" Hindi mo naman kailangang bantayan magdamag ang anak natin. Magpahinga ka na, mahal ko " malambing na pakikiusap ng asawa sa kanyang asawang halata na ang pagod sa mata.
Sa mga araw na ito ay maaari ng lumabas ang kanilang anak kaya ang Primnus ay hinihintay ang paglabas ng kanilang anak. Kahit na marami itong ginagawa sa palasyo bilang pinuno ng kanilang lahi, hindi pa rin nya nakakalimutan ang tungkulin nya bilang asawa. Higit sa lahat, nananabik syang makita ang kanilang anak sa oras na iluwal na ito ng florsa ng kanyang asawa.
" Ano kaya ang magiging itsura ng anak natin? " nakangiting tanong ng primnus ng syang nagpangiti kay Allaode.
Lumapit ito sa kinatatayuan ng asawa at niyakap sa bewang. Inaalisa ni Allaode ang bawat sulok ng mukha ng kanyang asawa na para bang isang magandang pinta ang nasa harap nya.
" Sana ay magmana ang ating anak sa'yo " sabay hawak ni Alloade sa pisngi ni Xeriol. " Makisig na lalaki. Matapang. Responsable. Handang ipagtanggol ang nasasakupan. Pantay ang tingin sa lahat. Sana mamana nya ang katangian mo "
Hindi naiwasang halikan ng primnus ang kanyang asawa dahil sa mga sinabi na ito. Hindi pa rin nya naiiwasang kiligin sa tuwing pinupuri sya ni Allaode.
" Gusto ko ring magmana sa'yo ang ating anak, mahal ko " ngiti ni Primnus Xeriol kay Allaode.
Ilang minuto pang nananatili sa jartsena si Primnus Xeriol bago ito umalis upang magtungo sa palasyo dahil nakatanggap ito ng mensahe na kailangan nyang bumalik. Walang oras ang pinipili bilang Primnus ng isang lahi kahit mapa-umaga, gabi, tanghali o hatinggabi ay ikaw pa rin ang primnus. Mahirap ang maging pinuno ngunit nakakayanan nya ang lahat dahil nais nyang masilayan ng anak nya ang isang mapayapang lugar na hindi tulad ng naranasan ng kanyang asawa na si Allaode. Ito rin naman kasi ang nais ng asawa nya kaya tinutupad lamang nya.
Naiwang mag-isa si Allaode habang nakamasid sa florsa na sobrang tingkad ang kulay na tila apoy na nagliliyab. Ngunit ang dapat na nakangiting ama ay walang emosyong nakatingin sa magiging anak nya. Maraming katanungan, mga agam-agam ang gumugulo sa kanyang isipan na tanging sya lamang ang makakasagot.
" Anak " marahang lumapit si Allaode sa kanyang anak. " Huwag ka munang lumabas ngayong gabi " tila nakikiusap ito sa hindi pa naluluwal na sanggol.
Sinubukan nyang hawakan ang florsa subalit kita sa mga mata nya ang pagdadalawang isip kaya hindi na lamang nya itinuloy.
'di ba dapat masaya sya? Kabaligtaran ang pinapakita nya sa tuwing katabi nya ang kanyang asawa habang pinagmamasdan nila ang kanilang magiging anak. Itinatago ang sikretong nagpapabigat sa kanyang nararamdaman dahil may kinalaman ito sa kanilang anak. Natatakot na mangyari ang hindi dapat mangyari.
" Patawarin mo ako, anak. Alam kong nararamdaman mo ang nararamdaman ko ngayon "
Kausap nito ang anak nyang hindi pa nailuluwal kasabay ang pagpatak ng kanyang mga luha na agad rin naman nyang pinunasan. Masakit para sa kanya na hindi nya maiparamdam sa anak nya kung gaano sya kasaya dahil sa mga gumugulo sa kanyang isipan. At mas masakit na alam nyang nararamdaman iyon ng kanyang anak.
Hindi lumisan si Allaode sa tabi ng kanyang anak. Nakatitig lamang ito dito na tila nakikita ang kulay ng apoy ng kanyang asawa.
-
Lumipas ang gabing ito na hindi pa rin ibinubuka ng florsa ni Alloade ang kanilang anak. Tulog na ng mahimbing ang primnus dahil sa pagod sa kanyang trabaho samantalang si Allaode ay nakatitig pa rin sa kanyang magiging anak.
Naglatag lamang sila ng tela sa tabi ng florsa upang mabantayan ito. Tanging sila lamang ang nasa loob ng jartsena samantalang sa labas ay mga kawal na nagbabantay sa kanila. Marami na ring naghihintay sa paglabas ng kanilang anak.
BINABASA MO ANG
Elusive Butterfly (BoyxBoy)
FantasyNapakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o kaya naman lumabag ka sa isang batas na mahigpit na ipinagbabawal. Ngunit sa mundong kinagagalawan ni Alloade, ang pagkakaroon ng dalawang...