Chapter Thirty-five

86 0 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng mga kaluskos na narinig ko, dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko, hindi ko alam kung nasaan ako dahil hindi ko kilala ang lugar na kinalalagyan ko.

Sinubukan kong gumalaw pero ganon nalang ang gulat ko ng mapansin kong nakatali ang mga kamay at paa ko. kaya hindi ko iyon maigalaw nakatali pala ako sa isang upuang kahoy..

Nilinga-linga ko ang paningin ko at doon ko lang napansin na parang isang abandonadong kwarto iyon, dahil madumi at nakaka-sulasok ang amoy dito. at ako lang ang mag-isa doon.

Nilingon ko ang pintuan medyo malayo ako doon, at hindi ako makakatayo dahil nakagapos ako sa bangkuan.

Gulong-gulo ako, dahil hindi ko alam kung ano ang nangyari, pero bigla kong naa-lala yung nangyari kanina, hindi nga ako nagkamali na may gagawin itong masama sa akin. wala kong ibang nararamdaman ngayon kundi ang takot. hindi ko alam kung nasaan ako, hindi ko alam kung may makaka-rinig sa akin dito dahil kulob ang kwartong ito,.

Hindi ko akalaing mangyayari ito, dito na ata ako mamatay.. pakiramdam ko ay wala narin akong pag-asa. bakit ba nangyayari sa akin ito? hindi ko ba deserve mabuhay? naramdaman ko nalang na tumutulo na ang luha ko. gusto kong humiyaw at humingi ng tulong gusto kong kumilos at gumawa ng paraan para makaalis ako dito, pero para akong tinulos na kandila dito, parang iniisip ko narin na hayaan ko nalang mangyari sa akin ito.

Tutal lahat naman ng tao naging malupit sa akin. parang wala na rin akong ganang mabuhay. sawang-sawa na rin ako sa sakit at hirap na nararanasan ko. pero kung nabubuhay pa si papa hindi lahat mangyayari sa akin ang mga ito, siguro kahit paano ay mararamdaman kong may taong nagmamahala sa akin. at hindi ako iiwan pero wala na ito, iniwan din nya ako..

Nasa ganong sitwasyon ako ng biglang bumukas ang pintuan. pumasok dito ang tatlong lalaki, kung titignan mo ang mga ito ay hindi mo mapapag-kamalang masasamang tao dahil wala sa mga itsura nito. at muka pa itong ka-batch ko lang. pero wala akong idea kung sino ang mga ito. at hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit nila ako kinid-nap.

"Pre! ito ba? ang ganda pala." biglang sabi ng isang lalaki na nasa bandang gilid. pero hindi parin ako kumikibo naka-tingin lang ako sa mga ito.

"Wag mo papa-kialaman iyan, lagot ka kay boss." sabi naman ng isang lalaki.

"Sayang ang ganda mo pa naman, kung hindi ka lang binilin ni boss sa amin. malamang ay ako na ang nauna sayo." nakangising sabi naman ng isang lalaki , kung tumingin ito sa akin ay para talaga itong walang kaluluwa. pero hindi parin ako natinag ng mga ito. gusto kong magsalita pero parang nalulon ko ata ang dila ko ibig sabihin hindi ako aksidenteng dinukot lang kundi ay mayroong tao sa likod nito. kung sino man siya ay magbabayad sya, wala akong kasalanan sa kanila.

"Miss ano bang pangalan mo?." tanong sa akin ng isang lalaki na naka-ngisi pa sakin.

Pero hindi ko ito tinignan, at hindi ko rin itong pinansin.

"abah! suplada ka ah!." parang napahiyang sabi ng lalaking nagtanong sa akin.

"Baka pipi yan pre! baka walang dila, mukang hindi marunong magsalita eh." sabi naman ng isa. pero hindi parin ako natitinag ng mga ito. matalim lang ang mga tingin ko dito pero hindi ko ito kinikibo o sinasagot man lang ang mga tanong nito.

"Gusto mong turuan kita kung paano mag-salita ?." pasarkastikong sabi nito sa akin..

"sino ang boss nyo?." bigla kong tanong dito.

"marunong ka naman palang magsalita eh," bigla namang sabi nito.

"Wag ka mainip makikita mo din ang boss namin." sagot naman ng isa sa tanong ko..

THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon