Ika-24 Kabanata

7K 338 42
                                    

Dedicated to iyahchan

-------------------------------------------------------------

Handa na kaming makipaglaban ngayon. Hindi namin alam kung anong halimaw ang kakaharapin namin pero gagawin namin ang lahat para manalo sa laban. Ilang hakbang na lang ay magiging malaya na kami.

" Nakabunot na ba ang bawat grupo? " tanong ng taga-anunsyo.

" Opo " sabay sabay naming sagot.

May hawak akong papel na nakabilot na aking binunot kanina. Sabi nila, ito daw ang halimaw na makakalaban namin ngayong araw.

" Buksan nyo na " utos nya.

Binuksan ko ito sa harap ng aking ka-miyembro. Kleros ang nakasulat dito at wala akong alam kung anong uri ng halimaw ang nabunot ko kaya tumingin ako kay Zilla at alam nya na ang ibig kong sabihin.

" Kleros, ang halimaw ng mga mandirigmang tulisan. Magaling sya sa pakikipaglaban lalo na sa paggamit ng iba't-ibang sandata. Nagtangka syang sakupin ang lahing Vesta ngunit nabigo lamang sya dahil may mandirigmang guer ang nakatalo sa kanya.  Mahigit kumulang limang dekada na ang nakakalipas magmula ng mamatay sya ngunit ang kaluluwa nya ay nanatiling buhay sa tulong ng mahiwagang kalasag nya " paliwanag nya.

" Woah! Ang galing mo naman, Zilla. Sino naman ang amin? " singgit ni Tetsuna sa usapan namin at ipanakita ang papel na nabunot nila.

" Bakit naman namin sa'yo sasabihin? " pagmamasungit ni Odette pero alam kong inaasar nya si Tetsuna.

" Sungit naman nito. Parang hindi tayo magkaibigan " sagot nya.

Tumawa naman si Odette dahil naniwala kaagad si Tetsuna. " Biro lang. Ano ang sa kanila, Zilla? " baling nya kay Zilla.

" Ang halimaw ng ilog ng kamatayan, si ver raparia. Dati syang tagapagbantay ng mahiwagang ilog ng walang katapusang buhay ngunit naghangad sya na magkaroon ng imortal na buhay kaya sya pinarusahan at tinapon sa ilog ng kamatayan. Tubig ang kanyang pinakasandata " paliwanag ni Zilla.

" Ang rami mong alam sa lahat ng bagay. Maraming salamat " puri ni Tetsuna sa kanya at pagpapasalamat na rin.

Tinawag na kami upang magtungo sa entablado. Unang tinawag ang grupong Vati, ng lahing Lapidoptera. Kaya umupo muna kami kasama ang ilang manonood. May nilalang na nagtungo sa gitna at may hinampas lamang sya sa paligid kaya unti-unting nagbago ang paligid ng entablado at naging masukal itong kagubatan. Ang buong paligid naman ay nagmistulang nasa kalagitnaan ng isang madilim na kagubatan. Nakakamangha ang ginawa ng may hawak na mahikang baston.

" Ang halimaw ng mga kadilim, si Shawdwe ang makakalaban ng grupong Vati. Ating tunghayan kung paano nila matatalo ang kanilang kalaban " saad ng nag-aanunsyo.

Wala akong masyadong makita sa may entablado dahil madilim ngunit agad namang nagliwanag dahil sa mga paruparo na inilabas nila. Kulay dilaw, berde, lila at kahel ang mga nakapaligid na napakagandang tingnan. Ito ang pangalawang pagkakataon na may nakita akong ibang uri ng mga paruparo dahil ang isa noon ay sa may paaralan na kapareho sa aking ina.

" Lumabas ka na, shawdwe. Gusto na naming matapos ang laban na ito " salita ng may kulay lilang paruparo.

May bigla namang namuong itim na usok sa kanilang taas. Nagpakita sa kanila ang nilalang na hindi ko mawari ang itsura. Wala syang kamay at paa at tanging mga ugat ng mga puno ang nagsisilbing katawan nya na may mga tela pang nakapalibot sa kanya. Wala rin syang mukha.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon