Unang Kabanata

10.9K 476 8
                                    

Isinukbit ko na ang bag ko at tumingin sa salamin upang muling ayusin ang aking suot na uniporme. Huminga ako ng malalim upang mabawasan ang kabang nararamdaman ko. Ito ang unang pagkakataon ko na makikisalamuha sa mga kapwa-estudyante kaya hindi na ako nagtaka kung bakit hindi naging maayos ang tulog ko.

Lumabas na ako sa kwarto ko at tumungo na sa gusali kung saan ang unang klase ko. Hindi na ako nahirapan makita ito dahil sa bawat gusali ay may mga signage akong nakikita. Saka hindi rin ako nahihirapan pagdating sa mga direksyon lalo na't may dala akong mapa ng buong paaralan.

" Bumalik kayo dito! " malakas na sigaw ang aking narinig mula sa aking likudan habang naglalakad ako sa may pasilyo.

Humarap naman ako upang tingnan ko kung sino iyon ng may dalawang lalaking tumatakbo patungo sa akin. Iiwas sana ako ngunit huli na ang lahat dahil nabunggo nila ako pero hindi naman ako bumagsak.

" Paharang-harang ka! " bulyaw nila sa akin at muling tumakbo.

" Lagot kayo sa akin kapag nahuli ko kayo! " sigaw muli ng lalaking humahabol sa kanila.

Tumingin naman ito sa akin saka ngumiti. " Pasensya ka na. Nasaktan ka ba? " tanong nya sa akin.

Umiling naman ako bilang sagot sa tanong nya. Kung titingnan sya, mukhang hindi naman sya masama. May maamo syang mukha na parang napakainosente.

" Siguro iniisip mo kung bakit ko sila hinahabol " biglang salita nito sa akin. " Ang totoo nyan, gumawa sila ng kasalanan. Gumamit sila ng kapangyarihan na alam nating lahat na ipinagbabawal gamitin dito. Dahil ako ang peace keeper ng school, kailangan kong panatilihin ang kapayapaan dito sa loob ng paaralan. Ako si Xaeri, the peace keeper officer " sabay alok nya sa kamay nya.

Tumingin naman ako sa kanya tapos sa kamay nya at muli sa mukha nya. Wala na akong nagawa kung hindi makipagkamay na rin. Naalala ko kasi ang sabi ni Kuya Eastone. Kailangan kong makisama sa kanila.

" Oh nasan ang name plate mo? " tanong nya sa akin.

" Wala pa sa aking binibigay " sagot ko.

Halata namang nag-iisip sya sa sinabi ko. " Pero ang pagkakaalam ko ibinibigay na iyon kasabay ng uniporme. Naiba na ba? " kamot nya sa ulo ko.

" Wala naman kasi akong nakita " sagot ko.

" Baka iniba na nga. Hindi ko man lang nalaman " natatawa nyang sabi.

Nagpaalam na sya upang lumibot pa sa ibang building kaya ako naman ay tumungo na sa unang klase ko. Sobra akong kinakabahan kaya madiin akong nakayukom dahil baka bigla na lang lumabas ang mga paru-paro sa aking mga kamay dahil baka hindi ko makontrol. Ayaw kong mamatay ng wala sa oras.

Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto. Pansin ko na nakatingin sa akin ang lahat kaya naiilang ako. Baka pagkita kasi nila sa akin ay hindi nila ako kaagad magustuhan. Madalas ko pa namang nakikita sa mga palabas na mas inaapi ang mga bagong lipat na estudyante.

" Ikaw ba ang bagong kaklase namin? " napatingin ako sa gilidan ko ng may makitang akong babae na nakapusod ng dalawa na parang bata.

Tumango ako. Nagulat na lang ako ng bigla itong umakbay sa akin at dinala ako sa may upuan.

" Dito ka na uupo sa tabi ko " nakangiti nyang sabi.

Magsasalita na sana ako ng may pumasok na isang matandang babae. Agad namang nagtayuan ang lahat at binati iyon saka muling umupo ngunit nanatili akong nakatayo dahil di ko alam ang gagawin ko.

" Ikaw ba ang kapatid ni Easton Letavez? " tanong nya. Kilala nya ang Kuya ko?

" Opo. Ako nga po " sagot ko at yumukod sa kanya bilang paggalang.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon