Ikapitong Kabanata

8.3K 396 22
                                    

Malaki ang pagitan namin sa isa't-isa. Nakatingin lamang ako sa aking harapan at hinihintay lamang syang na magsalita. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya kaya napatingin ako sa kanya na nakatingin pala sa akin.

" Ano ba ang dahilan kung bakit mo ako kailangan kausapin? Tungkol ba ito sa ginawa mo? Kung tungkol doon, kalimutan na lang natin iyon. Iisipin ko na hindi mo ginawa ang bagay na iyon " sabi ko sa kanya.

Baka kasi naguguluhan lamang sya ng araw na iyon kaya nya iyon nagawa. Iintindihin ko na lamang sya dahil maraming beses na naman nya akong iniligtas.

" Anong 'bagay na iyon' ? " maang na tanong nya.

" 'Yung ginawa mo noon sa loob ng silid-aralan " sagot ko.

" Sa may silid aralan? " tanong nya habang nakahawak pa ang hintuturo nya sa kanyang baba. Nakalimutan nya kaya talaga. Kung ganon man, mainam!

" Huwag mo na lang pansinin ang aking sinabi. Uulitin kong muli ang aking tanong, bakit ba gusto mo akong kausapin? " tanong kong muli.

Tumayo sya habang nakatingin lamang sa harapan. " Sa tingin ko, wala akong karapatan na ako mismo ang magsabi nito. Sa tingin ko rin ay hindi ka pa handa sa bagay na aking sasabihin. Bukod doon.. " tumingin sya sa akin. " Pareho tayong lalaki. Ngunit kung iyon ang itinadhana, wala akong magagawa kung hindi sundin ang nararapat. Hindi ako pwedeng tumutol "

Hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi. Sa tono ng kanyang pananalita, tila dismayado at wala na syang magagawa kung ano man iyon. Bakit nya ba sa akin sinasabi ang lahat ng ito? Dapat si Styll ang kausapin nya dahil silang dalawa ang magkaibigan.

" Kung ano man ang gusto mong ipahiwatig sa akin, alam kong makakayanan mo 'yan. Saka ikaw ang susunod na tagapagmana ng Vesta kaya kailangan mong maging malakas " sabi ko sa kanya at tumayo rin.

" Paano mo nalaman? Imposible naman sa kaklase natin dahil ayaw kong pinag-uusapan ang tungkol sa bagay na 'yan " sabi nya.

" Sinabi sa akin ni Ms. Sinay noon. Eto lang ang masasabi ko Xeriol " tumingin akong muli sa kanya. " Huwag kang pipili ng hindi mo kalahi, ng isang Vesta, kung ikaw ay iibig. Siguradong mapait na kapalaran ang kakahinatnan mo. " payo ko sa kanya.

Tumawa naman sya sa aking sinabi habang nakahawak pa sa kanyang tyan. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Seryoso ako dahil nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano kami gustong patayin ng mga kalahi namin.

" Nakakatawa ka Allaode " saad nya habang pinupunasan ang luha sa mata sa kakatawa.

" Anong nakakatawa ako? " inis kong tanong. Hindi biro ang aking sinasabi sa kanya.

" Nakalimutan mo ba? Hindi tayo ang pumipili sa taong mamahalin natin, ang cryptus " saad nya.

Hindi ko na sinagot ang sinabi nya. Ayaw kong makipagtalo sa kanya dahil hindi nya naranasan ang bagay na naranasan ko. Hindi ko rin masasabi na ang patunay sa sinasabi ko ay aking ama at ina.

" Halika na nga. Baka hindi tayo makakain ng tanghalian " aya nya sa akin at muli nya akong hinawakan sa kamay.

Hiniklat ko ang aking kamay ngunit mas naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nya. Tumingin ako sa kanya ngunit nakatingin lamang sya sa may dinadaaman namin.

" Xeriol, pwede bang bitawan mo ang kamay ko " utos ko sa kanya.

Ngumiti lamang sya sa akin sabay bitaw. " Ang lambot kasi ng kamay mo at ang liit kaya ang sarap hawakan mo " sabi nya sa akin.

Nahiya ako sa sinabi nya. Sadyang malaki lang ang mga kamay nya kaya nagmumukhang maliit ang akin. Masarap hawakan? Napangiti naman ako. Ewan ko kung bakit.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon