Kanina pa ako hindi mapakali sa aking upuan. Narito na ako sa silid-aralan ngunit wala pa si Xeriol. Hindi ko nga sya nakita sa harap ng aking tinutuluyan kaya hindi ko mapigilang mag-alala.
" Ayos ka lang ba? " pansin ni Sage sa akin.
" Oo " nakangiti kong sagot.
Kinuha ko na lang ang kwaderno ko upang abalahin ang sarili ko ngunit hindi naman nakikisama ang utak ko. Hindi ko talaga maiwasang isipin kung nasan sya kasi sabi pa nya kahapon bago kami magkahiwalay ay magsasabay daw kaming muli. Saka sabi pa nya, sabay kaming kumain ng almusal sa kantina kaya hindi ako kumain ng almusal ngayon ngunit wala naman sya.
Dumating na ang aming guro ngunit wala pa rin si Xeriol.
" Nasaan si Xeriol? " tanong ni Mr. Philip.
Nagtaka naman ako dahil hindi tinatanong ng aming guro kung nasaan si Xeriol kapag lumiban ito sa klase. Dahil sila ang unang nakakaalam ng dahilan sa kanyang pagliban, ngunit sa araw na ito ay hindi rin nila alam.
" Styll, nasaan si Xeriol? " tanong ni Mr. Philip kay Styll.
Tumayo sya. " Hindi ko po alam. Wala naman po syang sinabi na liliban sya ngayong araw " kibit-bilikat nyang sagot.
Hindi na muling nagtanong si Mr. Philip at minarkahan na lang na wala si Xeriol sa oras ng klase nya. Nagsimula na syang magklase. Wala akong maintindihan sa sinabi nya dahil inaakupa ng iba ang isip ko. Idagdag pa na mabigat ang pakiramdam ko sa hindi ko malaman na dahilan.
" Iyan muna ang aralin natin ngayong araw " sara ni Mr. Philip sa librong hawak nya. Hindi ko man lang namalayan na tapos na ang klase nya.
Hindi ko maiwasan mag-aalala. Hindi ko naman dapat nararamdaman ito, 'di ba? Pero parang meron sa sarili ko na kailangan ko syang hanapin at makita sya ngayong araw.
" Makinig muna ang lahat sa mahalagang anunsyo na sasabihin ko " lahat kami ay napatingin kay Mr. Philip.
" Ilang araw na lang ay tutungo dito ang Jjani ng mga Lapidoptera kaya mas lalo kong hihigpitan ang aking patakaran sa pagdating sa inyong kasuotan at pagkilos. Mapapansin nyo rin naman na inihahanda rin ang ilang pasilidad ng ating paaralan upang mas lalong mapaganda. Hinihiling ko lang sana na umayos at sumunod ang lahat upang hindi tayo mapahiya. Naiintindihan nyo ba ako? " paliwanag ni Mr. Philip na tila malaking responsibilidad ang nakaatang sa kanya.
Bigla tuloy akong nanabik na makita na ang Jjani ng Lapidoptera. Sana makita ko sya ng malapitan at kung bibigyan ako ng pagkakataon ay gusto kong makita ang mga paruparo nya ngunit mukhang imposible naman iyon.
" Opo Mr. Philip " sagot naming lahat.
Nagpaalam na ito sa amin at ganon rin kami. Lumabas na ito sa aming silid samantalang ako ay dumukdok sa aking lamesa ng maalala ko uli si Xeriol. Bakit hindi man lang sya nagpaalam sa akin?
Napatingala ako sa aking iniisip. Bakit ko naisip na kailangan nya sa akin magpaalam? Nasisiraan na talaga ako.
" Sa tingin ko may malalim kang iniisip " nagtatakha akong tumingin kay Sage. " at sa tingin ko ay nag-aalala ka sa kanya " saad pa nya.
" K-kanino naman? " nahihiya kong tanong sabay tingin sa kamay kong nakapatong sa aking lamesa.
Narinig ko ang mahina nyang pagtawa na tila biro ang sinagot ko sa kanya.
" Nakalimutan mo atang isa akong Azula. Malakas din ang pakiramdam namin pagdating sa mga nararamdaman ng mga nakapaligid sa amin. " mahina nyang sagot.
Ayaw kong tumingin sa kanya dahil namumula ako sa hiya. Sya lang naman siguro ang nakakahalatang nag-aalala ako kay Xeriol. Teka nga lang.... Kung nararamdaman nya na nag-aalala ako kay Xeriol ngayon, ang ibig sabihin ay alam nya rin na kinikilig ako kapag kasama si Xeriol.
BINABASA MO ANG
Elusive Butterfly (BoyxBoy)
FantasyNapakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o kaya naman lumabag ka sa isang batas na mahigpit na ipinagbabawal. Ngunit sa mundong kinagagalawan ni Alloade, ang pagkakaroon ng dalawang...