Nakarating na kami sa bahay namin, agad naman inihinto ni Mark ang sasakyan nito sa tapat ng gate namin, baba na sana ako ng bigla akong unahang buma-baba nito at pinagbuksan ako, napangiti naman ako sa ginawa nito, dali-dali naman akong bumaba mula sa passenger seat, agad naman akong lumakad papunta sa gate namin. at nakasunod naman si ito sa akin.
"Good night Mark, maraming salamat sa paghatid at kanina." bigla kong sabi dito. ngumiti naman ng matamis ito sa akin.
"You're always welcome Daisy, before I say good night to you, can I have one kiss?." pilyong sabi nito, nanlaki namana ang mata ko sa tinuran nito..
"K-kiss?." nabigla kong ulit sa tanong nito, hindi ko alam kung ano ang bigla kong naramdaman sa sinabi nito, grabe kiss agad? ang bilis naman nya.
"Yep.., a good night kiss..." sagot naman nito.
Agad ko naman itong tinaasan ng kilay.
"Hindi pa nga tayo, kiss ka na agad? ang bilis mo naman." kunwaring pataray na sabi ko dito.. pero salit na ma-offend ito sa sinabi ko ay natawa pa ito.
Magsasalita pa sana ako ng bigla ako nitong halikan nito.. relax it's just a forehead kiss...wag kayong ano dyan, haha.
Mabilis itong lumapit sa akin at hinalikan ang noo ko, hindi ko naman agad naiwasan iyon dahil nga mabilis ito,..
"Good night my Daisy, have a sweet dreams." biglang sabi nito at mabilis nang sumakay sa ford nito..
hindi naman na ako naka-sagot dito dahil mabilis nitong pinaandar ang sasakyan nito. eh kamusta naman? ayun, naiwang nakangiti pakiramdam ko hanggang tenga ang ngiti ko eh.. hindi lang ako makapaniwala na kahit isang araw ay nangyari sakin ang nangyayari sa mga kwento sa fairytale kahit isang araw naranasan kong maging prinsesa..
agad naman akong pumihit paharap sa gate namin, bigla kong naalala na gabi na nga pala , nako baka kanina pa ako hinihintay ni mama.. napalitan naman ng kaba ang saya kong nararamdaman.
Pero bigla kong napansin na parang tahimik ang bahay namin, mga naka-off din ang ilaw, sobrang dilim nga eh, buti nalang at may ilaw ang isang poste dito..
"Ba't parang walang tao sa bahay? hindi pa kaya umuuwi si mama?." taka ko namang tanong sa sarili ko. dali-dali ko namang binuksan ang gate namin upang maka-pasok na sa loob ng bahay. kung may tao kasi dito ay dapat nakasindi ang ilaw sa labas, hindi naman kami nagO-off ng ilaw sa labas kahit andon kami medyo madilim kasi..
Nakalapit na ako sa pintuan namin, nasiguro ko ngang walang pang tao doon dahil naka-lock pa ito... bigla naman akong nagtaka, bakit wala pa si mama eh 9pm na, agad ko namang binuksan na ang pintuan namin at hinanap ang switch ng ilaw namin..
Tumingin naman ako sa wall clock namin, tama ako dahil 9 pm na nga, kung tutuusin ay dapat nandito na si mama dahil 8pm lang ang uwi nito.
bigla ko namang naisip ang cellphone ko, baka nagtext ito sa akin namale-late ito ng uwi. tama nga ako ng buksan ko ang cellphone ko ay may 2 message recieve ako.
"Anak.. male-late ako ng uwi, kailangan kong mag-overtime, i-lock mo nalang ang mga pinto pagdating mo.ingat ka dyan." nabasa kong text ni mama sa akin, agad naman akong nakampante ng malamang magO-overtime lang ito kaya wala pa ito sa bahay.. naisip kong mabuti narin iyon dahil suot ko pa ang high heels at dress na binigay sakin ni Missy, malamang na tatanungin ako nito kung makikita nito na ganito ang suot ko.at bakit late ako ng uwi. mabuti nalang talaga at nakisama ang panahon ngayon..
Agad naman na akong pumasok sa loob upang magpalit na ng damit, bigla ko namang naalala yung paper bag kanina..
"Yung paper bag... nakalimutan kong kunin kay Missy..nako naman." biglang sambit ko ng maalala ang naklimutang damit at sapatos sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)
Teen FictionShe's just a simple girl but her life was starting to ruin like a hell, when she met, Mark Antonio A.K.A "Mr.Yabang" at isama pa ang mga barkada nitong manang-mana sa pinuno nila. But what if a simple girl, gets fall inlove? What should happen to "M...