"Well...well it's nice to see you here again. bro" narinig kong sabi ng kapatid ko mula sa likuran ko.
"Leave me alone." Malamig na sagot ko dito. habang naka-tanaw sa balcony ng kwarto ko.
"Why? hindi mo ba ako na-miss brother Mark?." pasarkastikong tanong nito sa akin.
Hindi ko parin ito pinag-abalang lingunin, nakatanaw parin ako sa malayo. naramdaman ko namang tumabi ito sa akin at tumingin din sa malayo.
"I'm sad about what happen to you, I'm sorry if I didn't visit you on the hospital in this past few days, I'm just bussy o--?." pinutol ko na ang sasabihin nito, dahil ayokong marinig ang mga walang ka-kwenta-kwentang dahilan.
" I don't care, if you don't visit me in the hospital, I am not hoping that you'll having a little concern on me, and I didn't ask you're opinion, so will you please just shut up and leave me alone." mahinahong sabi ko dito, pero may diin ang mga huling katagang binitawan ko dito..
"Why yo--..?"
"I said leave." putol kong sabi dito.
"Fine.I'm leaving." sabi nitong nagkibikit balikat na lang at lumabas na ng kwarto ko.
Inis na bumuntong hininga nalang ako ng maramdaman kong naka-alis na ito sa kwarto ko..
Hindi ako humihingi ng konting awa dito oh konting konsern, dahil alam lang naman nito ay makipag-kompetensya sa akin, Since we're we grown up hindi na talaga kami close ng half brother ko, lumaki sya sa america kailan lang ito umuwi sa pilipinas..I know na he's older than me, pero hindi ko ito natutunang kausapin ng maayos, dahil ito naman ang nag-umpisa, hindi pa rin nya ako tanggap at hindi nya rin tanggap si mommy bilang mommy nya, anak sya ni Daddy sa ibang babae, let's say it's fling, pero hindi ito kasal doon, dahil si mama ang pinakasalan ni papa. sa katunayan kami ang legal na pamilya ni papa at sya ay anak lang sa labas..pero kung maka-asta ay parang kami pa ang dapat na makisama sa kanya.
Komo parehas naman kaming anak ni papa at tinuring ko na din itong anak ni mama sinabi ni papa na ituring ko daw itong tunay na kapatid, ginawa ko naman pero wala kaming communication nito dahil bussy ito sa trabaho at ako naman ay sa school.. may kanya-kanya kaming mundo dito..
Kalalabas ko lang ng ospital kahapon at andito ako ngayon sa bahay para magpahinga pero pakiramdam ko ay bagot na bagot na ako dito, pero mahigpit na pinagbawalan ako ng doktor na hindi ako pwedeng mapagod at kailangan ay magkaroon ako ng sapat na pahinga, bawal din akong ma-expose sa mga gadgets kaya hindi ako maka-gamit ng cellphone of laptop..bawal din akong manonood ng tv at maglaro ng ps3 kaya pakiramdam ko ay ito na ang pinaka-bored na buhay ko..
Hindi naman ako ma-bisita nina Jerry dito dahil pumasok din ang mga ito...
Nasabi narin sa akin ni mama na ibibili nalang ako nito ng bagong sasakyan, hindi na nito hinayaang gamitin ko pa ang lumang sasakyan ko dahil nga sa aksidente..
Pero may isang bagay na pakiramdam ko ay nawala sa sarili ko, hindi ko alam kung ano iyon, pero parang nararamdaman ko ay may nawala sa sarili ko..
Dalawang araw pa ang itatagal ko dito sa bahay bago ako pumasok sa school. hindi na muna ako hahayaan ni mama na mag-drive ng sasakyan ko, kumuha muna ito ng bago kong driver, kahit ayoko ay wala naman akong magagawa..natatakot din ako na baka maulit lang ang aksidenteng iyon...
Pinipilit kong ala-lahanin ang nangyari kung bakit kami na-aksidente, sinabi lang ng mga pulis ay nawalan daw ng break ang sasakyan ko, pero hindi ko maa-lala ang nangyari bago kami ma-aksidente. basta ang alam ko lang ay na-aksidente ako yun lang..wala na akong ibang maala-la..
"Sir, may mga pulis po sa baba,kaka-usapin daw po kayo." narinig kong sabi ng kasambahay namin habang kumakatok ito sa pintuan ng kwarto ko.
Agad namang napakunot ang noo ko ng malaman kong may mga pulis sa baba.
BINABASA MO ANG
THE NEWBIE GIRL MEETS MR.YABANG (COMPLETED)
Teen FictionShe's just a simple girl but her life was starting to ruin like a hell, when she met, Mark Antonio A.K.A "Mr.Yabang" at isama pa ang mga barkada nitong manang-mana sa pinuno nila. But what if a simple girl, gets fall inlove? What should happen to "M...