Dahil sa araw na ito ay walang klase, napagpasyahan kong pumunta ng merkat upang ipagpaalam sa kanila ang nangyari kay Sage. Ayaw ko pang may mapahamak pang iba at meron sa isip at puso ko na obligasyon kong iligtas sila. Kung hindi ko gagawin ito paniguradong hindi ako patatahimikan ng konsensya ko.Maaga akong umalis ng kwarto ko upang hindi maabutan si Xeriol. May balak kasi syang puntahan ako ngayong araw kaya kailangan kong umalis ng maaga. Kukulitin lang nya ako tungkol sa nasabi kong nag-aalala ako sa kanya.
Nakarating ako kaagad sa kosmos na pinuntahan ko noon. Dito pa lang sa labas ay may iilan na akong nakikitang pumapasok sa loob. Hindi ko nga lang alam kung mamimili sila o tutungo sa sikretong lugar ng mga dalawang lahi.
Naglakad na ako at lumapit sa babae. Binanggit ko ang mga katagang magsasabi na kabilang ako sa dalawang lahi. Sumunod ako sa babae na tumungo sa isang pintuan at bumaba. Rinig ko na ang ingay ng kasiyahan kaya mas lalong inuusig ang konsensya ko dahil tutungo lang ako upang magsabi ng isang masamang balita.
" Ako na lamang ang tutuloy " pigil ko sa babaeng sinusundan ko sa kalagitnaan ng aming paglalakad.
Tumango sya bilang pagsang-ayon kaya ako na ang naglakad mag-isa. Nang makababa ako ng tuluyan, napatingin sila sa akin. May mga bagong mukha akong nakita kaya parang kaaway ang tingin nila sa akin.
" Bakit ka naparito? " salita ni Elor Tacito sa akin.
Paano ko ba sasabihin sa kanila ang nangyari? Nahihirapan ako dahil parang kadugo ko ang nawala sa akin. Saan ko ba sisimulan?
" Nandito ka ba dahil nakumbinsi ka ni Sage? " napatingin ako sa isang lalaki. " Kaibigan ko si Sage kaya alam ko ang dahilan nya sa pagpasok sa paaralan mo " paliwanag nya.
" Nasaan na si Kuya Sage? " may lumapit na bata sa akin na may hawak na maskarang kulay puti at itim.
" Ibibigay ko sana ang maskarang ito na ginawa ko. Mahilig kasi ang Kuya ko sa mga maskara " nakangiti pa nyang sabi.
Napayukom na lang ako ng palad dahil sa galit na nararamdaman ko sa mga cuncilum at ganon rin para sa sarili ko. Hindi ko alam na may kapatid pala syang bata. Sasabihin ko ba na namatay ang Kuya Sage nya dahil dalawa ang lahi nila.
" Nandito na si Sage! "
Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang sigaw ni Hadria na pababa ng hagdan. Natunton na sila. Ano ang gagawin ko? Paano ko sila ililigtas? Lalo pa't hindi ko maaaring ipakita ang mukha ko sa kanila dahil ikakapahamak naman ng pamilyang kumupkop sa akin.
" Maaari ko bang hiramin ang maskarang ginawa mo? " nakangiti kong tanong sa bata.
Nagdadalawang isip ang bata sa tinanong ko. " Pero para kay Kuya Sage ko ito.... Sige na nga ibibigay ko na lang sa'yo at gagawan ko na lang ng mas maganda si Kuya " abot nya sa akin ng maskara.
" Salamat " saad ko sa kanya saka isinuot ang maskara.
Pagharap ko ay saktong pagkarating ni Hadria at ang inaakala nyang Sage.
" Sino 'yan? Bagong miyembro ba natin sya? " takhang tanong ni Hadria habang nakatingin sa akin.
" Umalis ka sa kanya Hadria. Hindi sya si Sage " sabi ko kaya napatingin sya sa katabi nya at umatras.
" Ano bang pinagsasabi mo? Sya ang Kuya Sage ko " sabi ng bata saka tumakbo patungo sa inaakala nyang Kuya kaya mabilis kong iniharang ang upuan gamit ang isip ko.
" Umatras kayong lahat! " sigaw ko at mabilis na kinuha ang bata saka inabot kay Hadria na tumungo sa aking likudan.
Narinig ko ang pagtawa ng lalaki sa aming harapan. Inihampas nya lang ang kamay nya sa harap at may itim na usok na pumalibot sa kanya pati ang nasa paligid nya. Hindi nga ako nagkakamali--- mga cuncilum.
BINABASA MO ANG
Elusive Butterfly (BoyxBoy)
FantasyNapakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o kaya naman lumabag ka sa isang batas na mahigpit na ipinagbabawal. Ngunit sa mundong kinagagalawan ni Alloade, ang pagkakaroon ng dalawang...