CHAPTER THIRTY-TWO

86 0 0
                                    

Habang pina-nonood ko itong kumain ay may isang taong nagpa-alala sa akin.

[Flashback]

"Ano ba yan?." takang tanong nito ng makita nito ang dala kong pagkain.

"Street food ito. tara kainin natin." sagot ko naman dito, at inabot dito ang isang isaw. pero salit na kunin nya ito ay tinignan lang nya ito. natawa naman ako sa reaksyon ng muka nito na parang curious talaga kung ano yung pagkaing nakalagay sa stick.

"Isaw ito, try mong kainin, masarap ito." paliwanag ko namang sabi dito.

"Anong isaw?." takang tanong uli nito.

"Bituka ito ng manok na inihaw kaya naging isaw ang tawag dito." paliwanag ko naman dito.

at dahil ayaw pa nitong kunin, kinain ko ito.

"Ang sarap, paborito ko ito eh." sabi ko habang nginunguya ang isaw. nakita ko naman na parang na convince na ito ng makita nitong kinain ko ang pagkaing iyon.

Kumuha ito ng isa na nakalagay sa plato at sinawsaw nito sa sukang nakalagay doon.

ginaya ako nito, kinain din nito ang hawak na isaw.

"oh di ba? sabi ko sayo masarap?." tanong ko dito ng makitang kinakain na nito ang isaw.

tumango naman ito, at kumagat uli sa isaw.

"Ang sarap nga, paborito ko na rin ito." sabi nito na parang nasyasyahan sa pagkain niyon.

"Atleast alam mo nang kumain ng ganyan." sabi ko naman dito.

"Salamat Deng-deng tinuruan mo ako kung paano kumain nito," sabi namna nito habang naka-ngiti pa sakin..

Dinalan ko ito ng isaw na dala ni mama galing sa bayan, dahil paborito ko iyon, yon ang hiniling kong ipasalubong sa akin ni mama kaya nang dumating si mama na may dalang street foods ay agad na akong tumakbo papunta kila Maki para bigyan din ito ng ganito. akala ko kasi alam nito ang street food , pero natuwa naman ako dahil nakumbinsi ko itong kumain ng ganong uri ng pagkain.

[End of flasback]

Napa-ngiti naman ako ng biglang bumalik sa akin ang mga ala-alang iyon, nakakatuwang isipin na nakumbinsi kong kumain si Maki noon ng isaw. at dahil doon naging paborito nya na ito. simula noon ay yun na ang lagi naming minemeryenda kapag hapon..

"Uy?." biglang untag ni Mark sa akin.

"H-ha?." parang gulat na tanong ko dito, hindi ko namalayan na napatulala na pala ako.

"Parang ang lalim ng iniisip mo." seryosong sabi nito.

"ah...w-wala naa-lala ko lang yung childhood friend ko." medyo nautal na sagot ko dito, awtomatiko namang napa kunot ang noo nito sa akin.

"Childhood friend? bakit? kumakain din ba sya nito?." kunot-noong tanong nito.

"Oo..ah wag na nating pag-usapan yon, tara na." sabi ko dito. at nagpa-tiuna nang maglakad pabalik ng sasakyan. ayoko ko nang pag-usapan pa iyon, kaya lang kasi hindi ko maiwasang maa-lala ito kapag kumakain ako ng mga ganito, dahil ito ang lagi kong kasama kapag kumakain nito noong bata pa ako. minsan nga ito na rin ang nagdadala ng ganitong pagkain sa amin eh. tapos kapag nagtatampo ako dito ay binibilan ako nito ng street food para bati na uli kami.

Lulan na kami ng sasakyan ni Mark at binabagtas na namin ang daan pauwi sa bahay, hindi ko akalaing magkaroon ng taga-hatid at taga-sundo, samantalang nong unang pasok ko sa school na iyon ay, lagi lang akong nagta-taxi, masaya naman ako hindi dahil nakaka-tipid ako sa pamasahe, dahil concern talaga ito na ihatid at sunduin ako..

THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon