Tanaw ko mula sa kabilang table sina Daisy at Missy, hindi nila ako pansin dahil nasa bandang likuran ako naka-upo dito sa cafeteria, nakita kong masyadong seryoso ang pinag-uusapan nilang dalawa dahil napansin kong umiiyak si Missy at ina-alo naman ito ni Daisy na mukang awang-awa dito.
Ngayon ko lang nakitang umiyak ng ganon si Missy,wala sa itsura nito ang may problema dahil lagi itong naka-ngiti, pero ngayon ay parang may pinagda-daanan ito, dapat ay hindi ganito ang reaksyon ko dapat ay wala akong pakialam, pero hindi ko alam kung bakit nong nakita kong umiiyak si Missy ay gusto kong lapitan ito.
Alam kong hindi lang awa ang nadadama ko para dito, may kaiibang parang galit dahil nakita ko itong umiiyak, nagagalut ako dahil parang ayaw makita ng sarili ko na umiiyak ito, hindi ko alam kung bakit ganito ang kinikilos ng katawan ko, minsan ay lagi ko itong pinanonood kapag nasa loob kami ng room, gustong-gusto ko itong nakikitang tumatawa at ngumi-ngiti hindi ko alam kapag nakikita ko itong ganon ay may saya akong nararamdaman dahil nakikita ko itong masaya...alam kong weird akong tao pero hindi ko alam na pati pala feelings ko ay weird na din, hindi ko ma-gets eh.
Habang naka-upo ako doon at naka-masid kila Missy at Daisy, nakita kong tumayo na ang mga ito, at papalabas na nga ito ng cafeteria. akala ko ay mapapansin ako ng mga ito, ngunit nagdireretso na ang mga ito hanggang makalabas ng cafeteria.
Napabuntong hininga naman ako ng malawa na ito sa paningin ko. at dahil mag-isa lang ako sa table at wala akong kasabay, ako kasi yung tipong taong looner weird nga eh diba. ayoko ng laging may kumaka-usap sa akin, hindi naman ako talkative na tao eh. magsasalita lang ako kapag nagtanong ka at ikaw ang unang kuma-usap sa akin. hindi ko alam kung bakit ganon, basta weird nga eh.
Kinuha ko mula sa bag ko ang camera canon ko, mahilig ako sa photography actually meron nga akong sites na puro photography ko lang ang andon, sa tingin ko ay ito ang passion ko, bata palang ako ay mahilig na akong mag-picture ng mga bagay, yung mga bagay na senti, at dahil mahilig nga akong mag-picture, meron ding snap shot sakin si Missy.naglalakad ito sa hallway mag-isa. hindi ko alam kung bakit sya ang napag-tripan kong kuhanan ng picture, ang cute kasi eh, ang ganda nya kahit snap shot lang,.
----
Naka-upo na kami ni Missy dito sa loob ng room. hindi pa tapos ang break pero inaya ko nang pumasok si Missy dito sa classroom,..
Habang ina-alo ko ito, biglang nag-ring ang cellphone ko.
"Ah..Missy Wait lang ha? may recieve calls ako eh." biglang sabi ko dito,at lumabas na muna ako ng room upang sagutin ang tawag na iyon.
"Hello?." sabi ko ng sagutin ang tawag. medyo nagtaka naman ako kung bakit tumatawag si Mark.
"Hello? nasa classroom ka na ba?." bigla namang sabi din nito, mula sa kabilang linya.
"Oo..ba't ka tumawag?." tanong ko dito.
"Okay, after ng klase, hintayin mo ako ha?." bigla namang sabi nito.
Medyo naguluhan naman ako sa sinabi nito.
"Ha? bakit kita hihintayin?." takang tanong ko dito.
"Tsk. sabay tayo uuwi, ihahatid kita." parang nainis na sabi nito, ng maramdaman nitong hindi ko na-gets nag sinabi nito..
"H-ha...?eh---?." naputol ang sasabihin ko ng bigla nitong I-end call ang tawag.
Kitams? hindi pa ako yari magsalita? pinatayan na ako? minsan talaga may pagka-bastos yung tao na yun eh.
Inis na pumasok na lang ako sa classroom, akmang pa-pasok na ako sa classroom ng biglang may tumawag ng pangalan ko.
BINABASA MO ANG
THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)
Teen FictionShe's just a simple girl but her life was starting to ruin like a hell, when she met, Mark Antonio A.K.A "Mr.Yabang" at isama pa ang mga barkada nitong manang-mana sa pinuno nila. But what if a simple girl, gets fall inlove? What should happen to "M...