II- Ikaanim

3.6K 172 3
                                    

Allaode's

" Paano natin ito sasabihin kay Salvare? " ang unang tanong na binigkas ng aking bibig.

Mahalaga sa amin si Ward dahil naging parte na sya ng aming pamilya  kaya nalulungkot kami na wala na sya sa amin ngunit ang pinag-aalala ko ay si Salvare. Sobrang lapit ng bata sa kanyang alaga kaya alam ko na sobra rin syang masasaktan kapag nalaman nya ito. Noong nga lang nagkasakit si Ward ay hindi sya umalis sa tabi nito at laging binabantayan. Ngayon pa kaya na tuluyang nawala sya.

" Sino ang may kagagawan nito? " tanong ko sa aking asawa na nakatingin lamang kay Ward habang nakayukom ang mga palad.

Hinawakan ko ang mga kamay nito kaya ramdam ko ang panginginig. Panginginig marahil sa galit sa nakikita nya ngayon.

" Hindi ko alam, mahal ko. Nakita na lang ng isang kawal na gan'yan ang kanyang kalalagayan " sagot ni Xeriol sa akin. " Hindi ko aakalain na may maglalakas ng loob na pumasok sa teritoryo ng ating palasyo at gawin pa ang bagay na ito " ramdam ko ang galit sa kanyang pagsasalita.

Kahit naman ako ay nagagalit sa kung sino man ang may gawa nito kay Ward. Ngunit ang mas nangingibabaw sa akin ang takot. Takot kung bakit sa lahat ay si Ward pa ang pinatay na malapit sa anak ko. Pahiwatig o paramdam kaya nila ito?

Hindi ko na alam ang iisipin ko.

" Primnus Xeriol, eto na po ang pinapakuha nyo " nakayukong abot ng isang kawal ang isang itim na tela.

Kinuha ito ni Xeriol at lumapit kay Ward. Hindi ko naiwasan ang mapaiyak dahil sa aking nakikita. Inaayos na ibalot ni Xeriol si Ward sa telang hawak nito. Matapos ay kinarga nya ito na tila isang sanggol.

" Papa Xeriol, ano po ang buhat mo? " napalingon ako kay Salvare na nakatingin sa kanyang ama kaya mabilis akong lumapit dito.

" Salvare, bakit ka lumabas sa jartsena? Ang sabi namin hintayin mo kami " hinarangan ko ang kanyang tingin sa gawi ng ama nya ngunit lumakad ito papalapit kay Xeriol.

" P-papa Xeriol, s-si---- " hindi nya natuloy ang sasabihin nya ng umiyak na ito ng malakas.

Muling inilapag ni Xeriol si Ward sa may lupa kaya mabilis na niyakap ito ni Salvare. Iyak lamang ito nang iyak habang yakap ang kanyang itinuring na kapatid at matalik na kaibigan. Hindi ko alam kung paano ko aaluhin ang anak ko dahil sa unang pagkakataon ay ngayon ko lang sya nakitang umiyak ng ganito.

" P-pasensya na Ward kung h-hindi kita nailigtas mula sa k-kanila " rinig kong sabi ng anak ko sa pagitan ng kanyang pag-iyak. " Kung s-sana hindi k-kita hinayaan na m-mawala sa tabi ko ay h-hindi m-mangyayari ito sa'yo "

Nalulungkot ako na marinig sa anak ko na sinisisisi nya ang kanyang sarili. Lumapit ako sa tabi nya at hinagod ang likod nya kaya tumingin ito sa akin. Kitang-kita sa mga mata nya ang lungkot at pagdadalamhati sa nangyari.

" P-papa Allaode, w-wala na si Ward ko. W-wala na sya " muling iyak nito nang malakas.

" Kahit wala na si Ward, lagi ka nyang binabantayan. Nangako kayo 'di ba sa isa't-isa na hindi nyo iiwan ang bawat isa kaya kahit hindi mo sya nakikita, nasa tabi mo lang sya " pag-aalo ko sa aking anak.

Muli nyang niyakap ang alaga nya habang hinahagod ang telang nakabalot dito. Hindi man naririnig ang kanyang pag-iyak ay patuloy pa rin syang lumuluha. Walang tigil ang pagpatak ng luha sa kanyang mata.

⏭️

Nakatulog na kakaiyak si Salvare. Inayos ko ang kanyang kumot at hinalikan ito sa noo bago tumungo sa aking asawa na nakatingin sa labas ng bintana na may malalim na iniisip. Nailibang na rin namin si Ward sa loob ng jartsena.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon