Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa inasta ng bagong naming kaklase kahapon. Napuno ng tuksuhan at asaran sa pagitan naming dalawa dahil sa harap ko lang sya nagpakilala. Pinakiusapan pa nga nya ang nasa kabilang gilid ko upang doon sya umupo kaya ngayong araw ay makakatabi ko na sya.
Ang pangalan nya ay Sage Bacchus. Anak sya ng may-ari ng pinakamalaking kosmos sa Merkat, iyon ang sabi nila. Kung ganon man ay galing sya sa mayamang pamilya.
Isinukbit ko na ang bag ko saka lumabas. Isinirado ko na ito at maglalakad na ng biglang pagharap ko ay nakita ko si Xeriol. Nakangiti ito sa akin saka lumapit.
" Anong ginagawa mo dito? " tanong ko na ikinagulat ko talaga.
" Lagi naman kitang pinupuntahan dito upang magsabay tayo sa pagpasok. Pagpasensyahan mo pala kung hindi na kita inihatid kahapon dahil sa pagmamadali ko " nahihiya nyang sagot sa akin.
Wala na akong nagawa kaya pumayag na ako dahil noon pa man ay ginagawa nya ito. Habang naglalakad ito ay bigla syang nagtanong sa akin.
" Matagal mo na bang kilala si Sage? " tanong nya.
" Hindi. Ngayon ko lang sya nakita " sagot ko.
Naramdaman ko naman ng hawakan nya ako sa kamay at hinila sa ibang direksyon. Pumalag ako sa ginawa nya pero hindi sya nagpatinag sa paghawak sa akin. Pamilyar ang pinuntahan namin, ang Jartsena.
" Bakit mo ba ako dinala dito? Kapag may nakakita sa atin dito paniguradong mapaparusahan tayo " saad ko sa kanya.
Hindi sya nagsalita ngunit bigla nya akong niyakap ng mahigpit na halos hindi na ako makawala sa pagkayapos nya sa akin. Hindi ko sya maintidihan sa mga inaasta nya. Nanghahalik sya, nangyayakap, sinusundo at hinahatid nya rin ako at nag-iinit ang ulo nya kapag my ibang lalaking lumalapit sa akin.
" Teka nga lang, Xeriol " layo ko sa kanya. " Bakit mo ba ito ginagawa? " tanong ko. Gusto ko na kasing maliwanagan.
" Ang alin? " takhang tanong nya kahit alam naman nya ang ibig kong iparating.
" Xeriol! Hindi ako nakikipagbiruan?! " naiinis kong sagot sa kanya.
Tumawa naman sya kaya sinamaan ko sya ng tingin. " Hindi ko nga alam ang tinutukoy mo. Ano ba ang ginagawa ko sa'yo? Tulad ba ng ganito? " sabi nya sabay hawak sa magkabilang pisngi ko at hinalikan ako.
Mabilis akong lumayo sa kanya at tinakpan ang bibig ko. Nanatili syang nakangiti sa akin kaya mas lalong pumula ang pisngi ko dahil sa hiya.
" Hindi ko pa maaaring sabihin sa'yo pero may isa akong bagay na kailangan mong malaman. Ayaw kong lumapit ka kay Sage. Hindi ko sya gusto " seryoso nitong sabi. Kanina ay nakangiti lamang ito ngunit ngayon ay seryoso na.
" Wala namang masamang ginagawa si Sage sa akin saka bago natin syang kaklase " pagtatanggol ko.
" Hindi pwede. Simula ngayong araw sa ayaw at gusto mo ay lagi na akong nakasunod sa'yo. Maganda rin pala ang pag-alis ko sa student council dahil mababantayan ko ang mga lumalapit sa'yo " sagot nya.
Magsasalita na sana ako upang tumutol ngunit lumabas na sya kaagad. Sinundan ko sya at nagreklamo sa kanya dahil hindi nya dapat gawin iyon ngunit hindi nya ako pinapansin. Kahit makarating kami sa harap ng silid-aralan ay hindi nya pinapakinggan ang sinasabi ko. Pumipito-pito lang sya na parang walang kasama.
" Allaode " tawag ni Sage sa aking pangalan na nasa harap ng pinto.
" Ano ang kailangan mo sa kanya? " sabay akbay ni Xeriol sa akin. Tinanggal ko ito pero ayaw nyang patanggal.
" Wala naman. Gusto ko lamang syang batiin ng magandang umaga " nakangiting bati nito sa akin bago pumasok sa loob.
Tumingin naman ako ng masama kay Xeriol na painosenteng tumingin sa akin. Padabog akong naglakad patungo sa loob upang makaupo na sa upuan ko. Nginitian ko na lamang si Sage ng makita ko syang nakaupo rin sa katabi kong upuan.
BINABASA MO ANG
Elusive Butterfly (BoyxBoy)
FantasyNapakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o kaya naman lumabag ka sa isang batas na mahigpit na ipinagbabawal. Ngunit sa mundong kinagagalawan ni Alloade, ang pagkakaroon ng dalawang...