero Unattended talaga ang cellphone nito.
"Daisy nasaan ka na?." mahinang sambit ko, parang hopeless na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. para na akong mababaliw isipin ko palang na mawawala si Daisy sa akin ay hindi kona kaya.
Hindi ko akalaing ganon ang magiging reaksyon ni Daisy kapag nalaman nitong ako ang kababata nya na nang-iwan sa kanya noon. parang paki-ramdam ko ay ito na ang pinaka-masamang araw na nangyari sa buhay ko.
Hindi ko parin pinapa-andar ang sasakyan ko at nanatili lang akong naka-upo sa driver seat, umaasa ako na uuwi si Daisy at makaka-usap ko ito doon. hihintayin ko sya dito kahit anong oras pa ito dumating hindi ako aalis dito hanggang hindi ko ito nakaka-usap..
BINABASA MO ANG
THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)
Teen FictionShe's just a simple girl but her life was starting to ruin like a hell, when she met, Mark Antonio A.K.A "Mr.Yabang" at isama pa ang mga barkada nitong manang-mana sa pinuno nila. But what if a simple girl, gets fall inlove? What should happen to "M...