" Idagdag mo pa 'to "
Napatingin ako sa kalalapag lang ng napakakapal na papel na aking aayusin. Kailangan kong mapaghiwalay ang mga ito base sa taon ng mga estudyante.
" Xeriol, wala ka talagang hiya. Gawain mo ito pero pinapagawa mo. Wala ka talagang kwenta. " saad ng lalaking kasamahan nila dito, si Theron isa ring officer.
" Ayos lang naman sa akin " singit ko sa usapan nila. " Mabilis ko namang matatapos ito " dagdag ko pa.
Kung magrereklamo pa ako hahaba pa ang usapan namin at saka ako ang may kailangan kaya hindi na dapat ako magsabi ng kung ano pa. Dapat nga magpasalamat ako sa kanya dahil napulot nya ang nameplate ko dahil kung hindi, mahabang proseso pa ang gagawin ko para makakuha pa ng iba.
" Huwag munang ituloy iyan " napatingin ako sa babaeng nakaupo sa may harap ng computer na nakatingin na sa akin, si Angra. " Maggagabi na kaya tumungo ka na sa tinutuluyan mo " dagdag pa nyang sabi.
Tumingin naman ako kay Xeriol kung susundin ko ba ang sinasabi ng babae. Kita ko sa mukha nya ang inis habang nakatingin sa babae.
" O sige na umalis ka na pero bago ka tuluyang umalis dalhin mo ito sa may storage room. Kapag nadala mo ito saka ko pa lang ibibigay ang nameplate mo " sabi nya sabay abot sa akin ng isang box.
Hindi naman kabigatan dahil hindi ako nahihirapang buhatin. Pumayag na lang ako sa gusto nya para makuha ko na ang nameplate ko. Sinabi nya sa akin ang daraanan ko kaya kaagad na akong nagtungo.
Wala na akong makitang estudyanteng nakakalat pa sa hallway o kaya sa labas ng building dahil paniguradong umuwi na sila o kaya na sa may dorm na sila. Hindi ako natatakot na mag-isa lang ako bagkus mas komportble pa ako dahil walang nagmamasid sa akin. Hindi kasi ako sanay sa mga tingin ng iba.
Storage room.
Basa ko sa nakasulat sa pinto. Binuksan ko na ito at bumungad sa akin ang maraming parang bookshelves pero mga kahon ang nakalagay. Hinanap ko na ang pwesto ng kahong hawak ko hanggang sa may di iinaasahan akong marinig.
" Anong gagawin natin? Bukas na ang espesyal na pagsusulit. Wala man lang tayong alam. Langya naman kasi! Bakit ang higpit ng bantay sa may faculty room?! " boses ng lalaki ang aking narinig.
"Natural maghihigpit sila dahil nandoon lahat ng sagot sa mga pagsusulit. Gumawa kaya tayo ng gulo? " saad naman ng isa.
Pamilyar ang boses nila. Parang sila 'yung hinahabol ni Xaeri kanina dahil gumamit sila ng kapangyarihan.
" Sunugin kaya natin itong storage room? " nagulat ako sa narinig ko.
" Hindi ko 'yon naisip. Kung susunugin natin ito, paniguradong ipagliliban nila ang pagsusulit at may pagkakataon uli tayong manakaw ang mga sagot. Kaso paano natin iyon gagawin? " tanong nila.
Dahil sa narinig ko, umatras ako ng bahagya upang makabwelo ng takbo upang isumbong sila sa mga officers pero nabunggo ko ang isang shelf at may nahulog na bote na nagdulot ng ingay.
" Sino 'yan?! " sigaw nila.
Tumakbo na ako ng mabilis pero bago pa man mahawakan ang pintuan, kusang huminto ang katawan ko na parang may kung anong nakatali dito na hindi ko naman makita.
" Yari tayo. Mukhang narinig niya ang lahat " sabi ng isa na problemadong-problemado.
" Hindi ko sasabihin ang narinig ko basta 'wag nyong ituloy ang gagawin nyo. Mapapahamak lang kayo " sabi ko sa kanila na ikinatawa nila.
" Siraulo ka ba? Nakapagplano na kami kaya gagawin na namin ang gusto namin. Kaya ikaw... " nakita kong may parang binubuhol sya sa kanyang mga daliri na syang nagpasikip sa taling nakapulot sa akin kasabay niyon ang paghagis nya sa akin sa isang pader.
BINABASA MO ANG
Elusive Butterfly (BoyxBoy)
FantasyNapakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o kaya naman lumabag ka sa isang batas na mahigpit na ipinagbabawal. Ngunit sa mundong kinagagalawan ni Alloade, ang pagkakaroon ng dalawang...