Pagsikat pa lang ng araw, agad na nagtungo ang buong sandatahan sa pangunguna ni Primnus Xeriol sa dulong bahagi ng ilog. Doon nakita nila na may nakaharang na malalaking tipak ng bato upang harangan ang pagdaloy ng tubig. Ang kataka-taka ay tila sinadya ang pagharang ng mga ito.
" Mga kawal, pagtulungan nyo ang pag-alis ng mga bato " utos ng kanilang pinuno.
Gamit ang kanilang kakayahan, pinagtulungan nilang baragin ang mga bato kaya malakas na dumaloy ang tubig. Nagsigawan ang mga mamamayang sumama sa kanila dahil sa tuwa at galak na mayroon na silang tubig na gagamitin sa kanilang kabuhayan.
Bumalik muli sila sa bayan upang magpaalam. Bilang pasasalamat, nagbigay ng munting handog ang mga mamamayan ng mga magagandang uri ng tela na kanilang pinagmamalaki.
" Tanggapin nyo po ang telang ito para sa inyong anak. Malambot ito at madulas kaya paniguradong hindi maiirita ang balat ng inyong munting anghel " yukong bigay ng babae na pinuno sa paggawa ng mga tela.
" Maraming salamat " kuha ni Xeriol sa tela at inabot kay Styll.
" Mahal na pinuno, lubos po kaming nagpapasalamat na tinugunan nyo ang aming problema. Sa oras na mamunga ang aming itatanim naming bagong tanim ay magpapadala kami sa palasyo bilang pasasalamat muli. " saad ni Ginoong Ansel.
" Tungkulin na pangalagaan ko ang lahat ng mamamayan ng aking nasasakupan. Kaya nagpapasalamat ako sa'yo Ginoong Ansel na pinaalam mo sa akin ang bagay na ito upang hindi pa lalo lumawak ang inyong prinoproblema. Maswerte ang bayan ng Galanta na magkaroon ng isang lider na katulad mo na may nagmamalasakit sa kanyang bayan. Isang mahusay na lider. " papuri ni Xeriol sa matandang nasa harap nya.
" Isang malaking karangalan po ang inyong sinabi para sa akin " naluluhang sagot ng matanda.
Pinuri't pinasalamatan sya ng kanilang pinuno kaya wala syang mapaglagyan ng tuwa at galak sa kanyang narinig. Karangalan na maturing sya ng kanilang Primnus na isang mahusay na lider.
Matapos ang pagpapasalamat, bumalik na sila sa palasyo. Mabuti na lamang ay natatakpan ng makakapal na ulap ang araw kaya hindi ganoong kainit.
" Xeriol, ayos ka lang ba? " tanong ni Styll dahil kita nya sa mukha ni Xeriol na may malalim itong iniisip.
" Parang sinadya ang lahat " tugon ni Xeriol. " Napakabilis na kumalat ang sakit sa buong bayan sa loob lamang ng higit isang linggo. Ang daluyan ng tubig ay hinarangan ng malalaking bato. Ang mga insekto sa pananim ay hindi nanggaling sa ating lugar dahil ngayon ko lang nakita ang ganoong insekto. Nakakapagtaka na para bang sinadya ang lahat "
Iyon rin ang iniisip ni Styll ngunit hindi naman sya magaling pagdating sa pagresolba ng mga problema kaya hindi na lang nya prinoproblema. May gugustuhin na lamang nyang mautusan kaysa mag-isip.
Matapos ang mahigit dalawang oras na pagbabyahe ay nakita na nila ang palasyo. Nakaramdam ng pananabik si Xeriol na makita ang kanyang mag-ama.
" Ito ang regalo sa'yo kanina " abot ni Styll sa telang kulay asul na ibinigay kanina ng makababa sila sa kabayo at matanggal ang kalasag sa kanilang katawan.
Tinanggap ito ni Xeriol at pumasok sa loob ng palasyo patungo sa kanilang kwarto. Pagkarating nya doon, hindi nya nakita si Allaode at maayos na rin ang kanilang higaan. Nagtingin pa sya sa ibang parte ng kanilang kwarto ngunit wala sila.
Tumungo sya sa labas nang may makasalubong syang katulong na may dalang mga prutas.
" Magandang umaga po, mahal na pinuno " bati ng katulong habang nakayuko.
" Para kanino 'yan? " tanong nya.
" Para po sa inyong asawa " sagot nya.
" Ako na ang magdadala " kuha ni Xeriol sa katulong na sinabi kung saan makikita ang kanyang pinakamamahal na asawa.
BINABASA MO ANG
Elusive Butterfly (BoyxBoy)
FantasyNapakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o kaya naman lumabag ka sa isang batas na mahigpit na ipinagbabawal. Ngunit sa mundong kinagagalawan ni Alloade, ang pagkakaroon ng dalawang...