Ngayong gabi ay magkakaroon ng sama-samang pagsasalo sa may bulwagan. Makakasama namin ang mga kalahok ng nomosran pati na rin ang mga pinuno ng bawat lahi.
Lumabas na kami ng silid ng makasabay namin sa paglalakad ang grupo na mula sa lahing Ember, ang mona. Yumuko kami bilang paggalang na rin sa kanila at gan'on rin ang ginawa nila.
" Ikaw 'yung sumagot kanina sa mga cuncilum " sabi sa akin ng isa sa miyembro ng mona na may kulay abong mata. " Pigil ang hininga ko habang pinapanood kita " nakangiti nito sa akin.
" Itigil mo nga yan Tetsuya " layo ng isa sa kasamahan nya sa akin. " Pasensya na. Kanina pa nya gusto kang makita " nahihiyang saad ng lalaki.
" Ayos lang " sagot ko ngunit hindi naman makita ang ngiti sa labi ko dahil nakamaskara ako.
Hindi ko inaasahan na may grupong kakausap sa amin dahil ang akala ko ay lalayuan nila kami. Mga mga nilalang talaga na natural ang pagiging mabait.
Nakarating na kami sa bulwagan na magarbo ang paghahanda. Marami-rami na rin ang mga nandito at mga nakaupo na sa kanilang mga pwesto. Kapansin-pansin ang tingin nila sa amin kasabay ang bulungan nila. Hindi ko na lang iyon pinansin at naghanap na ng mauupuan nang bigla akong hilahin ni Tetsuya.
" Sa amin na lang kayo sumama " aya nya at hinila ako sa isang lamesa.
Masayahin at masigla itong si Tetsuya na halata sa kanyang pagngiti at pagkilos nya sa amin. Ang mga kasamahan nya ang nahihiya at humihingi ng tawad para sa kanyang ginagawa. Nakakatuwa nga sya.
" Pahawak naman ng maska-- aray! " hinawakan nya ang maskara ko ngunit agad syang nasaktan ng mahawakan ito.
Hinawakan ko ang kamay nya at nakita ko ang pamumula ng palad nya. " Ayos ka lang ba? " nag-aalala kong tanong.
" Oo. Napaso lang ako " sagot nya.
Gusto ko mang-iutos kay Cephas na gamutin sya ay hindi maaari dahil bukas lang maaaring gamitin ang mga kapangyarihan na meron kami.
" Ipagpaumanhin mo ang nangyari sa iyong palad " hingi ko ng tawad.
" Hindi mo kasalanan dahil ako 'yung may kasalanan. Bakit mainit 'yang maskara mo? Hindi ka ba napapaso? " tanong nya.
" May mahika kasing taglay ang maskara ko. Ang sinumang magtatangkang tanggalin ito ay siguradong masasaktan " paliwanag ko na ikinamangha ng kanyang mukha.
Inasikaso sya ng kasamahan nyang lalaki upang gamutin ang kanyang kamay dahil namumula ito. Kinausap naman kami ng ibang miyembro ng mona na 'tila hindi iba kami sa kanila. Napakabait nila at wala akong masabi sa pagiging palakaibigan nila.
" Paggalang sa mga pinuno " may biglang nagsalita dahilan upang tumayo ang lahat kaya sumunod rin kami.
Dumating ang mga pinuno kasama ang mga tagapagmana nila. Yumuko kami bilang paggalang sa kanila at nagpalakpakan ng umupo na sila sa kanilang upuan. Umupo na rin kami upang makinig sa sasabihin ng nasa gitna.
Matapos ang mga hindi naman gan'on ka-importante ay nagsimula na ang okasyon ngayong gabi. May mga kumukuha na ng pagkain at ang ilan ay nakikipag-usap na sa mga iba pang kalahok. Pati ang mga sunod na tagapagmana ay nilalapitan ang mga kalahok samantalang ang mga pinuno ay nakikipag-usap sa isa't-isa. Samantalang kami ay nananatiling nakaupo at nakikipag-usap sa iisang grupo.
" Kukuha lang ako ng pagkain " paalam ko sa kanila.
" Gusto mo bang samahan kita? " tanong ni Cephas.
BINABASA MO ANG
Elusive Butterfly (BoyxBoy)
FantasyNapakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o kaya naman lumabag ka sa isang batas na mahigpit na ipinagbabawal. Ngunit sa mundong kinagagalawan ni Alloade, ang pagkakaroon ng dalawang...