Nagising si Allaode dahil sa iyak ng sanggol na nasa kanyang tabi. Tumayo siya upang magtimpla ng gatas at pinadede ito sa sanggol na agad namang ininom. Napakunot noo sya ng mapansin nyang wala na si Xeriol sa kanilang tabi.
" Nilayasan na tayo ng ama mo ng kay aga-aga " saad ni Allaode sa kanyang anak na hindi man lang sya pinansin dahil sa pagdede nito.
May bigla namang kumatok sa kanilang pintuan na agad nyang pinagsabihan na pumasok. Hindi kasi sya makaalis sa tabi ng anak dahil hawak nito ang botelyang pangdede.
" Ipinapahanda po ito ni Primnus Xeriol " saad ng babaeng namuno sa pagdala ng pagkain sa kwarto nila.
" Pakilapag na lang. Maraming salamat " saad ni Allaode sa tatlong katulong na may dalang iba't-ibang pagkain.
Lumabas na ang mga katulong matapos nilang mailapag ang pagkaing dala nila. Sakto namang nakatulog muli ang anak nila kaya nagtungo si Allaode sa lamesa upang kumain. Tinapay, karne, gulay at prutas ang nakahanda sa kanya na agad nyang kinain.
Patapos pa lang sya sa kanyang kinakain ng muling magising ang kanyang anak at umiyak. Kinarga nya ito at nagtungo sila sa bintana. Hinawi ni Allaode ang kurtina kaya pumasok sa loob ng kanilang kwarto ang liwanag ng araw. Tulad ng sabi ng kanyang ina, maganda sa bata ang masinagan ng araw kaya nya ginagawa ngayon.
Sandali lamang nya pinaarawan ang sanggol at nagpasyang lumabas kasama ang anak. Bawat nadadaanan nilang kawal, katulong at mga tauhan sa palasyo ay binabati sila na hindi na bago kay Allaode. Nang makatungo sya sa may hagdan pababa ay doon nya napansin na abala ang lahat sa paglilinis ng mga kagamitan sa buong palasyo. May mga naglalagay rin ng mga palamuti sa paligid. Hindi magkamayaw ang mga tauhan sa palasyo sa kanilang ginagawa.
Nagtaka si Allaode dahil hindi nya alam ang okasyon ngayong araw. Wala rin namang nababanggit si Xeriol tungkol dito.
Bumaba sya sa hagdan ng napansin sya ng mga naglilinis kaya huminto sila sa kanilang ginagawa at binati sya. Ngiti na lamang ang ginanti nya sa mga ito at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kinaroroonan ni Xeriol na walang iba kundi sa kanyang tanggapan.
" Mahal ko " agad na tawag ni Xeriol sa kanyang asawa ng makita nya itong pumasok sa loob ng tanggapan nya.
Lumapit sya saka nya hinalikan sa labi ang kanyang asawa at sa noo naman sa kanyang anak. Kaninang seryosong mukha ni Xeriol na ngayon ay nakangiting muli.
" Namiss mo ba ang Papa Xeriol mo, mahal kong anak? " kausap nya sa kanilang anak.
" Anong okasyon meron? Bakit abala ang mga katiwala at tauhan dito sa palasyo? " tanong ni Allaode.
" Dahil mamayang hapon ay magkakaroon ng pagsasaya dahil sa pagsilang ng ating anak " simpleng sagot ni Xeriol.
" Pero hindi naman kailangang--- " hindi natuloy ang kanyang sasabihin ng magsalitang muli si Xeriol.
" Kailangan, mahal ko. Anak ko sya. Anak natin sya. Sya ang sunod kong tagapagmana. Gusto kong ipakilala ang anak natin sa lahat ng lahi dito sa ating mundo upang malaman nila kung gaano ako kasaya na dumating sya sa buhay natin. " nakangiting sagot ni Xeriol.
Tumango na lang si Allaode at ngumiti sa kanyang asawa. Wala na naman syang magagawa dahil nakaplano na ang kasayahan. Higit sa lahat, ugali ng asawa nya na kapag may gusto syang gawin, gagawin nya. Sanay na si Allaode sa ugali ni Xeriol.
♦
Sumapit ang hapon na unti-unting dumating ang mga bisita mula sa mahaharlikang pamilya, may kataasan sa buhay at higit sa lahat ng inaasahang dumalo ay ang pagdalo ng mga pinuno ng mga iba't-ibang lahi kaya mahigpit rin ang pagbabantay ng mga kawal upang hindi magkaroon ng anumang kaguluhan.
BINABASA MO ANG
Elusive Butterfly (BoyxBoy)
FantasyNapakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o kaya naman lumabag ka sa isang batas na mahigpit na ipinagbabawal. Ngunit sa mundong kinagagalawan ni Alloade, ang pagkakaroon ng dalawang...