Ikaapat na Kabanata

8.3K 393 17
                                    

Kakaiba ang mga tingin na binabato sa akin ni Xeriol. Makahulugan na tila ba naghahanap rin sya ng kasagutan. Naiilang na lang ako.

" Allaode, may takda ka na ba kay Ms. Sinay? " tanong sa akin ni Mayuki.

" Meron na " sagot ko.

" Pakopya " nakangiti nyang sabi.

Hindi ko naman sya matanggihan dahil nakakahiya saka minsan tinutulungan nya rin ako sa mga ilang gawain na hindi pamilyar sa akin. Inabot ko sa kanya ang kwaderno ko kaya mabilis nya itong kinopya bago pumasok si Ms. Sinay.

" Magandang umaga " bati ni Ms. Sinay sa amin. " Ipasa ang mga kwaderno nyo upang maitama ko ang inyong mga takda. Ngayong araw ay lalabas tayo para maglaro " galak na sabi nya.

Nagsigawan naman ang mga kaklase ko na tila ba masaya sa huling salitang sinabi ni Ms. Sinay. Mabilis silang nagsilabasan matapos maipasa ang kwaderno. Inayos ko muna ang gamit ko bago ako lumabas kung saan nakasabay ko sila Styll and Xeriol.

" Kamusta ka na Allaode? " tanong ni Styll.

Sasagot na sana ako kaso naunahan akong magsalita ni Xeriol. " Sa tuwing nakikita mo sya, lagi mo syang tinatanong ng kamusta na sya. Lagi ba 'yang napapahamak " saad nya.

" Eh sa gusto ko syang kamustahin, masama ba? " sabi naman ni Styll sabay ngiti sa akin kaya ngumiti na lang rin.

Hindi na nagsalita pa si Xeriol kaya dumiretso na kami sa paglalakad sa green field. May kanya-kanyang pwesto na ang mga kaklase ko at ang iba'y nakaupo lang. Iba't-ibang larong bola ang kanilang nilalaro. Ang iba naman ay naghahabulan o di kaya naghaharutan. Hindi sila sinusuway ni Ms. Sinay dahil para sa kanya, gusto rin nyang sumaya at gumaan ang pag-aaral ng mga klase nya kahit isang beses lang sa isang linggo.

" Ikaw Allaode, bakit hindi ka sumali sa kanila? " kausap sa akin ni Ms. Simay at umupo sa tabi ko.

" Ayos na po ako dito " nakangiti kong sagot.

" Alam mo ba ang Kuya Easton mo noon kapag may ganitong araw sa klase, naku nangunguna syang lumabas ng silid-aralan. Lahat na ng larong pwedeng laruin nila, nalaro na ni Easton. Tingnan mo iyong si Xeriol " turo ni Ms. Sinay kay Xeriol na busy sa paglalaro ng bola kasama ng iba naming kaklase.

" Kaugali 'yan ni Easton. Maresponsable, matalino at may pagkasira ang ulo " sabay tawa nya sa huling sinabi nya. " Gwapo pa. Swerte ng mapipili ng Cryptus nya " napalingon ako kay Ms. Sinay.

Cryptus, narinig ko 'yan sa iniisip ni Xeriol. Ano nga ba iyong  sinasabi nya? Kung ako daw 'yung napili ng Cryptus wala na syang magagawa pero imposible daw 'yon. Ewan ko!

" Kaya nga lang sobrang laki ng responsibilidad nya. Maraming mga mata ang nakatingin sa kanya. Naghihintay na magkamali sya. Malas nga lang nila dahil matalino at magaling ang batang 'yan " sabi pa nya.

" Ano po ang ibig nyong sabihin? " tanong ko.

" Hindi mo ba alam? Sya ang susunod na magmamana ng trono ng mga Vesta " sagot ni Ms. Sinay.

Muli akong napatingin sa kanya, hindi ko mapigilang maisip na maaaring mangyari sa kanya ang sinapit ng magulang ko kung magkakamali sya ng taong mamahalin nya. Ngayon pa lang ay naaawa na ako.

Umalis na si Ms. Sinay sa tabi ko at tumungo sa ibang kaklase ko. Napabuntong-hininga na lang ako at nagmasid-masid sa paligid ng may makita akong imahe sa di kalayuan sa may likod ng puno. Kita ko ang pagngisi nya ng makita ko sya kaya tumayo ako.

Naglakad ako patungo doon upang lapitan sya. Hindi naman umaalis ang taong nasa likudan ng puno kaya dire-diretso ako. Pakiramdam ko tinatawag nya ako. 

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon