CHAPTER THIRTY-THREE

83 0 1
                                    

"Shit! where the hell is that?!." galit kong sabi habang hinahanap ang wallet ko. umaga na ng mapansin kong nawawala yung wallet ko. umaga na at late narin ako sa school.

nahalungkat ko narin ang mga gamit ko at cabinet ko na pwede kong paglagyan ng wallet ko pero hindi ko parin nakita iyon.

iniisip ko kung saan ko pwede itong maiwan pero ang natatandaan ko ay nakabulsa ito sa pantalon ko kahapon. pero may pakiramdam ako na nakuha iyon ng magnanakaw oh kaya ay nahulog ito mula sa bulsa ko. sa bandang likuran ng pantalon ko kasi ito nailagay.

Nanghihinayang ako dahil andon lahat ang credit card ko pati narin ang iba kong I.D kapag nalaman ni mommy na nawala iyon ay siguradong magagalit iyon.

nanghihinayang din ako sa wallet ko dahil alam kong mahal iyon, kasing halaga nadin iyon ng isang mamahaling gadget. gift pa iyon ni daddy sa akin last christmas kaya ganon nalang ang panlulumo ko.

napaka-swerte ng taong makakakuha ng wallet kong iyon, dahil andon nga ang credit card ko. kailangan kong I-report sa banko ang nangyaring ito dahil pwedeng maka-access ang makakakuha na iyon sa mga credit card kong nakalagay sa wallet kong iyon.

Nanghihinayang din ako dahil nakalagay din doon ang kaisa-isang picture ko na galing kay Daisy. lagi ko iyong tinitignan kapag nalulungkot ako dahil kapag nakikita ko iyon ay sumasaya ako. yun nalang ang picture na meron ako..

Hindi naman ako nanghihinayang sa perang nakalagay doon ang habol ko lang ay ang picture at ang Identification na kalagay doon, baka mamaya ay gamitin pa ito ng masasamang loob lalo na at kilala ang kompanya namin. baka mamaya ay I-blockmail ako ng makakakuha niyon.

Napabuntong hininga nalang ako, alam kong wala nang pag-asang makuha ang wallet kong iyon..

Hindi ko na inintindi iyon, at nagmadali na akong lumabas ng bahay para pumasok sa school. plano ko naring sunduin si Daisy bago pumasok..

*****

Maaga akong gumising hindi pa gising si mama, pero bumangon na ako, pakiramdam ko ay wala akong tulog magdamag, wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak kagabi, mugto din ang mga mata ko at ayoko kong makita ni mama na nama-maga ang mga mata ko.

Kaya inagahan kong gumising balak kong I-text nalang si mama kapag nakarating na ako sa school.

mabilis na akong lumabas ng bahay at nag-abang ng taxi. agad namang huminto ang taxing pinara ko.

"Manong sa St.Rain Academy po." sabi ko sa manong driver ng makasakay ako dito.

agad namang pinaandar ni manong driver ang sasakyan papunta sa school. huminga naman ako ng malalim.

alam kong susunduin ako ni Mark kaya inagahan kong pumasok. hindi sa iniiwasan ko ito, gusto ko itong maka-usap pero nagpasya na ako na sa school nalang ito kausapin tungkol doon..

dinala ko din ang wallet nito para isoli iyon, pero kinuha ko yung picture ko dito, sa wakas ay nabawi ko narin ang picture ko dito.

Naka-tulala parin ako at wala sa sarili, hindi ko lang akalaing si Mark at si Maki ay iisa lang pala. kaya pala ganon nalang kung maka-tingin si Mark sa akin.

"Wala, gusto ko lang na may contact sayo.. natatakot na kasi akong namawalan ng contact sayo tulad ng dati." bigla kong naa-lala ang sinabi nito noong nasa tour kami. kaya pala ganon ang sinabi nito ang totoo ay narinig ko ang sinabi nito malinaw na malinaw sa pandinig ko ang sinabi nito.

kaya pala dahil mayroon pala itong ibig sabihin, ibig sabihin sa umpisa palang ay kilala na talaga ako nito.

"Ma'am andito na po tayo." biglang pukaw ni manong driver sa akin, at inihinto na nito ang sasakyan sa tapat ng main gate ng school namin. mabilis ko na itong binayaran at bumaba na ako sa sasakyan.

THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon