Chapter Seventeen

186 2 0
                                    

Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako. Naalala ko'ng bigla na lunes ng umaga ngayon. Alam kong may pasok kami pero nag-two days leave nga pala ako.

Kinuha ko yung cellphone ko mula sa table na nakapatong doon. chi-neck ko kung may mga text messages.. hindi nga ako nagkami may mga text messages nga.

*4 Messages recieve*

"Daisy papasok ka ba? late kana, pumasok ka please."  Text ni Missy, hindi nga pala nila alam na nag 2 days leave ako.

Sinunod kong buksan yung other messages, bali na double send si Missy kaya nadouble ang text nito..pero binuksan ko uli yung other messages.

"Good Morning :) ." sabi ng isang text kong nabasa.. tinignan ko kung anong name nito sa contact ko. hanggang ngayon stalker parin..agad ko namang I-nedit ang contact name nito at nilagay ang pangalan nito..

Hindi pa rin ako makapaniwala na simula ngayon ay dapat ko na syang iwasan.

Masakit syempre kung kailan nahulog na ang loob ko tsaka ako lalayo dito. pero siguro nga kailangan, para naman maka move-on agad.

Hindi ko na ito, nireplyan. Narinig kong kumatok si mama mula sa labas ng kwarto ko.

"Good morning anak." bungad sakin ni mama.. napansin ko naman na 9 AM na, dapat nasa trabaho nasi Mommy pero nandito pa sa bahay..

"Good morning din po ma." sagot ko naman sa bati nito..

Nagtaka naman ako kung bakit naka-pang alis ito, siguro papasok na ito kaya lang tanghali na ito..

"Mama, late na po ata kayo." sabi ko dito..

"Oo male-late nga tayo kapag hindi mo binilisang magbihis dyan." sabi nito, napakunot naman ang noo ko dito,

"Ano po? kasama ako?". takang tanong ko dito.

tumango na ito at nagpunta sa kusina. sinundan ko naman ito.

"Isasama nyo po ako sa trabaho nyo.?" litong tanong ko uli dito. ng hindi ito sumagot sa tanong ko kanina.

"anak, hindi sa trabaho, nagpa-alam na ako sa boss ko na bukas na ako makakapasok, pupunta tayo sa school mo, para maka-usap yung mga magulang ng batang Marjorie nayon." paliwanag nito, agad ko namang naisip yung Marjorie nayon..

"Mama.., magsasampa po ba tayo ng kaso laban kay Marjorie?". tanong ko dito..

"Oo anak..gusto ko lang maka-usap ang mga magulang non, tatanongin kolang kung anong klaseng pagpalaki ang ginawa nila sa anak nila at kailangan gumawa ng ganong kasamang bagay." pasarkastikong sabi nito, bakas parin sa muka ni mama ang galit.

"Sige po, magbihis lang po ako." paalam ko dito at pumunta na ako sa kwarto para maligo..

****

Nakarating na kami ni Mama sa school, halatang gulat si mama sa laki ng skwelahang pinapasukan ko.

"ang ganda ng school mo anak." manghang sabi nito sa akin, habang iniikot ang mga mata sa kabuuan ng school.

"Oo nga po." maikling tugon ko naman dito..

Hinila na ako ni mama papasok doon sa gate ng school.

napansin kong nakalabas yung mga students, tumingin ako sa wrist watch ko kunga nong oras na 10 am na, kaya pala nakalabas na yung ibang studyante ay dahil snack time na. hindi na ako nag-uniform dahil hindi naman ako papasok.

sabi ni mama alam na rin daw ni Mrs, Policarpio ang nangyari kaya pumayag naman daw itong mag-leave ako ng 2 days.

habang binabagtas namin ang daan patungo sa building 1, nakaramdam ako ng konting kaba.. madadaanan kasi namin yung room nina Mark dahil dito ang room nila sa building at malapit lang sa main office na pupuntahan namin..

THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon