" Papa Alloade, matagal pa ba si Papa Xeriol? "
" Hindi ko alam anak. Ayon sa sulat nya ay ngayon sya dadating " sagot ng ama sa kanyang limang taong anak.
Napangulambaba ang bata habang nakamasid sa daanan ng palasyo upang hintayin ang kanyang ama na isang linggo nya nang hindi nakikita dahil sa inaayos nitong problema sa malayong bayan. Lubos na malapit si Salvare sa kanyang Papa Xeriol dahil lahat ng gusto nya ay nasusunod na hindi katulad ni Allaode na may limitasyon ang pagbibigay nya sa kanyang anak. Ngunit parehong mahal na mahal nya ang kanyang magulang.
" Ward tingnan mo nga mula sa taas kung malapit na si Papa Xeriol dito " utos ng bata sa kanyang tayle.
Ang uri ng tayle na napunta kay Salvare ay tinatawag na fliogan na may kakayahang lumipad gamit ang mumunting pakpak nya. May kulay puting balahibo ito na makapal at magagandang mata na kulay ginto at asul. Umaabot lamang ng tatlong pulgada ang pinakamalaking sukat nito.
Tumango-tango naman ang kanyang alaga na tila naintindihan ang kanyang sinabi. Lumipad ito sa taas upang sundin ang inuutos ng kanyang amo.
" Huwag kang malungkot Salvare. Siguradong dadating ang Papa Xeriol mo dahil nangako sya " pag-aalo ni Allaode sa malungkot na mukha ng kanyang anak.
Lumingon si Salvare sa kanyang ama na katabi nyang nakaupo sa hagdan sa labas ng palasyo. Hinawakan nya ang pisngi ng kanyang ama habang nakamasid direkta sa kanyang mga mata na hilig nyang gawin sa kanyang mga magulang. Para bang ang mga titig nya ay may gustong ipahiwatig na hindi mawari ni Allaode kung ano 'yon.
" Papa Allaode, mahal ka ni Salvare. Mahal na mahal na mahal. Pareho ko kayong mahal ni Papa Xeriol " sabi nito na ikinangiti ng ama.
Tumayo si Allaode at kinarga ang limang taong anak nya na ang laki na ng pinagbago. Mas nakikita ngayon ang pagkakamukha ng anak nya kay Xeriol. Mula sa mata, ilong, hugis ng mukha at lalo na ang kanyang tenga. Pati ang pag-uugali na makulit, hindi nagpapatalo at pagiging mabuting Vesta ay namana nya. Tanging ang labi nya lang ata ang namana sa kanya. Hindi rin magpapahuli ang tangkad dahil matangkad ang anak nya kumpara sa ibang limang taong gulang na bata.
" Mahal na mahal ka rin ni Papa Allaode. Sobrang mahal " mahigpit na yakap ang ginawad nya sa kanyang anak.
Bumalik naman kaagad ang alaga ni Salvare kaya nilapitan ito ni Salvare. Lumilikha lamang ng kakaibang tunog si Ward na para bang naiintindihan ni Salvare ang gustong sabihin ni Ward. Mahigpit ang ugnayan ng dalawa lalo na sanggol pa lang si Salvare ay alam na ni Ward na sya ang kanyang amo kaya silang dalawa lang ang nagkakaintindihan.
" Wala pa daw si Papa Xeriol " isang malungkot na paalam ni Salvare sa kanyang ama.
Nilapitan sya ni Allaode at hinalikan sa noo. " Baka mamaya pa dadating ang Papa Xeriol mo. Pumasok muna tayo sa loob ng palasyo dahil maggagabi na. Sa loob na lamang natin sya hintayin " sabi nya sa kanyang anak.
Malungkot na tumango ang bata at sumunod sa ama na papasok sa loob ng palasyo. Dumiretso sila sa sala ng palasyo upang doon maghintay. Si Allaode naman ay nagtungo sa kusina upang maghanda ng kanilang hapunan. Madalas kasi ay si Allaode ang nagluluto ng pagkain ng mag-ama dahil gusto nyang pinagsisilbihan sila. Wala naman syang ibang magawa dahil may mga katiwalang gumagawa ng kanyang dapat gawin. Ayaw rin naman syang pagawain ni Xeriol kaya wala syang magagawa.
Habang abala si Allaode sa pagluluto, ang kanyang anak ay kinakausap ang kanyang alaga.
" Malayo ba ang narating mo kanina? "
" Opo! Pero wala po talaga akong nakita "
" Ayos lang Ward. Hindi mo kailangang malungkot. " Ngiti ng bata sa kanyang alaga at hinaplos ang mga balahibo nito.
BINABASA MO ANG
Elusive Butterfly (BoyxBoy)
FantasyNapakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o kaya naman lumabag ka sa isang batas na mahigpit na ipinagbabawal. Ngunit sa mundong kinagagalawan ni Alloade, ang pagkakaroon ng dalawang...