Chapter Fourty

142 2 0
                                    

"Mama dalian nyo po! yung blower nasaan po ba? hindi ko makita dito!." nagma-madaling sigaw ko kay mama mula sa kwarto, naka-bath robe pa ako at kayayari ko lang maligo 8pm ang start ng prom at 7pm na isang oras na lang, pero hindi pa ako naka-bihis dahil si mama ang nag-presintang mag-aayos daw sa akin, sinabi ko na dito na mag-paparlor nalang kami pero magastos daw sya nalang daw ang mag make-up sa akin at marunong naman daw itong mag-ayos, tiwala naman ako kay mama dahil marunong naman talaga ito, ang dahilan lang kung bakit gusto kong sa iba nalang magpa-ayos ay dahil medyo makupad si mama, mainipin pa naman ako kapag ganito.

Nag-text na narin sa akin si Mark na susunduin ako nito,. gulo-gulo narin ang mga gamit sa kwarto ko dahil madaling-madaling ako, at si mama naman ay ang bagal-bagal kanina ko pa hinahanap ang blower para mabilis nang matuyo ang buhok ko. pero ang blower na iyon ay kung kelan kailangan mo ay tsaka nawawala. pero kapag hindi mo kailangan ay lagi lang na kakalat dyan.

Mabilis na pumasok si mama sa kwarto ko at nakita kong hawak na nito ang blower, kaya naman pala wala dito sa kwarto eh na kay mama pala.

Mabilis na pina-upo ako nito sa tapat ng tokador upang ito nalang ang mag-dry ng hair ko. hindi na gaanong mahihirapan na patuyuin ni mama ang buhok ko dahil natuyo na talaga kakahanap sa blower na yan.

Nayari na nitong I-blower ang buhok ko at sa wakas ay natuyo na, mabilis na akong inayusan ni mama at nilagyan na nito ang make-up ang muka ko. halata palang marunong talagang mag-make up ito dahil mabilis at pulido itong gumalaw, nakita ko sa salamin na nilagyan ako nito ng blush on pero hindi gaanong makapal iyon, mabilis na nilagyan din ako ng eye shadow at ni-nose line din nito ang ilong ko upang mag-pantay sa make at eye shadow na nilagay nito. pinahiran narin ako nito ng lipstick na color pink gusto ko yung kulay red kaya lang ay ayaw ni mama, mas bagay daw kung color pink medyo nakaka-matured kasi ang red lipstick, mas cute daw kapag pink para teen na teen ang dating. pagkayari nitong mag-apply ng lipstick in-applyan din nito ng konting lip gloss ang labi ko upang lalong kuminang at kumintab ang mga ito. pagkari nito na applyan ang labi ko ay tumungo naman ito sa mga mata ko. nag-apply ito ng liquid eyeliner at nag-apply din ng mascara para lalong gumanda ang ayos ng mata ko. inayusan din nito ang kilay ko at nag-apply din ito ng eye brow na color brown., upang tumingkad ang kulay niyon.

"AAYY!!!." Biglang hiyaw ni mama. gulat naman akong napahawak sa dibdib ko ng biglang sumigaw si mama.

"Mama?! bakit po ba?!." pahiyaw na tanong ko na din dito, muntik ng mahulog ang puso ko sa pag-hiyaw nito. isipin mo naman ang tahimik ng kwarto at hindi ito nagsasalita tapos biglang sisigaw ng ganon.

"Anak tumingin ka sa salamin!." pag-iibang sagot nit mama. sa akin. kunot noo naman akong tumingin sa salamin, anong meron sa salamin at....

Ganon nalang ang tulala ko ng makita ko ang sarili sa salamin, kumurap-kurap ako kung ako ba talaga ang nakikita ko sa salamin oh si Liza soberano? hinawakan ko ang muka ko para ma-confirm na ako nga iyon.

"Ang ganda mo anak!." bigla uling bulaslas ni mama habang naka-tingin din sa salamin.

Grabe hindi na ako nakapag-salita dahil hindi ko akalaing magiging ganon kaganda ang ayos at make-up ko. simpleng-simple lang iyon pero napakagandang tignan. kung titignan mo ay parang isang professinal make-up artist ang nag-ayos sa akin. kahit simple lang ang ayos na iyon, ay lutang na lutang ang ganda niyon.

isipin ko palang na ganon palang ang ayos ko at hindi ko pa na susuot ang whie gown na binigay ni Mark sa akin. paano na kaya kapag sinuot ko pa? edi dyosa na? haha! ngayon lang ito pagbigyan nyo na ako. last chapter na eh. haha.

Umalis si mama sa likuran ko at pumunta sa closet ang kinuha nito ang white gown na nakalagay doon.

"Anak, isuot mo na ito." sabi nito at inabot na sa akin ang gown na isusot ko para sa prom.

THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon