Ika-19 Kabanata

6.8K 326 30
                                    



Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga kalahi ko na nasa labas ng bahay na pinasok ko na walang pahintulot. Nahihiya ako dahil siguradong narinig nila ang ingay na ginawa ko kagabi, ang pagtangis at pagdaing ko sa sakit na nararamdaman ko. Ayaw ko ng maulit iyon.


Ilang minuto na lang ay sasakit na ang araw. Kailangan ko pang bumalik sa paaralan dahil ito ang araw na makikita ko ang Jjani ng mga Lapidoptera. Matagal ko ng hinihintay ang araw na ito.

" Allaode " boses iyon ni Elor Tacito. " Maayos na ba ang pakiramdam mo? " tanong pa nya.

Hindi kaya sila nakatulog sa nagawa kong ingay kagabi? Nakakahiya.


Binuksan ko ang pintuan kaya nakita ko si Elor Tacito na nakatayo.



" Gamutin na natin ang mga sugat na natamo mo " saad nya.

Sumunod ako sa paglalakad nya habang nakatingin sa akin ang iba. Napansin ko naman ang isang mahabang lamesa na naglalaman ng iba't-ibang pagkain at prutas. Napahawak ako sa aking tyan ng maramdaman ko ang gutom.


Umupo ako sa isang kahoy na upuan saka lumapit si Cephas sa akin. Tulad ng ginawa nya dati, pinahilom nya ang sugat ko. Ang totoo nyan, hindi ko na nararamdaman ang sakit ng katawan ko na tila ba nagkaroon pa ako ng lakas.

" Naikwento nila Sol at Alf ang nangyari sa kanila lalo na ang pagligtas mo sa kanila " biglang kausap ni Cephas sa akin.

" Obligasyon kong iligtas sila dahil ako ang pinuntahan nila doon " sagot ko naman.


Matapos nya akong gamutin, niyaya nila akong kumain kasama ang iba pa. Nagkaroon kami ng isang munting salo-salo habang nag-uusap.


" Kumain ka pa " hain muli ng kanin sa akin ng ina ni Sage.

Nahihiya na nga ako dahil masyado nila akong inaasikaso. Busog na nga ako ngunit hindi ako makatanggi sa kanila dahil nakangiti sila habang inaalok ako.

" May hihilingin po sana ako " bigla kong salita kaya natingin sila sa aking lahat. " Huwag na po kayong mag-abalang sunduin ako sa aking paaralan dahil hinigpitan na nila ang kanilang mga bantay. Ako na lamang ang tutungo dito mag-isa "

" Ngunit hindi ka ba mahihirapan? " tanong ni Ginang  Morgana.

" Magiging ayos lang po ako " nakangiti kong sabi.

" Ang mga cuncilum ang dapat sisihin natin. Sila talaga ang dapat natin kalabanin dahil sila ang nagpapahirap sa atin " galit na sabi ng isa sa kumakain.

" Tama " sang-ayon nilang lahat.

Napatitig na lamang ako sa platong nasa harap kp ng marinig ko ang salitang cuncilum dahil naalala ko si Kuya Easton.

Bakit nya ito ginagawa? May balak ba syang sabihin ang tungkol sa akin dahil hindi ako sumang-ayon sa plano nyang sya ang itadhana sa akin. Bakit sya sumali sa mga taong pumaslang sa ina at ama ko?

Noon pa man ay sinasabi nya na sya ang gagawa ng paraan para makilala namin ang pumaslang sa magulang ko ngunit bakit sya napabilang sa mga ito. Kung kalaban ko ang cuncilum, kabilang na sya sa mga kakalabanin ko. Ngunit alam ko sa sarili ko na hindi ko sya kayang labanan.

" Bakit ka umiiyak Allaode? " rinig kong tanong ng ina ni Sage sa akin kaya mabilis kong pinunasan ang pisngi ko.

" Wala lang. May naalala lang po ako " sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain.


Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon