II- Ikapito

3.5K 163 17
                                    

" Naalala mo ba nang tumungo ako sa sentro upang magpadala ng pera sa kamag-anak ko? Rinig ko ang mga balita na marami daw nawawalang mga Vesta na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nahahanap "

" Oo nga e. Alam na kaya ni Primnus Xeriol ang nangyayari "

Narinig ko ang bulungan ng dalawang katiwala na naglilinis ng bintana ng dumaan ako sa gawi nila. Patungo kasi ako sa likudang palasyo upang tingnan ang ginagawa ng mag-ama ko. Ineensayo ni Xeriol si Salvare ng kanyang kakayahan sa apoy. Hindi naman magpapigil ang dalawa kaya hinayaan ko na saka malaking tulong na rin ang paglilibang ni Xeriol kay Salvare upang hindi nya masyadong maisip si Ward.

Pagkarating ko ay may nakikita akong mga lumilipad na ibon na gawa sa apoy. Kinokontrol ito ni Salvare gamit ang kanyang kamay habang tuwang-tuwa samantalang ang kanyang ama ay pinagmamasdan sya at masaya sa nakikita.

" Papa Allaode, tingnan mo " saad ni Salvare ng mapalingon ito sa gawi ko.

" Ang husay mo na talaga Salvare " puri ko sa kanya.

Lumapit ako sa asawa ko at yumakap sa kanyang braso. " Mahal ko huwag mo muna syang sanayin sa mga mabibigat na pagsasanay " paalala ko sa kanya.

" Walang taon ako ng makontrol ko ng lubusan ang apoy ko ngunit si Salvare ay agad nyang nakontrol " saad nya sa akin saka tumingin. " Huwag kang mag-alala dahil hihinay-hinayin ko lang sya " ngiti nya.

Nag-ensayo pa ang mag-ama kaya ako ay pinanood lang sila ngunit hindi nagtagal ay may kawal na nagtungo kay Xeriol. May sinabi sila kay Xeriol na ikinatingin sa akin sabay ngiti.

" Mahal ko may aayusin lang ako sa tanggapan ko " paalam nito sa akin pati na rin kay Salvare bago umalis.

Lumapit naman sa akin si Salvare na pawis na pawis kaya pinunasan ko kaagad sya at inabutan ng maiinom.

" Papa Allaode anong kapangyarihan nyo? Kaya nyo rin po bang maglabas ng apoy? " tanong nya sa akin.

Umiling ako. " Iba ang kapangyarihan ko sa Papa Xeriol mo. Tingnan mo ang pasong iyon na malapit sa bintana " sabi ko sa kanya kaya tumingin sya sa gawi doon.

Gamit ang isip ko itinaas ko ang paso at inilipat sa ibang lugar. Pumalakpak si Salvare at nakangiting bumaling sa akin.

" Turuan nyo po ako ng ganyan. Gusto kong matuto ng katulad sa inyo. Sige na Papa Allaode " yugyog nya sa akin.

" Pag-iisipan ko muna. Kung kakain ka ng gulay sa loob ng isang linggo ay tuturuan kita " sabi ko sa kanya kaya napasimangot sya kasi ang pinakaayaw nya ang pagkain ng gulay.

Itinapat ko naman ang palad ko sa kanya at pinalabas ang mamunti kong paruparo kaya mas lalo syang namangha sa nakikita. Lumilipad ito sa amin at ang iba ay dumadapo sa bulaklak na nasa aming paligid.

" Ang ganda Papa Xeriol " saad nya at hinabol ang isang paruparo na pilit inaabot.

Pinagmasdan ko na lang sya habang hinuhuli ang paruparo ko. Bigla naman akong nakaramdam ng kakaibang pakiramdam sa paligid kaya mabilis kong pinabalik ang mga alaga ko sa aking kamay na ikinatingin sa akin ni Salvare at tumakbong lumapit sa akin.

" Papa Xeriol kakain ako ng maraming gulay, hindi ako magkakalat at magrurumi at magiging mabait akong bata basta ituro mo sa akin kung paano gumawa ng paruparo " galak na sabi ni Salvare sa akin.

" Sige " sang-ayon ko. " Ngunit pumasok muna tayo upang doon na hintayin si Papa Xeriol mo " ngiti ko sa kanya na agad naman nyang sinang-ayunan.

Hinawakan ko ang kamay nya papasok sa loob. Bago kami tuluyang pumasok lumingon muli ako sa pinanggalingan namin. Nakita ko ang pasong inilipat ko sa ibang lugar ay bumalik na sa dating pwesto nito kaya mabilis kong isinara ang pinto. Hangga't nandito kami sa loob ng palasyo ay hindi nila kami masasaktan. Ligtas kami dito.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon