Xeriol's
" Salvare, umuwi na tayo " aya ko sa anak ko na nakatitig lamang sa puntod ng kaniyang ama.
Napagdesisyon kong ilibing ang mga labi ng aking mahal dito sa jartsena na ginawa ko para sa kaniya kung saan nakatanim ang kaniyang florsa na wala ng buhay at dating tingkad nito.
" Papa Xeriol, bakit iniwan tayo ni Papa Allaode? Hindi po ba tayo mahal niya? " tanong ng aking anak sa akin.
Binuhat ko siya at naglakad kami dito sa upuan na parang dati lang ay masaya kaming kumakain at naglalaro pero ngayon ay nagbago na ang lahat. Ang saya ng alaala noon na kasama siya ay hindi ko mapigilang lumungkot dahil kahit kailan ay hindi na muling mauulit ang masayang alaala na 'yon.
" Hindi tayo iniwan ng iyong ama. Nandito lang siya " hawak ko sa kamay ng aking anak sabay tapat sa puso niya. " Hangga't nandito siya sa ating puso, nasa tabi lang natin ang iyong ama " nginitian ko siya ngunit umiyak muli ito ng malakas.
Isang linggo pa lang ang nakakalipas kaya alam ko na mahirap pa rin sa kaniya na maramdaman na wala na ang kaniyang Papa Allaode. Hindi madali ang nararanasan niyang pangungulila dahil mas madalas niyang kasama si Allaode kaysa sa akin.
Tanging pagpupunas lang ng kaniyang luha at pagyakap ang kaya kong gawin sa ngayon dahil maski ako ay hindi ko matanggap na wala na siya ngunit hindi ko gagawin na umiyak sa harap niya. Gusto kong iparamdam sa anak ko na nandito lang ako para sa kaniya na kahit gusto kong umiyak nang mas malakas pa sa kaniya. Dapat ay maging matatag ako sa harap niya upang gayahin niya ako na tuloy pa rin ang buhay naming dalawa na magkasama.
Ilang sandali pang pag-iyak niya ay tuluyan na siyang nakatulog sa aking balikat. Binuhat ko siya at naglakad na patungo sa palasyo. Mas ginusto kong maglakad kaysa sumakay pa ng kabayo dahil gusto kong mapagod muna sa paglalakad para pagdating ko sa palasyo ay makapagpahinga ako katabi ang aking anak.
Tuloy pa rin ang obligasyon ko bilang hari. Ang isang linggong gawain ay nagagawa ko sa dalawang araw para abalahin ko ang aking sarili at makalimutan lang kahit saglit...kahit isang segundo lang ng pagkawala niya. Sobrang sakit na dalawang beses nawala ang mahal ko na sa huling pagkakataon ay wala pa rin ako magawa.
Malakas naman ako. Tinuturing na napakalakas ng lahing Vesta ngunit kapag ang mahal ko na sa buhay ang ililigtas ko, walang nagagawa ang aking lakas. Ipinapamukha sa akin na hindi sapat kung anong meron ako ngayon.
Sa dalawang beses na nawala sa akin si Allaode, hindi ko man lang nagawang magamit ang kapangyarihan ko. Napakasakit! Sa huling pagkakataon, hindi ko man lang nasabi kung gaano ko siya kamahal. Gusto kong marinig ang boses niya kahit sandali..kahit saglit.
" Primnus Xeriol " sumalubong sa akin si Styll na halata ang pag-aalala. " Kanina ko pa hinahanap 'yang si Salvare. Magkasama lang pala kayo " sinubukan niyang pagaanin ang paligid sa kaniyang sinabi.
" Ilalapag ko lamang si Salvare sa kaniyang kuwarto kaya ihanda mo na ang mga kailangan kong basahin at pirmahan " utos ko sa kaniya at pumasok na sa loob.
" Ngunit Xeriol, hindi ka ba muna magpapahinga? Kumain ka muna kaya " sunod niya sa akin.
Hindi na ako nagsalita. Sinaraduhan ko rin siya ng pintuan bago pa siya makapasok ng aming silid hindi dahil ayaw kong makita siya o makausap... kung hindi dahil ayaw kong makita niya akong sumusuko na sa nangyayari sa akin. Gusto kong maging matatag sa anak namin. Para sa anak namin ni Allaode kaya ayaw kong sumuko.
Marahan kong inilapag si Salvare sa aming kama. Hindi pa ako nakakaalis ng marinig ko siyang magsalita habang nakapikit.
" Babalik si Papa Allaode " saad niya habang nakangiti ngunit may luhang pumatak sa kaniyang mata na agad kong pinunasan.
BINABASA MO ANG
Elusive Butterfly (BoyxBoy)
FantasíaNapakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o kaya naman lumabag ka sa isang batas na mahigpit na ipinagbabawal. Ngunit sa mundong kinagagalawan ni Alloade, ang pagkakaroon ng dalawang...