Panimula

26.4K 640 33
                                    

Tahimik lang akong nakamasid sa dalawang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng mga hita ko. Hindi ko magawang tumingin sa labas ng bintana ng kotse dahil hindi ko gusto ang mga nakikita ko---- mga taong naglalakad sa gilid ng kalsada at ang iba'y may kanya-kanyang ginagawa. Hindi ko gusto ang mga nakikita ko.

" Allaode ayos ka lang ba? " rinig kong tanong ni Kuya Easton sa akin.

Umiling ako bilang sagot. Hindi ako ayos dahil ayaw ko ang balak nyang pag-aralin ako sa Hexagonal Academy. Alam kong sikat ang paaralang iyon ngunit ang dami kong kinakatakutan. Tulad na lamang na mawawala si Kuya Easton sa tabi ko.

Hindi ko narinig na nagsalita pa sya kaya hindi na rin ako umimik. Nagdadasal na lang ako na sana magbago ang isip nya sa gagawin nyang ito.

-

Matapos ang mahabang byahe, nakarating kami sa sinasabi ni Kuya Easton na lugar. Pagkababa ko sa kotse napansin ko kaagad na walang ibang gusali ang nakatayo kung hindi ang isang malaking mansyon at mga punong nakapaligid dito. May fountain rin sa gitna at may imahe ng lalaki na gawa sa kulay ginto ang nakatayo at may hawak itong hexagon na hugis. Hindi ko aakalain na ganito ang itsura ng papasukan ko.

" Mr. Easton, nagagalak akong makita kitang muli" napatingin ako sa lalaking matanda na bigla na lamang sumulpot sa harap namin ni Kuya.

Dahil sa gulat ko, napaatras ako at napatago na lamang sa likod ng Kuya ko. Sumilip ako ng bahagya upang silipin uli ang matanda. Naka-itim itong damit na may mga linyang ginto at sa may bandang dibdib nito, may hexagon na design ang nakaburda.

" Mr. Viente ipagpaumanhin mo na ang kapatid ko. Sadyang magugulatin at ilag ito sa iba " sagot ni Kuya Easton at hinila nya ako para ilagay sa gilid nya.

Yumukod ako ng bahagya bilang paggalang sa matanda na tinawag na Viente. Ngumiti ito sa akin ngunit isang tipid na ngiti lamang ang ginanti ko.

Sumunod naman kami ni Kuya Easton kay Mr. Viente papasok sa loob ng mansion. Hindi nga ito mukhang paaralan dahil mansion ang itsura nito. Lakad kami ng lakad hanggang sa makarating kami sa isang pintuan na malaki. Binuksan ito ni Mr. Viente at bumungad sa akin ang malawak na lugar na may mga estudyanteng naglalakad at mga naghaharutan dahil parang parke ang nasa harap ko. Ngunit ang nakakatawag pansin ang mga naglalakihang building. Ang ibig sabihin may paaralan sa loob ng isang mansyon.

Naglakad kaming muli. Napapahawak ako ng madiin sa braso ni Kuya Easton dahil may mga nakatingin sa aming mga estudyante. Huminto kami sa di kalakihang building na may nakalagay na Komite ng Hexagonal. Pumasok kami sa loob at umupo sa silid-tanggapan.

-

Kanina pa nag-uusap si Kuya Easton at ang Tagangasiwa ng Akademya ng Hexagonal. Nakikinig ako ngunit hindi ko naman naiintindihan ang mga sinasabi nila. Ewan ko ba.

" Allaode siguradong magugustuhan mo ang pag-aaral mo dito. " ngiting sabi ng punong-tagapangasiwa.

" Wag kang mag-alala dahil pare-pareho kayong lahat dito " napatingin ako kay Kuya Easton.

" Ibig sabihin.... " di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng tumango si Kuya Easton.

" Oo Allaode. May mga kapangyarihan sila na katulad mo, natin. May posibilidad na may mga estudyante rin na may abilidad na magpagalaw ng bagay na gamit ang isip o di kaya magbasa ng iniisip ng iba " paliwanag ni Kuya Easton sa akin.

Nawala ang konting pangamba ko ngunit hindi pa rin sapat ang mga sinabi nya para mapalagay ang loob ko. Alam ko na iba ako sa lahat at sa oras na malaman nila ang tunay na ako baka mangyari ang dati.

" Huwag kang mag-alala Allaode, pinagbabawal rin na gumamit ng kapangyarihan dito sa loob ng aming paaralan " napatingin ako sa sinabi ng punong-tagapangasiwa na nakangiti pa rin. " May karampatang parusa ang pinapataw sa sinumang gumamit ng kapangyarihan sa loob kaya makakasiguradong ligtas ka maliban sa mga opisyal ng paaralan at pati na rin ang mga konseho ng mga mag-aaral ngunit wag kang mag-alala dahil sa kaligtasan lamang nila ginagamit "

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon